CHAPTER 24

20 9 1
                                    

"Aalis na kayo? sambit kay kevin habang inaayos nito ang gulong ng kotse niya.

" Oo,hindi kaba talaga sasama? Xy...baka naman ipagpaliban mo nalang muna ang galit mo sa kanila? ani nito.

"Kinukwestyon mo ba ako? Ginawa ko na yun noon,pero inulit lang nila,kung uuwi kayo edi umuwi kayo,pero tigilan mo ang pangingialam sa nararamdaman ko." pagtataray ko sa binata.

"Xyreal wag ka naman maging selfish,maiiwan ka dito? how about me? how about us? sunod-sunod na tanong niya.

Masakit din para saakin na magkalayo kami ni kevin,pero sa sitwasyon kong ito wala pa ako sa katinuan upang makipag ayos sa kapatid mo ng ganun nalang na parang wala nalang nangyari...na parang hindi ako nasaktan,kailangan ko ba talagang magpanggap para sa kanila?

" Xyreal hija,sundin mo kung anong gusto ng puso mo,wag mo kaming intindihin,Babalik ka naman dito diba? sige na anak,sumama kana sa kanila at ayusin mo kung anuman ang naging pagtatalo niyo sa inyo,kung kailangan mo kami nandito lang kami para sayo," ani ni tita at inabot saakin ang bag na may lamang mga damit.

" Tita...maluha luhang sabi ko at agad akong yumakap sa kanila.

" Sige na habulin mo sila," sambit nito at agad naman akong tumakbo at sumigaw sa papalayong kotse nina kevin.

Napansin ata nila ako sa side mirror ng kotse at agad naman siyang huminto mabilis na bumababa,mabilis rin akong tumakbo at niyakap siya.

" Sasama ako sayo,hindi ko kayang mawalay sayo kevin," masayang sabi ko at niyakap naman ako ng binata.

Nakatulog nga ako sa byahe namin at ng magising ako ay wala na si jepoy at nasa tapat na kami ng bahay namin.

" Nandito na pala tayo,sure ka bang magpapakita ako sa kanila? ani ko at hinawakan lang din ako ni kevin sa kamay at sabay kaming pumasok sa loob.

Nadatnan namin sina calix at sandra na nagtatawanan sa sala habang si calix naman ay hinahalikan ang tyan ng kasintahan nito.

" Xyreal,mahinang bulong nito.

Sabay sabay namang nagtinginan ang lahat saamin ni kevin at lumapit rin kaagad ang mama kong naiiyak na sa pag aalala.

" Saan ka ba galing na bata ka,pinag alala mo kami ng ilang araw," sambit ni mama.

" Ahhh tita umuwi po siya sa kanila,namatay ang kapatid niya,sorry kung hindi ko na nasabi sa inyo na pinuntahan ko siya,but tita xyreal need rest,Magpahinga kana hah,babalikan kita rito bukas," sambit ni kevin at hinatid lang din  niya ako sa kwarto ko bago siya umalis.

"Xyreal anak,nagtatampo ka parin ba saamin? Alam mo naiintindihan ka namin,wag mo sanang isipin na pinagtatakpan namin ang kapatid mo,Ikaw ang lubos na nakakaunawa sa kanya kaya kung pwede ay hayaan mo nalang ang kagustuhan ng kapatid mo," mahinahon na sabi nito.

" Hinahayaan ko na nga po sila,wala na nga po akong pakialam sa kanila eh,Tanggap ko na pong pinagkaisahan niyo ako,tanggap ko na po," seryoso ko lang din na sagot at hindi na ako umimik pa,hindi ko na rin napansin pa si mama na lumabas sa silid ko.

𝐊𝐄𝐕𝐈𝐍'𝐒 𝐏𝐎𝐕...

Kapapasok ko palang sa bahay at agad na suntok ang sumalubong sa saakin.
galit na galit si dad na sinuntok ako.

" Hon Stop it..please wag mo ng saktan ang anak mo," pakiusap ni mommy,at agad humarang sa harap ko upang hindi na ako masaktan ni dad.

" So your child is like that because you tolerate him, tignan mo saka lang siya uuwi when he wants why do you have to chase that xyreal in their place? kevin you are educated, you shouldn't be chasing after a girl who doesn't like you, and another thing is that you are not suitable for each other.galit na ani nito.

" Shut up dad,If you don't have anything good to say about xyreal, it's better not to mention her,"sagot ko naman at mas lalo pa nga itong nagalit dahil sa pagsagot sagot ko sa kanya.

" Tignan mo na,Natututo na siyang sumagot-----Kevin stop,please just stop,go to your room,ako na ang kakausap sa daddy mo,singit naman ni mama,mabilis naman akong nagtungo sa room ko at galit na galit akong pinag babato ang mga gamit sa kwarto ko.

"Bakit mo naman sinaktan si kevin ng ganun? mom asked.

" Tumigil ka,hindi sila bagay ng xyreal na iyon,masyado na niyang ina under ang anak mo,akalain mo pinuntahan pa siya ng anak natin sa probinsiya,Kevin deserve kyla,at sila dapat ang nababagay para isa't-isa.?

" Carlos hindi mo pwedeng gawin iyan sa anak natin,Bakit mo siya ipagpipilitan sa ayaw niya?

" Shut up...Mag mula ngayon hindi na makakalabas ang batang yan dito sa bahay."

" No...Hindi mo pwedeng gawin ang gusto mo sa anak ko,Mag mula noong nasa US tayo lahat ng kagustuhan mo sinusunod ko,pero ang idamay mo si kevin hindi na ako papayag pa," sagot ng ina nito sasampalin sana siya ng daddy niya ng sumigaw si kevin at agad nilapitan ang mommy nito.

" Are you going to hurt mom too dad? nanlilisik ang mga mata ko sa kanya.

" Kevin hindi ba sinabi ko ng doon ka nalang muna sa kwarto mo?--- No mom,bakit ba lagi mo nalang hinahayaan si dad na saktan ka niya?

We were immediately stopped when Kyla and her parents entered.

" Carlos?Is everything alright? ani ng mama ni kyla.

" Umayos ka at kausapin mo ang mamanugangin ko,"bulong ni dad at agad naman niyang sinalubong ang mga ito.

Tahimik lang din si mama na naupo sa sala na parang walang away na nangyari sa kanina ni dad.

" Kevin,how are you? you know what I miss you,sambit ni kyla na agad akong niyakap at hinalikan sa pisngi.

" H-Hello,kailan pa kayo umuwi dito? wrong timing,* ani ko at agad naman nanlaki ang mga mata nito*  " I mean hindi na ba kayo babalik sa US? pag iiba ko ng usapan.

" Hindi ko pa alam eh,Pero ang sabi ni dad mo, After our wedding, we will return to the US and I will be with you, nakangiting ani nito,I was surprised when she said we were going to get married, dad didn't mention anything to me about that marriage.


" What? kasal? oh c'mon kyla,wala ata tayong napag-usapan na ganyan,"nagtataka kong sabi.

" Huh! pero sinabi iyon ni tito kaya nga kami nandito upang mapag usapan na nila ang about sa kasal natin."

Nanlilisik nga ang mga mata kong tumingin sa dad ko na abala sa pakikipag kwentuhan sa mga magulang ni kyla.Kyla is my friend in the US and her parents are business shares with dad in his business, Kyla and calix also know each other and we have been friends since calix lived in our house in the US when we were still studying.

At ngayon ay wala akong kaalam alam na nakipag arrange na pala ng kasal si dad sa kanila hindi ko alam kung paano ko aayusin ngayon tong gulo ko,alam kong masasaktan ko si xyreal dito at ayokong mangyari iyon,ayokong isipin niyang katulad ko rin si calix na niloko siya.

TAKSIL NA PUSO( 𝒄𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅)Where stories live. Discover now