Chapter 45

88 2 0
                                    

CHAPTER 45

Gunshots


Wala pa akong kinakain para sa araw na ito. My stomach growled earlier and he wanted to take me to a fast food chain to eat. Nanatiling nasa mga kamay ko ang IDs niya at naka-rehistro pa rin sa screen ng phones namin ang number ng LAPD.

"Order anything you want."

Napanguso ako at inalala na dalawang daan na lang ang pera ko. Tomorrow after school, I'll open a new bank account, para agad agad ko na ring makuha yung bayad ni Stephen sa akin. Twenty percent ang malalagas sa akin doon dahil may komisyon si madam. Pero kahit mabawasan ako ng dalawampung porsyento, napakalaki pa rin noon!

"One junior bacon cheeseburger and medium Coke, please," Sabi ko sa counter.

Iyon lang ang kaya ko sa ngayon. Kailangan ko pang tipirin ang dalawang daan hanggang sa makuha ko na yung bagong card ko. Titingnan ko bukas kung may booking din ako sa sex den para maitawid ko ang mga araw na wala pa yung card.

"Then two orders of chicken teriyaki bowl, one order of sourdough grilled chicken club, and an eight-piece bucket of chicken," Tuloy ni Stephen.

Ang dami naman niyang order?

Bago pa sabihin ng cashier kung magkano, nilabas na ni Stephen ang black card niya. Babayaran ko na lang siya mamaya pagka-upo namin.

Nang binalik sa kanya ang card ay binigyan siya noong order number at naghanap na kami ng mauupuan. Pang-apatan iyon at nasa magkabilang dulo kami.

"Stephen, ito pala..." Inabutan ko siya ng isang daan. "Dalawang daan na lang natitira sa pera ko, eh—"

"Keep that. Kasama rin naman doon ang order ko. Pero teka... dalawang daan na lang ang pera mo? What about the other nights that you work in that club? At... yung bayad ko?"

"Yung tungkol sa bayad mo naman, magbubukas pa kasi ako ng bagong bank account pero kukunin ko naman kay madam pag nakuha ko na yung card ko."

At nang maisip ko muling sampung milyon ang ibinayad niya para hindi na ako magtrabaho roon, parang nakaka-konsensiya. Mayaman siya, oo, pero... ten million?

"Bagong bank account? Isa pang... bank account?"

"N-Ninakaw kasi yung card ko."

"I can help you freeze your card so whoever stole it won't have access to your money. I can talk to someone regarding your bank account, too. But... you don't have cash with you? Dine-deposit ba nila yung fee mo sa bangko mo?"

"Hindi naman... Ngayon lang, kasi malaki yung binayad mo. Cash nila binibigay sa akin yung porsyento ko."

"So... where are your cash?"

I couldn't see his reactions. Yung galaw lang ng bibig at ilong niya ang kita ko dahil sa cap. Pero panigurado, magkasalubong ang kilay niya.

No. Naaalala ko lang yata si Karim sa kanya. Si Karim na kahit natutulog ay magkasalubong ang kilay. Parang umaabot pa sa panaginip niya yung sama ng loob niya sa mundo.

"N-Ninakaw din sa akin."

His hand formed into a fist but when he noticed that I looked at it, pinatunog na lang niya ang mga buto niya sa kamay.

"Everything?"

Makirot man nang maalala kong ang tito ko pa ang gumawa ng mga iyon, tumango ako.

"Do you know who did that? Nilooban ang bahay niyo? I can help find—"

"Stephen, hindi na. Ayos lang—"

"Hindi ayos 'yon! You're doing something that you don't want for money, tapos mananakawan ka pa? If we can't retrieve the money, then at least let that thief go to jail!"

When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon