37: Kaugmaon

697 34 13
                                    

Keifer

Lumipas ang mga araw na dala ko pa rin ang panghihinayang sa nawalang scholar. Kung natanggap lang ako ro’n ay may nakuha sana akong pera para pandagdag sa pambayad ng hospital bills ni tatay. Hindi ko na rin sana iisipin ang pera na maaari kong magamit sa tuwing nag-uumpisa ang bagong semestre sa kolehiyo. Sa tingin ko ay may dahilan ang lahat at mas gusto lang talaga Niya na manatili ako sa pagiging part-timer doon sa nakakapagod na fast food restaurant na ‘yon. Sabagay, minsan kailangan talaga nating mahirapan para mag-grow.

Sanay naman na akong mahirapan at paulit-ulit na masaktan. Immune na nga yata ako sa sakit.

Habang nagtutupi ng mga damit dito sa kwarto ngayon na nilabhan ko kaninang umaga ay biglang pumasok sa isipan ko si tatay. Masaya ako na naging maayos ang operasiyon niya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpapakita ng senyales ng kamalayan. Parang natutulog lang siya nang mahimbing. Ang sabi ng doktor niya ay naririnig daw kami ni tatay kaya madalas ko siyang kausapin kahit na hindi ako nakakuha sa kaniya ng kahit na anong sagot. Ikinukwento ko sa kaniya ang mga nangyari sa buong araw na nagdaan at kung gaano kami kasabik na makita siyang muli na gumising at makipag-usap sa amin. Sa dami ng kwento ko ay mas minabuti kong wag sabihin sa kaniya ang estado ko sa paaralan. Ang ilan sa mga kaklase ko ay nagme-message na sa akin sa facebook para ibalita na hinahanap na ako ng iba naming mga prof. Simula kasi nang maaksidente si tatay ay hindi na ako masiyadong nagpapapasok at mas pinaglalaanan ko ng oras ang pagtatrabaho kaya madalas kong naku-kumpleto ang walong oras na duty sa trabaho. Kapalit naman noon ang pagliban ko sa klase. Kailangan ko kasing gumawa ng paraan para may makain kami ni nanay lalo na’t ume-extra lang si nanay sa paglalabada dahil hindi niya naman pwedeng hayaan na walang bantay si tatay sa ospital. Sa ngayon, ako muna ang taya bilang anak nila.

Nang maitupi ang mga damit ko na halos lahat ay kupas na sa kalumaan ay itinabi ko na rin ito sa lumang durabox. Balak ko rin kasing palitan ang kobre kama ng higaan dahil huwebes ngayon at ito ang araw na sinabi ni tito Kris na uuwi siya galing United States.

Nang makuha ang bagong laba na kobre kama ay mabilis ko rin itong ipinalit sa kulay asul na lumang sapin. Mag-uumpisa na sana akong magpalit ng mga punda ng dalawang unan nang magulantang ako sa matinis na tunog ng aking ringtone.

Sa sobrang abala ko sa ginagawa ay gano'n na lang tuloy ang gulat ko ro'n. Jusko! Ang tahimik pa naman sa bahay dahil ako lang mag-isa rito ngayon.

Miss ko na 'yong sekyu na 'yon.

Bago pa ako dalhin sa alapaap ng aking isip ay sinagot ko na lang ang tawag at agad akong napangiti nang makita ang pangalan ni nanay do'n sa screen.

"Nay!" sambit ko nang masagot ang tawag. Teka? Akala ko ay simpleng phone call lang ang ginawa ni nanay, kailan pa siya natutong tumawag sa messenger?

Nakita ko ang pagguhit ng malapad na ngiti sa labi ni nanay at agad na nanlaki ang mga mata ko nang iharap niya ang kamera sa taong kasama niya ngayon.

"Maghanda ka ng maiinom, anak. Nandito na ang tito Kris mo," sabi niya sa akin.

Buti na lang at nakayari na ako maglinis ng bahay kaninang umaga. Sa katunayan ay hinuli ko itong kwarto kung saan tutuloy si tito ngayong umuwi siya sa bansa.

"No need to bother yourself, Keifer. If there's a cold water there then its fine. I prefer water than any kind of beverages," dinig kong sabi ni tito Kris.

Tumango-tango ako bilang sagot. "Sige po!"

"Kanina pa ang tito mo rito dahil gusto niyang makita ang tatay mo. Ngayon ay pauwi na kami riyan para makapagpahinga muna siya. Naayos mo na ba ang tutuluyan ng tito Kris mo?" tanong sa akin ni nanay na sinagot ko naman ng pagtango.

SEKYU 1 (BL) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon