"Okay, Class" Rinig kong sabi ng aking guro na si Binibining Rev.
"Sa ating huling proyekto, gusto ko kayo gumawa ng isang report ukol sa isang paksa na iyong na obserbahan sa araw araw. Maaari ito maging isyu na matagal niyo na gustong alamin o kaya solusyonan." Nagkatingan naman ang aking mga kamag aral sa isat-isa at unti unting lumakas ang kanilang mga boses sa pag uusap.
"Ayun lang naman ang kailangan niyo. Tapos na ang klase, paalam sa inyo" Huling hudyat ng aking guro at dali dali narin ang aking mga kaklase na linisin ang kanilang lamesa para makauwi na.
Sa paglabas ko ng aking silid-aralan ay bigla ako napaisip sa proyektong binigay sa amin ng aking guro.
Ano kaya ang maaari kong gamitin na paksa para sa aking proyekto?
Pag-ibig? Masyado naman ata itong gamit na.
Politika? Parang ako pa ata malalagot kung mag mukhang biased ang aking nagawa.
Ano kaya ang gagawin ko?
"Ernesto!" napalingon ako sa aking likuran ng marinig ang aking pangalan.
Kitang kita ko sa aking kinatatayuan ang aking kaibigan na si Amanda o sa aking pag tawag sa kanya "Maddie". Siya ay tumatakbo papalapit saakin pansin ang kanyang malaking ngiti at kaway.
Pag dating sa akin ay hingal niyang hinawakan ang aking braso at pinakita ang kanyang hintuturo na para bang sinasabi nito ay teka lang at hihinga muna siya.
"Bakit ka ba kasi tumakbo? Parang iiwan ka" Sabi ko habang hinahayaan lang siyang habulin ang kanyang hininga.
Pagkatapos ay bumitaw siya sa paghawak sa aking braso at inayos naman ang kanyang damit. Ang kanyang ngiti ay nakapaskil parin sa kanyang mga labi.
Mukhang may sasabihin 'to sakin.
"Narinig mo na ba ang proyekto na gagawin ninyo?" Hindi makapigil ngiti niyang sabi.
Magkaiba man ang aming section dahil sa pag reshuffle samin noong enrollment ay pare-pareho naman ang mga gawain na binibigay samin ng aming mga guro. Base sa tono at tanong ni Maddie, nasabi na rin sa kanila ang huling proyekto.
"Ah, yung sa report ba?" Pagtatanong ko kahit na alam ko naman na ang report na proyekto ang tinutukoy niya.
Tumango naman siya at sinabayan ako sa pag lakad palabas ng aming gusali.
"Oo, ngayon lang nasabi saamin bago niya kami payagan lumabas ng klase" Sagot ko.
"May naisip ka na ba na paksa para doon? Sa sobrang saya ko na ukol ito sa mga naoobserbahan natin ay meron na akong paksa na gustong alamin" ani ni Maddie.
"Ano ba ang napili mo? Saakin? Wala pa. Hindi ko rin alam ano ba ang dapat kong gawin na report. Madami rin kasi na pwedeng magamit pero ang hirap naman umpisahan" Sambit ko.
Totoo na wala talaga akong maisip na maayos na paksa. Marami man akong napapansin sa mga naoobserbahan ko sa aking paligid sa araw-araw ngunit mahirap ito gawan ng report. Mahirap na basta basta lang ako gagawa.
"Saakin? Syempre alam mo naman kung saan ako mahilig. Politika ang napili ko maging paksa ng aking report." Hindi ba mas lalong mahirap gawan ito ng report? Base ba ito sa napansin o isasama rin ang pansariling wari?
"Sa paanong paraan mo ito gagawan ng report? Hindi ba iiral diyan ang iyong sariling opinyon?" Nag-aalala kong tanong kay Maddie.
Paglabas namin ng eskwelahan ay nagtungo kami ni Maddie sa sakayan ng Jeep. Hindi kasi gaano kalapit ang paaralan ko sa bahay namin kaya kinakailangan na ako ay bumiyahe. Isang jeep lang naman ang aking sasakyan pero si Maddie, jeep at tricycle papasok ng kanilang subdivision ang kanyang sinasakyan.
Pagkasakay namin ng jeep ni Maddie ay tinuloy namin ang aming kwentuhan tungkol sa huling proyekto.
"Bayad po."
"Ay nako naisip ko narin yan ano kaba" Sabi ni Maddie habang inabot ko ang bayad naming dalawa sa drayber.
"Hindi lang naman nakatuon ang politika sa gobyerno. Ang gusto kong alamin ay yung sa pag boto. Ang proseso ng mga pilipino sa pag boto. Paano ba sila bumoboto? Kumbaga ano ang standard nila sa pagpili ng kandidato? Pag sikat ba? Aritista? May nagawa na? Diba? Nakakapagtaka paano sila pumipili ng kandidato nila. At ayon ang gusto kong malaman." Dagdag niya na may pananalig.
"Sabagay, tama nga ang sinabi mo" Pagsang-ayon ko sa kanya.
"Ikaw ba? Kahit pamimilian?" Tanong niya.
Napatingin ako sa paligid ko at tinignan ang mga kasabay kong bumabyahe sa jeep na aking sinasakyan. Mga empleyado na tumba-tumba na dahil sa antok, mga construction worker na nakasabit na lang sa jeep, magtataho sa likod ng drayber na nagbigay ng taho sa drayber bilang bayad niya at syempre mga kapwa ko estudyante.
"Kita" Maikling sagot ko.
"Huh? Anong kita?" Naguguluhan tanong ni Maddie.
"Kita, as in profit o kaya revenue"
"Ahhh. Eh ano naman doon?" Muling pagtatanong ni Maddie. Bakas sa mukha ang pag tataka sa paksa na aking nasabi.
"Gusto kong malaman paano ba kumita ang isang tao para sa kanyang pang araw-araw na gastusin"
"Edi nagtatrabaho sila. Ang basic naman ng paksa mo, may sagot na agad"
"Baliw, ang ibig ko ba sabihin ay sa panahon ngayon na mataas ang mga bilihin, at mahirap makahanap ng trabaho. Paano kaya kumikita ng pera ang ibang mga tao? Paano sila nakakapag handa ng makakain nila sa kanilang mga lamesa?"
Tinignan ko si Maddie habang ipapaliwanag sa kanya ang aking ideya para sa proyekto. Nanahimik ito saglit, unti-unting pinoproseso sa kanyang utak ang aking mga sinabi.
"Ah! Oo nga 'no? Nakikita ko na ang pinupunto mo. Magandang ideya yan." Sabi niya at natawa sa sarili.
"Parang mahirap rin yan, paano mo malalaman ang gusto mong alamin?"
"Para sakin, mas maganda na sila ang tatanungin ko ukol dito. Maganda rin na malaman ko mismo sa kanilang mga naghahanap buhay pero kung hindi kaya ay pwede naman na base nalang rin sa naobserbahan ko." Sagot ko.
"Tama ka. Ay! Andito na pala ako sa bababaan ko. Manong Para! Bye Ernesto!" Nagmamadaling sabi ni Maddie nang ito ay bumaba na sa jeep.
Pagka andar muli ng jeep ay sinaksak at sinuot ko ang earphones ko at nag type sa aking cellphone tungkol sa aking gagawin sa huling proyekto.
BINABASA MO ANG
PAANO KA KUMIKITA?
Short Story"Pansin ko na mahirap pala kumita ng pera. Mahirap na wala kang pagkukunan nito. Paano mo mababayaran ang mga bayarin? Paano ka makakabili ng iyong pagkain? Paano pag ikaw ay nagkasakit? o Kaya pampaaral? Diba ang hirap pag walang kinikitang pera. M...