House slippers
Friends lang kami.
Magkaibigan, magtropa, at magkaibigan ulit.
"Kaibigan ko nga lang siya! Lahat naman ng kaibigan ko binati ako ng exact midnight nung new year ah!" Pakikipag usap ko sa sarili ko habang nagmamaneho pauwi sa Nueva Ecija.
But my friends didn't exactly greet me at midnight. Mga siguro quarter to one in the morning pati kinabukasan...
Napahampas ako sa manibela. Awkward na tuloy kami niyan! Dahil parang totoo nga ang hula ko kung bakit ako ang pinaniwalaan niya kumpara kay Kayden, na family friend nila na halos pinsan ang trato.
Tucker was the last person I had this kind of connection with. We were exactly like this. And i promised myself that I'm not going to have this kind of friendship again.
Our friendship got awkward after dating for six months! We never came back from our closeness because we ruined it by being in a relationship.
Pinagtatawanan na siguro ako ng mga nagbabantay ng CCTV rito sa expressway dahil kausap ko ang sarili ko.
Nag-focus na ako sa pagmamameho, hindi ko na pinansin ang Good Morning texts ni Severiano. Limang araw na akong hindi nag-rereply dahil iba na talaga ang pakiramdam ko sa sitwasyon namin ngayon.
Mula nung new year, walang humpay ang good morning texts.
Ganito si Oliver no'n. Fuck.
Pero kay Oliver wala akong naramdaman na kahit ano, inis lang at pagkairita pero sa isang 'to... Crush ko siya DATI. Ngayon hindi na masyado dahil friends lang kami.
Friends lang.
Friends lang nga!
Na... magkatawagan... at sabay nag countdown para sa new year...
Sinubukan kong humingi ng advice kay Connie pero may boyfriend na kasi itong babaeng 'to kaya hindi pa nababasa ang message ko sa kanya.
Ayoko naman magtanong kay Snow dahil hindi naman sila friends ni Kale nung una. Kay Elene pwede kaso tutuksuhin ako tapos ichichismis kay Asher tapos dalawa na silang manunukso sa akin. Kay Dani naman, sasabihin sa akin no'n na umamin nalang ako. Ganon kasi ang ginawa niya kay Reese kaya naging sila.
Dan-dan!
Tinawagan ko kaagad pero hindi sumagot.
Buong biyahe pauwi, panay ang overthink ko dahil hindi ko rin alam ang nararamdaman ko. Baka mabait ganon lang talaga siya sa mga kaibigan niya?
Baka ganon din siya kina Calvin at Lukas.
Pagkaparada ko sa pick up, nagtext na ang bestfriend premium.
Severiano:
Are you ignoring me?Hindi ba halata?
Pero na-guilty kaagad ako sa kasamaan ng ugali ko.
Hindi na nga ako nakalabas sa sasakyan dahil napako na ako sa upuan ko kakaisip kung magre-reply ako o hindi.
Bahala na.
Alder Jeo:
OoSeveriano:
Why? Did i do something?Wala naman siyang ginawa eh...
Alder Jeo:
Ewan ko sa'yo, hindi ka naman ganito sa akin datiSeveriano:
I like you. Isn't it obvious?Halos ibato ko sa dashboard ang cellphone ko.
Buti nalang nakapatay na ang sasakyan kundi tumunog na ng tumunog ang busina dahil pinaghahampas ko ang manibela.
Bakit ako kinikilig?
Severiano:
I know you hate men and you swore them off your life but I'm here, either you push me away or I'll settle being just friends with you.Tama na please!
Pumasok na ako sa unit ko. Pigil na pigil ang sariling huwag gumawa ng ingay dahil alas siyete palang ng umaga. Baka magulat yung mga kapitbahay pag may narinig silang impit na tili ng ganitong oras.
I ignored his messages. Lahat ata ng distraction ginawa ko. Naglinis, nag-grocery, nagluto, at naglaba ng damit.
Dapat isa-isa lang ang tasks na matapos kada araw para hindi ako ma-bored pero natapos ko na ng kalahating araw lahat.
"Mike" Tinakip ko sa mukha ko ang dust pan na hawak ko.
Nagwawalis kasi ako sa gilid ng bahay nung may tumawag mula sa gate.
"Pinapadala ni bossing" Pigil ang tawa niyang inabot sa akin yung isang cup ng iced coffee.
"Bilan-" Nasamid pa siya dahil may gustong sabihin pero hindi natuloy.
"Pinadala lang as a friend" Natatawa niyang sabi bago umalis.
Alam niya? Malamang dahil isa rin ata si Mike sa bestfriend no'n.
Severiano:
Can I come over? I'll bring desserts, there's a bunch of chocolate chip cookies left.Napabangon ako mula sa pagkakahiga sa sofa. Palubog na ang araw, kakatapos ko lang sa paglilinis sa buong unit ko. Hindi ko na namalayan ang oras...
Alder Jeo:
Anong oras?Severiano:
Right nowAlder Jeo:
I'll just take a quick shower. I'll message you once I'm ready.Gago.
Bakit parang iba ang kahulugan ng text ko?! I sound like a husband waiting for his partner to go home to finally sleep with me...
Severiano:
Okay, take your time. Don't rush.Kahit sinabi niyang huwag ako magmadali syempre nagmadali ako. Nakakahiya naman na siya na ang may ibibigay tapos paghihintayan ko siya?
Sinuot ko ang paborito kong maluwang na puting t-shirt, black jersey shorts, and white socks. Nagaya na ako kina Aciel na laging nakamedyas nung pasko.
Masarap sa paa lalo na kung nakatodo ang aircon.
Basang-basa pa ang buhok ko. Layered na 'to pero tumatama pa rin hanggang asa balikat ang dulo. Habang nakatapat sa electric fan, nag-reply na ako na pwede na siya pumunta.
Severiano:
I'm here.Sumilip ako sa bintana at nakita siyang nakatayo sa labas ng gate. Suot ang itim na uniform at white sneakers ng cafe.
Pinigilan ko ang sarili kong ngumiti pero binigyan ko naman ang sarili ko ng limang segundo para ngumiti.
"Gabi na 'yan" Sabi ko habang binubuksan ang gate para makapasok siya.
"Mike said he'll quit if you don't taste these"
Itinaas pa ang paperbag at inalog.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko.
Umiling lang. Sabagay, alas siyete palang.
"Dito ka na kumain"
Mukha kasi siyang pagod kaya rito muna siya para makapagpahinga saglit. Para hindi na rin siya magluto pa sa kanila. Malilipasan na siya ng gutom pag paguwi niya siya kakain.
"Gamitin mo nalang yung bagong house slippers diyan sa gilid" Tsaka ko tinuro yung isang rack na puro house slippers, umaapaw na kasi sa bahay kaya inuwi ko na rito. Nag uwi akong sampo...
Kulay asul ang pinili niya. Katulad ng akin.
BINABASA MO ANG
The Correct Way To Drink An Affogato
RomanceAlder has a plan ever since high school. Go to college, graduate with latin honors, go to medical school, and become a doctor. It's a solid plan but just like any other plans, there are minor setbacks and distractions which he calls 'men' One incide...