Game 26: Asher

40 5 0
                                    

FUMIKO'S POV:

--
HUMIHIKAB na naglalakad ako sa hallway ng school dahil sa antok na nararamdaman ko. Halos inabot kami ng alas 3 ng umaga kakalaro at mukhang nawili sina Yakuji, David at Asher. Hindi pa man din ako sanay sa pagpupuyat kaso wala akong magagawa dahil 'yon ang protocol nila lalo na sa pagla-live stream.

"You okay?" Usisa sa akin ni Asher habang nakaakbay ito sa akin.

Sinamaan ko ito ng tingin. "Bitawan mo nga ako Asher. Sumasakit na ang balikat ko sa pagkakaakbay mo sa akin."

"I don't want to. Habang wala pa akong girlfriend, ikaw at ang Fuse Flight ang priority ko." Nakangising sambit pa nito kaya naman inirapan ko siya.

"Baka nakakalimutan mong magkahiwalay tayo ng course at isa pa doon ka sa kabilang building hindi ba?" Nakasuot na kasi ito ng uniporme nilang pang pulis na lalong nakadagdag sa appeal nito.

"Ihahatid kita sa room niyo."

Hindi na lang ako umimik at saka kami magkasamang umakyat papuntang 4th floor. Pinagtitinginan na rin kami ng ibang mga estidyante at may nadaanan pa kaming grupo ng mga I.T students.

"Akala ko pa naman girlfriend ni Dierkshed si Yamamoto? Bakit magkaakbay sila ni McKenna?"

"Baka trip niyang mangolekta ng babae pre? Maganda naman si Yamamoto."

Narinig ko pa ang tawanan nila hanggang sa malagpasan namin ang grupo pero agad na napahinto si Asher nang marinig namin ang mga katagang hindi ko inaasahan.

"Baka nga pinagpapasa-pasahan na nina David 'yang si Yamamoto. Ano kayang feeling mapunta sa gitna niya?" Lalo silang natawa sa sinabi nito dahilan para mawala si Asher sa tabi ko at nakita ko na lang na hawak-hawak niya sa leeg ang lalaking nagsabi no'n.

"Asher!" Sigaw ko nang makitang sinasakal niya ang isa sa mga schoolmates namin.

"Is that how you learn while you are studying inside this university you dick shit?" Nanggagalaiting wika ni Asher.

Tila kinilabutan ako dahil sa naging iba ang awra ni Asher at parang papatay siya ng tao. Maging ang mga kaibigan ng lalaki ay natakot sa naging reaksyon ni Asher kaya hindi sila nakagalaw agad. Halos isang dangkal ang layo ng lalaki mula sa lupa dahil hawak-hawak ito ni Asher sa leeg at iniangat sa ere.

"A-Asher..." Hindi ko alam kung paano ko aawatin si Asher dahil ako mismo ay natatakot na lapitan siya.

"G-Get off me, McKenna! Fuck, I can't breath!" Ani ng lalaking sinasakal ni Asher.

"Get back what you said to Fumiko and ask her your forgiveness." Naging mabalasik ang tingin ni Asher at tila kumikislap yun dahil sa galit.

"Asher Orson McKenna. What the fuck are you doing?"

Sabay-sabay kaming napalingon at tumambad sa amin sina Thud kasama ang kaklase naming dalawa.

Marahas na binitawan ni Asher ang lalaki at walang pag-alinlangang pabatong ibinigay ito sa mga kaibigan.

"He's saying something nasty about Fumiko. That's why I can't stop myself not to harm him." Kalmadong paliwanag ni Asher pero ang galit sa mga mata nito ay nanatili doon.

"We're inside the university, Asher and Cold didn't allow such physical assault." Ani naman ni Thud pero ang mga mata nito ay nagbabadya na ng galit. "Let's go Fumiko."

Walang pag-alinlangang hinawakan ni Thud ang kamay ko at saka ako hinila patungo sa sunod na palapag papunta sa classroom namin. He even locked his fingers through my hands that caught me off guard when I felt millions of electric bolts running through my veins.

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon