𝙓𝙔𝙍𝙀𝘼𝙇 𝙋𝙊𝙑....
"Ahhh...Ang sakit ng ulo ko,bulong ko at hindi ko kaagad napansin si kevin na nakatayo pala sa harap ko.
Agad akong napatingin sa kanya at agad rin akong lumingon lingon sa paligid ko ngunit tanging mga larawan lang ni kevin ang nakita ko mula sa dingding.
" Nandito ka sa bahay, inuwi muna kita rito,yun yung utos mo eh" agad na sabi nito pilit ko namang inalala ang ginawa ko kagabi.
"𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑚𝑜 𝑚𝑎𝑛 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑜 𝑠𝑖𝑛𝑎𝑙𝑢ℎ𝑎𝑛 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔 𝑖𝑛𝑜𝑚,𝐺𝑎𝑙𝑖𝑡 𝑘𝑎𝑏𝑎? 𝑏𝑎𝑘𝑖𝑡 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑚𝑜 𝑎𝑘𝑜 𝑝𝑖𝑛𝑎𝑝𝑎𝑛𝑠𝑖𝑛 𝑛𝑖 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑚𝑜 𝑎𝑘𝑜 𝑘𝑖𝑛𝑎𝑘𝑎𝑢𝑠𝑎𝑝,𝐴𝑙𝑎𝑚 𝑚𝑜 𝑠𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑎𝑙𝑎𝑘𝑖 𝑘𝑎...𝑔𝑢𝑠𝑡𝑜 𝑝𝑎 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑠𝑎𝑛𝑎 𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑘𝑎𝑠𝑜 𝑚𝑎𝑛ℎ𝑖𝑑 𝑘𝑎...𝑚𝑎𝑛ℎ𝑖𝑑,𝑢𝑚𝑎𝑙𝑖𝑠 𝑘𝑎𝑛𝑎 𝑛𝑔𝑎,𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑎𝑦𝑎𝑤 𝑚𝑜 𝑎𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑢𝑠𝑎𝑝𝑖𝑛 𝑒𝑑𝑖 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖,𝑤𝑎𝑔 𝑛𝑎 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑚𝑎𝑔 𝑢𝑠𝑎𝑝,𝑝𝑒𝑟𝑜 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑏𝑜𝑟 𝑙𝑎𝑛𝑔,𝑝𝑤𝑒𝑑𝑒 𝑚𝑜 𝑏𝑎 𝑎𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑖 𝑢𝑤𝑖 𝑚𝑢𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑏𝑎ℎ𝑎𝑦 𝑚𝑜? 𝑤𝑎𝑙𝑎 𝑎𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑢𝑝𝑢𝑛𝑡𝑎ℎ𝑎𝑛 𝑒ℎ,𝑚𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔 𝑢𝑢𝑤𝑖 𝑎𝑘𝑜 𝑚𝑎𝑔𝑎𝑔𝑎𝑙𝑖𝑡 𝑛𝑎 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑡𝑎𝑜 𝑠𝑎 𝑏𝑎ℎ𝑎𝑦,𝑙𝑎𝑙𝑜 𝑛𝑎 𝑦𝑢𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑖𝑏𝑖𝑔𝑎𝑛 𝑚𝑜𝑛𝑔 𝑠𝑖 𝑠𝑎𝑛𝑑𝑟𝑎."
" Jusko,ano bang ginawa ko,sambit ko at nakapamot nalang ako sa ulo ko.
" So,labas kana raw sabi ng mom ko,mag aalmusal ka raw dito kasama sila," sambit niya lalabas na sana siya ng agad ko siyang hilahin.
" Please sabihin mo tulog pa ako,aantayin ko nalang na umalis sila please nahihiya ako,tignan mo nga itsura ko amoy alak pa ako oh dina nakakahiya," inis kong sabi at inirapan ko lang siya.
" Ma ayaw niya daw,sigaw nito at agad naman akong tumayo at tumalon sa likod niya at saka tinakpan ang bibig niya,nawalan naman siya ng balanse at agad kaming natumba sa sahig,napatitig lang ako sa mukha niya at ganun rin siya saakin,nasa ibabaw ko nga siya kayat kitang kita ko ang gwapong mukha nito,ilang minuto ring ganun ang pwesto namin hanggang sa magising ang dugo ko at itinulak ko nalang siya.
" S-Sorry...ikaw naman kasi eh," paninisi ko.
" Fix yourself and come out." tanging sabi niya lang at saka na ito naglakad palabas.
Mabilis naman akong nagtungo sa banyo at nagmumog maliligo sana ako ngunit wala naman akong damit nakakahiya naman kung gagamit ako ng damit ni kevin ng walang paalam.Inayos ko lang din ang sarili ko at konting suklay saka na ako lumabas.
Naglalakad palang ako patungo sa kusina at nagtitinginan na kaagad ang pamilya ni kevin saakin,Parang ayoko ng tumuloy pa at gusto ko na lamang tumakbo palabas,wala nga akong nagawa kundi magtungo nalang sa kinaroroonan nila.
" Hello,maupo ka hija,kevin diyan siya sa tabi mo," sambit ng mama nito.
" Salamat po maam," ani ko lang at naupo nga ako sa tabi ni kevin,nahihiya nga akong gumalaw at ni umubo man lang ay kinakahiya ko pa,Dahil nga naiinis ako kay kevin ay tinadyakan ko nga ang paa nito.
" Aw..sigaw nito.
" Kevin,What the hell is that? nasa hapagkainan tayo," galit na sigaw ng daddy niya.Napatingin lang din siya saakin at agad ko naman siyang pinag taasan ng kilay.
" Kapatid mo si sandra right? He is a friend of Kevin, and I know that you are also his friend, or maybe not just a friend baka higit pa,Ngayon lang nag uwi ng babae ang anak ko,at kahit ang ate mo ni hindi pa niya pinasyal rito ni isang beses," sambit ng mama ni kevin.
" Mom...sambit lang ng binata sa mama nito.
Napaka prangka ng mama niya at hindi lang yun,napaka pormal niyang magsalita at halatang laking mayaman,kahit nasa bahay lang ito ay hindi halatang pambahay ang kasuotan niya,mukhang bata pa ang mommy niya at napakaganda rin niya kaya naman pala gwapo si kevin dahil pogi at maganda naman pala ang mommy at daddy niya.
" Ahmm ma'am salamat po sa pagpapatuloy,pero kailangan ko na pong umalis," sambit ko at ngumiti lang din naman ang mama nito.
" Stop calling me maam,Tita nalang,sige ingat ka pasyal ka ulit dito ah," nakangiti nitong sabi at kinawayan pa ako.
Hinatid lang din ako ni kevin pauwi ng bahay habang bumabyahe nga kami agad ko naman siyang kinuwestiyon dahil sa sinabi ng mama nito kaninang umaga.
" Ikaw ah,totoo bang ako pa lang ang babae sa buhay mo? ay este na pinasyal mo sa inyo? grabe napaka swerte ko naman," natatawang pangangantyaw ko rito.
" Ofcourse not-----sus,si mama mo nga nagsabi eh...pero infairness huh ang bait ng mama mo,ang swerte naman ng magiging manugang niya may mabait siyang mother in law kung sakali," biro ko pa at napikon ata siya kaya binilisan na lamang niya ang pagpapatakbo.
Pinahinto ko lang sa tapat ng bahay at saka ako bumaba,niyaya ko naman kaagad ang binata ngunit tumanggi lang ito dahil may importante raw kasi siyang lakad ngayon kaya siya nagmamadaling umalis.
Pagkapasok ko ng bahay nadatnan ko nga kaagad sina ate sandra at kasama niya si calix sa na nakaupo sa sofa.
" Calix,hindi ka nagsabi na nandito ka pala,"sambit ko at sabay akong nag mano kina mama.
" Ahh...kakarating lang din niya anak,medyo nagkasabay lang kayo,nauna lang siya ng minuto,"singit naman ni mama.
" Ganun po ba? sige po magpalit muna ako," sambit ko at hindi ko na nga sila inimikan pa.
Pagpasok ko sa silid ko huminto lang ako at sumilip sa sala,masayang nag uusap sina calix at sandra habang sinisinyasan naman sila ni papa,Bakit kaya?Bakit parang may mali? parang may something na hindi ko alam.
Hinayaan ko na nga lang iyon at nahiga lang ako sa kama,wala nga akong balak kausapin ngayon si calix kaya hindi muna ako lumabas ng kwarto ko.
Ilang sandali pa narinig ko na lamang ang tinig ni mama habang tinatapik tapik ang braso ko,naka idlip na pala ako hindi rin kasi ako nakatulog ng maayos kagabi.
" Uuwi na si calix hindi ka man lang ba lalabas? ani ni mama.
" Masakit po ang ulo ko,wala po ako sa mood makipag usap sa kanya ngayon," sagot ko lang at saka idinaong ko lang ang mukha ko sa unan.
" Pero anak,kawawa naman yung tao," ani pa nito.
" Hindi yun ma,nandoon naman si ate eh,okay naman na sila diba? edi siya kumausap," inis kong sagot hindi na rin nakaimik pa si mama at lumabas nalang din ito.
.
.
.
" Sandra anak,Bakit Pinahantong mo pa sa ganito? Kung mahal mo naman pala si calix dapat hindi kana pumayag pang ligawan niya noon pa ang kapatid mo,"" Ma,wala po akong ginagawa,aniya ni sandra.
Napahawak naman ang mama nito sa braso niya napahigpit ata iyon kaya agad binawi ng dalaga ang kamay nito mula sa pagkakahawak ng kanyang ina.
" Wala kang ginagawa? Anong ibig sabihin ng nakita ko? magkahalikan kayong dalawa ngayon sabihin mong wala kang ginagawa,galit na sambit ng ina nito.
" Bakit ma? ako naman ang unang minahal ni calix,at hanggang ngayon ako parin,ako parin,sagot nito kayat nasampal na lamang ulit siya ng mama niya.
" Paano kapag mabisto kayo ng kapatid mo?itigil niyo na ang kalokohan niyong iyan,mas lalo lang kayong mag aaway ng kapatid mo sandra,Hindi bat gusto mong magbati kayo?
" Hindi na ma,buong buhay ko,siya nalang lagi ang inuuna ko,paano naman ang gusto ko? wala akong ibang ginawa kundi ang magpaka mabuting kapatid sa kanya,ang pangarap niya tinupad ko,Ma kahit ngayon lang din suportahan mo ako,hindi porket bumalik na siya ,siya nalang lagi ang pinagtutuunan niyo ng pansin,Ma nandito rin ako,Kami naman talaga ni calix una palang eh."
" Di sana hindi niyo na dinamay pa ang kapatid mo,Kapag malaman ni xyreal na nagkabalikan na kayo at may ginagawa kayong kababalaghan bahala ka sandra."
YOU ARE READING
TAKSIL NA PUSO( 𝒄𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅)
RomanceAng dalawang magkapatid na pinaglayo ng tadhana,Matagal nilang hinahanap ang isa't-isa ngunit tila mas lalo silang pinaglalayo,Ngunit sa kasamaang palad magtatagpo sila sa maling panahon. Si Xyreal ay lumaki sa ibang tao at tanging hangad lang nito...