KABANATA ANIM

199 14 5
                                    


MOLIDE POV.

MABILIS na tumakbo si Riana papunta sa amin at hinablot si Jasmine kasabay ng putok ng baril na saktong tumama sa upuan at sabay rin ng tili nila Diana, biglang itinutok niya ang baril sa isang puno at mabilis na kinasa ito kasabay ng pagpakawala ng dalawang magkasabay na tunog mula sa baril ni Riana habang nakatalikod, rinig ko ang pag-aray nito at nakita kong nahulog siya sa punong tinataguan niya...

"No one can scape on me" nakangising wika nito na nagbigay kilabot sa akin at alam kong ganon din sa mga kasama ko, papalapit ito sa taong namimilipit sa sakit, naramdaman ko ang biglang pagpitlag nila ng iputok ulit nito ang baril ng abutin ng lalaki ang baril niya...

"Sayang hindi ka napuruhan" halata sa boses ni Riana ang pang-iinis dahil sa binti at balikat lang ang tama ng lalaki...

"Sino ang nag-utos sayo?" rinig naming tanong nito...

"Walang na--AHHH" napalitan ng sigaw ang sasabihin nito ng barilin niya ang kamay ng lalaki, napatakip naman ng bibig si Jullia dahil sa pagkabigla, napayakap pa si Yonice kay Yohan at napapikit ang ilan ngunit parang wala lang sa iba ang nakita...

"Wrong" malamig niyang ani na nagpatayo ng balahibo ko, sinabunutan niya ito kaya napaaray na naman siya at itinutok sa kanyang panga ang baril ni Riana...

"Isang maling sagot pa, sisiguraduhin kong tatagos sa utak mo ang bala ko" pagbabanta wika niya, napaatras naman sila Tiren at Jasmine habang nanginginig naman ang ilan...

"Ako ang sadya niyo diba?" tanong nito dito, mabilis pa sa alas kwarto itong tumango ng paulit-ulit, hindi ko alam kung paano nito nalamang siya ang sinusundan ngunit matalino si Riya kaya alam kong madali lang sa kanyang malaman ito...

"Sino ang nag-utos sayo?" sa bawat salitang binibitawan nito ay ramdam ang panggigigil at galit sa boses niya...

"Hi-hindi ko pwe-de-deng sabihin,pa- patayin mo nalang a-ako" nahihirapan man ngunit nakaya pa nitong magsalita, binitawan ni Riya ng pabalang ang buhok nito at tumawa ng malakas, ang tawang matatakot, ang tawa na parang demonyo, hindi na ako masyadong natatakot dahil nakita at narinig ko na ito noon pa man ngunit napapataas pa rin nito ang aking balahibo, huminto ito sa pagtawa, akala ko tapos na ngunit ginamit niya ang baril niya bilang panuntok kaya dumugo ang ilong nito, hindi pa siya nakuntento dahil tinadhakan pa niya ito ng tatlong beses sa kanyang mukha...

"AHHHH" malakas na sigaw nito na puno ng sakit, hindi kami makagalaw dahil sa ginawa niya, hinawakan ni Riya ang sugat ng lalaki sa balikat at idiniin ang bala, hindi namin makita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa amin ngunit putlang-putla na ang lalaking patuloy pa ring sumisigaw...

"Riana" naisatinig ni Yonice dahil sa takot, napatingin ang pulang mata nito sa amin ngunit nanatili lang akong nakatingin sa kanya ng walang bahid na takot, ramdam ko ang pagtigil ng paghinga ng ilan nang unti-unting kumurba ang ngisi sa labi ni Riya na hindi pa rin binibitawan ang sugat ng lalaki...

"Ang ayaw ko sa lahat ay ang idadamay ang mga enosenteng tao na wala namang kinalaman sa kasalanang ginawa ko sa boss mo, naririnig mo ba ako Cedric" nabigla ako sa sinabi ni Riya, Cedric? Familiar ang pangalan nito, hindi ko mawari kung ang lalaki ba ang tinawag nito o meron pang iba bukod sa kanya, may kinuha si Riya sa tenga ng lalaki at inilapit niya ito sa bibig niya...

"Fuck you!!" malamig at nakakapangilabot na sambit niya at tumayo na, humarap ito sa amin at nagsimulang maglakad, napapitlag sila maging ako ng sunod-sunod nitong ipaputok ang baril sa lalaki na para bang buhay na buhay pa ito, napalaki ang mata ko dahil sa ngising nakadikit sa kanyang labi...

"Yan ang gagawin ko sayo pagnakita kita, sisiguraduhin kong magmamakaawa kang patayin nalang kita kaysa ang pahirapan pa Cedric Quine Xerñiomas" binagsak nito sa lupa ang earpiece at inapakan ito, Cedric Quine Xerñiomas? Oh i know, siya yung lalaking muntikan nang pumatay sa kaibigan namin at ang palaging nagtatangakang pumatay kay Riya...

KNOWING WHO I AM: I'M THE MISSING PIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon