03

4 1 0
                                    

Kaya tumayo na ako at kinuha ang tumbler at bimpo sa bag ko. Nang makapunta ako sa pwesto niya kanina umiiyak pa din siya, lukot na ang uniform niya dahil doon siya nag pupunas ng luha.

Inabot ko sakanya ang bimpo ko at tumbler na may tubig

"Ayaw ko, hindi ko kailangan niyan."

"Hindi kailangan? Pero todo punas ka ng luha dyan sa uniform mo tignan mo lukot na uniform mo, muka ngang nahihirapan ka na din huminga kaka iyak."

Tumitig lang siya sakin ng ilang minuto kinuha din naman niya ang bimpo sa kamay ko at uminom ng tubig sa tumbler na dala ko.

"Alam mo palpak din ako minsan sa mga gawain ko sa school." Giit ko "But i keep trying, hindi pwedeng ma disappoint ko ang pamilya ko."

Tinititigan niya lang ako bago siya mag salita

"I don't know to do anymore, binigay ko naman na lahat eh."

"Tapos hindi ako ang top 1 sa klase namin."

"Then?"

"Feel ko pinalaki na akong talunan."

"Talunan? Wala naman sigurong ginawa para maging talunan"

Tumitig lang siya sakin, hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

"Ikaw? Bakit ang chismosa mo pero ang lungkot mo." tanong niya

The fuck? Paano niya nasabi? Hindi naman siya siguro mangkukulam or what diba. Hinawakan ko agad ang muka ko

"Ako malungkot? Edi sana kung malungkot ako sinabayan kita umiyak."

"Kita sa mata mo, tanga"

Ngumisi ako, tumingin ako sa relo ko. I have 20 minutes before my communication class start. Nakaramdam na din ako ng gutom kaya kakain na din ako.

"Gusto mo kumain?" Tanong ko

"Bakit libre mo ba?" Tanong niya sakin pabalik

"Bakit sinabi ko ba?" Pag tatanong ko

"Pass hindi mo naman libre eh." tumayo siya at pinagpag ang palda niya.

"Oo nalang, sige na mukang gutom ka kaka iyak eh."

Sabay kaming kumain sa canteen at gaya ng sabi ko libre ko na siya.

"Ano nga pala pangalan mo?" Tanong sakin ng dalaga

"Malaya Marie Salvador."

"Malaya? Ano yun like freedom?"

"Yah." Maikling sagot ko habang kumakain "Eh ikaw anong pangalan mo?" Tinignan ko siya

"Miracle Amara S. Quinto."

"Humss student?"

"No. Stem student."

"Kaya pala hindi kita nakikita sa humss facility." pagtango ko

"May bf kana siguro, ganda mo eh."

"No, I don't have."

"Anak ka ng tokwa? Walang nagtangkang jowain ka?" Napasigaw pa siya sa gulat

"Alam mo ayos ka din noh pag nakaka kain, nagiging maingay ka." pag sagot ko

Nag usap pa kami ng ilang minuto tinanong niya ang mga social media accounts ko, kaya binigay ko, after that naghiwalay na din kami ng landas dahil may mga klase pa kami.

7:40 pm na natapos ang klase ko, kaya nag lakad na ako sa sakayan sa españa. Nang makasakay ako sa jeep halos lahat nanahimik, may nag cellphone, may nakaka tulog na din. Wala akong ibang naririnig kung hindi ang mga busina mula sa mga sasakyan dahil sa traffic. Bumaba na din ako sa jeep ng nasa kanto na ako ng bahay namin.

Naglakad pa ako ng ilang metro, may mga tambay pa nga sa labas. Napatitig pa sila sakin ng nakita nilang huminto ako sa tapat nila, hindi ako makadaan dahil nakaharang sila sa dadaanan ko.

"Ethan, padaanin niyo si ganda." sabi ng katiwala sa bahay

"Ayy sorry po, hoy liam tumabi ka!" Pagsermon nung ethan

Nang makarating na ako sa bahay namin hindi ko alam bakit ang lakas ng tibok ng puso ko dahil na lang siguro na napagod ako sa bigat ng bag ko. Hindi ko maalis sa isip ko ang itsura ng lalaki

He has thick eyebrows, singkit na mata, a pointed nose tapos yung salamin niya kapit na kapit sa tangos ng Ilong niya, a cupid heart shape lips, red cheeks and lips, he have black hair but turns brown when focused in any light.

Bumalik lang ako sa wisyo ng makarinig ng sandamakmak na notification. Kaya agad kong kinuha ang phone ko at chineck ang facegram

Message Requests: Miracle Amara Quinto
Hi sissy ko! Thank you very much sa food kanina and yung bimpo mo balik ko nalang bukas. I'm sorry I couldn't thank you, muka kasing nagmamadali ka :>>>

To: Miracle Amara Quinto
No worries.

Pinatay ko na ang phone ko at pumunta ng cr para maligo. The thing na ayaw ko dito sa bahay na to ay walang sariling cr, so need pang lumabas para lang makaligo or makapag cr.

This house look like compound like after ng bahay namin is may maliit pang eskenita and you will saw na may mga bahay pa dun, and sa gilid naman ay may tatlong cr na magkakasunod, bawat cr may gumagamit nun so hindi ka pwede pumasok sa kahit anong cr unless yun ang cr na pinapagamit ng katiwala.

Nang matapos ako makaligo, ay nag bihis agad ako I wore pajamas and oversized t shirt, I'm getting bored sa bahay wala naman na akong assignment na gagawin dahil nagawa ko na kanina sa school during vacant time.

Lumabas na lang ako ng bahay at bumili ng ilang snacks, umupo ako sa isang bakanteng upuan ramdam ko ang titig ng grupo ni ethan sakin kaya tumingin din ako sakanila, agad naman nilang binawi yung tingin nila sakin at nag bulong bulongan sila. Hindi ko alam pero mukang wala silang naintindihan sa bulongan na ginagawa nila.

"Hi po ate ganda." sabi ng bata

"Hi."

"Bagong lipat ka po dito?"

"Yes."

"Kailan po?" Umupo siya sa tabi ko

"Kahapon lang." Sagot ko "gusto mo?" Pag alok ko sa bata ng candy na hawak ko. Kinuha niya naman yon at kinain agad

"Thank you po." Salita niya habang kinakain ang candy.

"Your welcome." Pag ngiti ko sakanya "wag kang mag sasalita habang kumakain, masama yon at baka mabulunan ka pa." Pagsermon ko sa bata

Tumango lang siya sakin.

Nang maubos niya ang candy ay nakipag daldalan pa ang bata sakin.

He ask me bakit kami lumipat, anong itsura ng dati naming bahay, saan ako nag aaral. Then I ask him about sa kanya he answered politely to me.

✿︎✿︎✿︎

The Broken Oath Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon