CHAPTER 8

189 8 4
                                    

LEE's POV

Lumipas pa nga ang ilang buwan and our living set up remained the same. Taga-luto pa din ako sa bahay ni Kuya Aaron and I am delighted na kahit papaano ay may silbi ako sa buhay niya. Sa dami ba naman ng naitulong sa akin, kung meron pa akong iba na pwedeng i-offer gagawin ko eh.

6 months na ang tiyan ko pero hindi pa halata, kaya pa itago ng damit na maluwag na damit sabay partneran ng binder, lakas maka-shibolibapbap ang atake. Siguro totoo din talaga yung sinasabi ng mga matatanda na pag itinatago daw talaga ang pagbubuntis eh hindi masyado lumalaki ang tiyan, wala namang scientific explanation pero sakin parang totoo.

I go to my classes like I usually do pero hindi muna ako kumuha ng PE, for obvious reasons. Kakasimula lang ng second semester, sabi ko kay kuya titigil muna na ako hanggang sa makapanganak ako pero ayaw, sayang daw ang panahon.

I know that one of these days baka mapansin na rin ng mga tao sa university ang paglaki ng tiyan ko, that is highly probable pero sabi nga ni kuya sa akin, ano ba daw kinakatakot ko, wala naman daw akong magulang na magagalit sa akin and yung ibang student naman has no significant contribution sa buhay ko, bakit ko nga naman iintindihin lahat ng mga sinasabi nila.  

So ngayong mga panahon na ito, ang drama ng lola niyo is, bahala kayo sa buhay niyo, may negative comments kayo about me? so what, hindi kayo ang nagpapakain at nagpapaaral sa akin, your words are futile.

As for the possible father of this child, sila na ang magpa- DNA test kung gusto nila ipaglaban ang karapatan nila, kung ayaw naman nila okay na lang din, I will raise this child by myself. Lahat ng lakas ko nanggaling kay kuya Aaron na pinangakuan ako na susuportahan kami ni baby. I know promises can be broken and I might get disappointed in the end, pero pag galing kay kuya Aaron parang matutupad. He just has this reliable air in him.

Siguro nga baka napapansin na din ng lahat ang tiyan ko, pero dahil lalaki pa din ang lola niyo, walang nag-isip na bata ang laman, baka akala nila extra rice lang.

Tahimik akong nagbabasa sa org room ng biglang may pumasok ng sabay-sabay which interrupted ang quiet time ko. When I looked at the door sila pala, ang pitong posibleng tatay nitong anak ko.

Ano kayang gagawin ng mga ito rito? kala ko ba hindi na sila makakapunta rito lagi kasi malapit na mag-graduate. Isang malaking tsismis ang info na yun dahil parang at least once a week may isa sa kanila na makakasalubong ko rito.

Nevertheless, this is actually the first time na nakita ko ulit sila na magkakasama. Wala na din akong kahit anong reaction when I see them, parang ipinaubaya ko na lang sa karma, wala naman na din kasi ako magagawa, tapos na eh.

"Wow, look who is here" ang makulit na si Akihiro ay biglang umakbay na lang sa akin "Hi Lee" bati niya habang pinisil-pisil pa ang pisngi ko.

"Baby parang tumataba ka ata?" wow, maka-comment ka kuya Aiden ha.

"Excuse me!" I rolled my eyes at him and he just chuckled

"Pero mas sumexy ka, nagka korte balakang mo" punyetang ito manyakis talaga

"That made you sound like a pervert" sabay irap ulit sa kanya.

"Baka buntis kaya lumolobo" sabay tawa ni Lloyd at ako naman ay napakapit sa aking pantalon. Parang bigla akong pinagpawisan ng malagkit. Please lang huwag ka na madaldal.

"Lalaki yan told gago!" singit naman ni Kent

The bickering inside the room continued at talagang hindi papatalo ang mga buset lalo na si kuya Aiden, Kent at Akihiro, napakadadaldal ayaw paawat.

I noticed Kuya Caleb in the corner, patingin-tingin lang tapos parang nag-iisip. I found the gesture a bit weird pero deadma na lang, baka may iniisip lang talaga.

✔️Who is the Daddy?(MPREG)(Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon