06

2 0 0
                                    

From: Gabriel Tuazon
Hala sorry gab, wait bibigyan kita ng gamot.

From: Gabriel Tuazon
Wag na, okay lang ako.

To: Gabriel Tuazon
Hindi naman ikaw ang inaalala ko, si tita leylie pag nakita niya yan magagalit yun. Sumbong mo pa ako.

From: Gabriel Tuazon
Sayang! Hindi naman ako sumbongero, don't worry.

Hindi ko nalang pinansin ang mga pinagsasabi niya, lumabas ako para bumili ng yelo at nagtungo sa bahay nila

"Tao po" pagkatok ko sa pintuan

Bumukas ang pintuan at nakita ko agad si gab abot tenga ang ngiti ng binata.

He's wearing a shirt and school uniform pants wala siyang salamin ngayon kaya kita ko ang pagka singkit ng mata.

"Ohh eto na yelo lagay mo dyan sa pasa, may gamot din dito." inabot ko sakanya yung tupperware na may yelo at gamot na dala ko. "Sorry talaga hindi ko sinasadya, kala ko hindi malakas yung pwersa ng pagkakahampas ko. Sorry talaga gab."

"Okay lang ano kaba." he chuckled "hindi naman malakas yung pwersa ng pagkakahampas mo sadyang mabigat lang yung bag." Mahinahon niyang utas

"Marie andyan ka pala, gab papasukin mo yung bisita mo hindi yung hinaharang mo." sabi ng nanay ni gab

Nagtataka pa ako kung paano ako nakilala ng mama ni gab, hindi pa naman kami nagkikita.

"Hindi na po tita, uuwi na din po ako." sabi ko at ngumiti.

"Ayy nako hindi pwede, pasok ka dito sabayan mo na kami kumain." hinila na ako ng mama ni gab kaya hindi na ako nakapalag pa.

"Ako nga pala si leylie, pero kahit tita nalang okay na." Pagpapakilala ng ginang .

"Malaya Marie Salvador po." Pagpapakilala ko din sa sarili ko.

Pina upo ako ni tita sa tabi ni gab, si gab din ang naghahain ng pagkain sakin tinatanong niya din kung anong ulam ang gusto ko.

Hindi ako nagsasalita habang kumakain habang sila mag ina ay nag uusap, hindi ko nalang pinapansin ang pinag uusapan nila dahil nakiki kain na nga lang ako makikichismis pa ako.

"Ikaw ba Marie? Magaling ka din ba pagdating sa pag aaral?" Salita ni tita leylie.

Kahit saan ako magpunta laging kinakamusta ang pag aaral ko, kahit ayaw ko sagutin ay wala akong nagagawa kundi sumagot sa tanong nila. Pag aaral ang ayaw kong pinag uusapan takot ako makumpara sa mga tao sa paligid ko, takot ako makumpara sa mga expectations na meron sila.

Kahit consistent with honor ako since elementary hindi yun sapat na assurance sa sarili ko na naabot ko ang expectations nila, dahil ang totoo laging may mas magaling sakin, lagi akong natataasan ng mga tao sa paligid ko. And I hate it na may mas mataas sakin ayaw kong ako ang nalalamangan, that's my toxic trait.

"Yes po tita leylie, consistent with honor po since elementary." Ngumiti pa ako

"Wow ang galing mo naman, para ka palang si gab alam mo ba consistent honor student din yan since elementary." pag mamalaki ni tita sa anak

Ngumiti na lang ako sa compliment na natanggap ko kay tita leylie.

"Ma!" Nahihiyang sagot ni gab

"Ohh bakit? Ayaw mo bang pinagmamalaki ka ng nanay mo dito sa magandang dilag?" Pagtitig ni tita kay gab

Napakamot na lang ang binatang lalaki sa batok niya at tinuloy na lang ang pagkain.
Pagkatapos kumain gusto ko sana tumulong magligpit o maghugas ng pinggan pero laging inaagaw sakin ni gab ang gawain. Masipag ba talaga to sa gawain bahay?

"Uwi na po ako tita, salamat po sa pagkain." paalam ko at ngumiti

"Ganon ba, balik ka dito sa susunod ah." salita ni tita leylie

Lumabas na ako at umuwi ng bahay, ginawa ko na ang mga gawain bahay ko may mga kailangan din akong gawin sa school kaya paniguradong puyat nanaman ako.

May inaaral ako sa cellphone ko ng makatapos ako sa gawain ko sa bahay, biglang may notification akong natanggap

𝑺𝒂𝒏𝒂 𝒘𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒔𝒐𝒌 𝒃𝒖𝒌𝒂𝒔.

From: Gabriel Tuazon
Umuwi kana pala hindi mo man lang sinabi sakin sana naihatid kita.

Ang oa naman halos magkapit bahay lang kami, kailangan pa talaga ihatid.

To: Gabriel Tuazon
Nasa kabilang bahay lang ako, ang oa

From: Gabriel Tuazon
Kahit na.

𝙂𝙖𝙗𝙧𝙞𝙚𝙡 𝙏𝙪𝙖𝙯𝙤𝙣 𝙞𝙨 𝙩𝙮𝙥𝙞𝙣𝙜...

Agad din naman nawala yun. Hay nako bahala na siya dyan basta ako mag aaral nalang ako.

Anong oras na ako natulog dahil nag advance study pa ako sa lesson namin para sa pag aaralan namin kinabukasan. Lagi akong nag advance study para sa mga graded recitation malaking halaga na kasi sakin ang puntos ng graded recitation.

Walang bago ginawa ko uli ang routine ko at pumasok na sa school. Nang matapos namin ang klase sa philosophy ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

𝑻𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏𝒂, 𝒑𝒂𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒘𝒂 𝒂𝒌𝒐 𝒔𝒂 𝒕𝒆𝒔𝒕.

Halos tulala lang ako hanggang nasa jeep ako. Walang kwenta ang pag advance study na ginawa ko kagabi dahil nakatulala lang ako sa kawalan habang nag kaklase, kahit si miracle ay tinatanong kung okay lang ako dahil hindi ako umimik noong magkasama kami.

Isa ako sa mga studyanteng pasang awa, hindi ko matanggap na pasang awa lang ako, kung walang mga plus point ay dapat bagsak ako. Hindi ko matanggap na "plus point" lang ang sumagip sa test ko, nag aral naman ako bago mag take ng test pero bakit? Bakit isa pa din ako sa mga kulelat?

From: Miracle Amara Quinto
Okay ka lang ba? Parang wala ka sa sarili kanina, may problema ka ba?

From: Miracle Amara Quinto
wala naman akong ma alala na may sinabi akong masama, wala naman siguro akong nagawang masama hindi ba?

From: Miracle Amara Quinto
ฅ^•ﻌ•^ฅ sagot ka naman ohh, nalulungkot na yung kitty ko

From: Miracle Amara Quinto
Tell me if you feel bad ah. I'm always here lang.

From: Miracle Amara Quinto
I LOVE YOUUUUUUU ❤️🧡💛💚💙💜🤎🖤🤍💘💝💖💗💓💞💕💟♥️❣️

Napangiti nalang ako ng mapait sa mga mensahe ni miracle.

シ︎

The Broken Oath Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon