Game 27: Confession

45 4 0
                                    

FUMIKO'S POV:

Ilang minuto pa akong nakatunganga doon hanggang sa napagtanto kong may kasama pala ako at hindi pa siya lumalabas mula sa pinto na nasa loob ng kwarto kaya naman sinundan ko siya pero isang madilim na kwarto ang bumungad sa akin.

"T-Thud? Nandyan ka ba?" Tumunog ang pinto dahilan para kilabutan ako pero naglakas loob akong pasukin ang silid na 'yon para hanapin si Thud.

Naramdaman ko ang presensya niya pero hindi ko siya makita kung na saan.

"Thud na saan ka?"

Halos mapatili ako nang may yumakap sa bewang ko at hinila ako palabas ng silid na yun at basta na lang ibinato sa kama at kinubabawan ng lalaking kasama ko kanina.

Marahas ang kanyang paghinga na tila tumakbo ng ilang kilometro at halos manigas ang buong katawan ko nang lumapat ang labi niya sa balikat ko dahilan para maramdaman ko ang maiinit nitong hininga.

"A-Ayos ka lang ba?" Tulalang sambit ko. Kahit natatakot ako sa inaasta ni Thud, ayoko siyang iwanan.

"Sorry kung natakot kita dahil sa ginawa ko sa lalaking 'yon kanina. Hindi ko nagustuhan ang lumalabas sa bibig niya kaya pinatulog ko na lang." Mahinahong sambit ni Thud pero ang katawan niya nanatili sa ibabaw ko.

Hanggang sa hindi ko namalayang hinila ko ang katawan niya sa akin at niyakap siya ng mahigpit kaya naman ramdam ko ang init niya.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'yon. Paano kung may mangyaring masama do'n sa lalaking 'yon edi naging kargo pa natin? Wala naman akong pakialam sa sasabihin nilang lahat dahil in the first place kaibigan ko sina Griffin at walang katotohanan ang sinasabi 'nong lalaking umaway kay Asher."

"Hindi kami minulat para mambastos lang ng babae. I know I am a jerk sometimes and I played with other woman but that was long time ago when I got my first heart break. And when I meet you, I told myself I should take care of you." Umangat ang mukha ni Thud at tumingin ito sa akin.

Nakikita ko ang halo-halong emosyon na naglalaro sa kanyang mga mata sa hindi ko malamang dahilan.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Naalala mo ba 'yong tanong ko dati na kung ano ang gagawin mo kung sakaling may umamin sayo ng nararamdaman niya?"

Tumango ako.

"I like you, Fumiko,"

Nanigas ang katawan ko nang marinig ko ang mga katagang 'yon hanggang sa hindi ko namalayang umalis si Thud mula sa pagkakayakap sa akin at umupo siya sa tabi ko. Hindi maiproseso ng utak ko ang sinabi niya sa akin at pumasok sa utak ko kung paanong umamin sa akin si Damon.

"T-Thud.."

Ngumiti ang lalaki sa akin at saka ito humiga sa tabi ko at iniyakap ang kanyang braso sa ibabaw ng tyan ko.

"Hindi mo kailangang panindigan ang nararamdaman ko sa'yo Fumiko. Nang unang makita kita sa huling enrollment ng University, nabihag mo na ang puso ko kaya naglakas loob akong kausapin ka. Alam ko naman na hindi mo pa ako gaanong kilala but my heart won't stop beating for you. Minsan na akong nasaktan at sinabi ko noon na hindi na ako susugal ulit.

"Pero nang makita kita, handa akong sumugal ulit basta ikaw ang makakasama ko habang buhay."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Thud. It was unexpected confession because of what happened earlier. At ang pinaka hindi ko inaasahan ay ang tuwa na lumulukob sa puso ko.

Paano ko sasabihin kay Thud na meron pa akong dapat ayusin kay Damon bago ako pumasok ulit sa isang relasyon?

"Hindi mo naman ako kailangang panindigan dahil kusa ko 'yong naramdaman and I don't want you to feel pressure because of what I said." Aniya at saka ako muling binitawan at umupo sa gilid ng kama.

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon