Chapter 42

130 1 0
                                    

CHAPTER 42

Ayaw

Pagkapasok namin ni tito sa club, agad kong nakita ang mga babaeng sumasayaw sa stage. May pole sa gitna at halos naka bra at panty lang sila habang nilalagyan ng pera sa strap ng bra at iniipit sa panty. May mga ilan na nagtatapon sa stage ng pera.

Nakakahilo rin yung amoy ng alak at yung ilaw na paiba-iba. Ngayon pa lang, gusto ko nang umatras. Hindi ako kumportable sa mga nakikita ko. Pero kailangan ako ni mama ngayon.

Hinila ako ni tito sa may counter at iniwan din dahil may kakausapin lang daw. Yakap ang sariling inilibot ko ang tingin sa paligid. May mga nakikita akong may hawak ng tray, naka-uniform sila. Binibigay yung mga inumin sa mga customer.

Siguro ganoon din ang gagawin ko. Itong suot ko, para lang magmukha akong mas matanda pa sa edad ko. Dahil hindi naman siguro ako pasusubukin ni tito na sumayaw sa stage katulad ng mga babae roon. Ayaw ko noon. Kahit anong trabaho na basta huwag yung ganyan. Hindi ako kumportable na titingnan ako ng mga tao na may halong pagnanasa. Kahit mukha silang mayayaman, posturang-postura, at pang-isang buwan ko nang pangkain ang presyo ng mga damit nila, ayaw ko.

Si Karim lang ang papayagan ko. Siya ang boyfriend ko kaya siya lang ang pwedeng makakita sa akin sa ganyang paraan.

"'Nak, ito, o." Inabutan ako ni tito ng isang baso na alam kong alak.

"T-Tito, hindi po ako umiinom," Umiling ako.

"Ano ka ba, kailangan mo 'to. Isa lang."

"Tito, ayaw ko po..." Pilit kong pagtanggi.

"Akala ko ba, gagawin mo ang lahat para sa mama mo? Dali na, makakatulong 'to sa'yo para makapagtrabaho nang mabuti. Parating na ang customer mo."

"Ayaw ko po talaga..."

"Isang lagok lang, 'nak. Wala kang mararamdaman pagkatapos."

Ayaw ko. Pero sabi ni tito, makakatulong daw 'to para makapagtrabaho ako nang mabuti. Magtatrabaho ako para kay mama. Kaya kahit ayaw ko, kahit hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa akong painumin ng alak kung magiging serbidora lang naman ako, sige... Para kay mama. Dahil kailangang kailangan ko ng pera ngayon.

Tinanggap ko 'yon at pikit matang inisang lagukan lang. Naduwal pa ako dahil sa pangit ng lasa noon pero binigyan ako ni tito ng isa pang baso.

"Coke lang 'to, 'nak."

Tinanggap ko na dahil softdrink lang naman 'yon. Umupo siya sa tabi ko sa high stool.

"Hintayin lang natin yung customer mo."

Iniinda pa rin yung pangit na epekto sa akin noong alak kaya tumango na lang ako.

Maya maya ay nararamdaman ko nang nanlalamig ako kahit pinagpapawisan. Siguro dahil sa alak kaya ganito. Bumibilis din ang tibok ng puso ko at para akong nahihirapan huminga. Para akong nanghihina pero pakiramdam ko rin, parang ang lakas lakas ko.

I tried to open my eyes properly and I could faintly see Karim's faces on people. Kanina ko pa siya naiisip kasi baka mag-alala siyang hindi ko siya nare-reply-an dahil wala akong dalang cellphone. Baka dahil doon kaya tingin ko sa lahat ay si Karim na.

Minutes later, I'm not even aware of what's happening anymore. Just the loud sounds, the smell of alcohol, and my desperation to earn money to pay mama's hospital bills, therapy, and medication.

"Halika na, 'nak. Oras na para magtrabaho." Hinila ako ni tito at patungo kami sa isang kwarto pa rito sa nightclub.

Bago niya buksan iyon ay may binulong siya sa akin. "Yung lalaking naka-itim na damit ang lapitan mo, ha? 'Yon ang customer mo pero maaaring lahat ng naroon din. Mikki ang pangalan mo at twenty one years old ka, tandaan mo. Kapag natuwa siya sa'yo, baka higit pa sa sampung libo ang ibigay sa'yo."

When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon