KABANATA WALO

139 9 2
                                    


RIANA POV.

"WAG tayo diyan, dito tayo" hinablot ni Wendy ang braso ko kaya nadala ako nito, nandito kami ngayon sa paaralan nila naglilibot-libot, nakakailang nga ang mga matang nakasunod sa amin, ikaw ba namang mga prinsesa't prinsipe ang kasama ko no, di ko inaasahan na nag-aaral pa sila, ang sabi kasi nila hangga't hindi sila iniluklok sa trono ay hindi pa sila titigil sa pag-aaral, 23 years old pa sila makakapagtapos, i don't know kung bakit 23 ang legal na age para sa kanila, well malapit na rin naman yun, i think next year, mas matanda pa pala ako sa kanilang lahat pero sabi ni Molide sakin na ako daw ang pinakabata, if i'm 26 in my World then I'm 18 or 19 her in their World, mas mature raw kasi kami sa mundo ko kaysa dito, it means kung 2 years old palang ako ay para sa mundo ko ay 4 or 5 years old na ako, yun ay dahil mas madaling matututo ang mga taga rito kaysa sa mundo ko, ang lito no...

"Here" napatingin ako sa taong nag-abot ng tubig sa akin, napapikit muna ako bago muling imulat ang mata dahil sa liwanag, nakaupo na ako ngayon sa ilalim ng puno pagkatapos naming maglibot-libot, may klase na kasi sila eh, gusto pa nilang ipasok ako kaso tumanggi ako, gusto kasing magpahangin...

"Anong gagawin ko diyan?" taas kilay kong tanong, di ko alam kung bakit parang ang gaan ng loob ko sa lalaking ito...

"Try mong kainin" sinamaan ko agad ito ng tingin, kaya ayaw ko minsan kausap to dahil sa pagiging pilosopo, idalawang buwan na kasi ako dito at medyo nagkaka-adjust naman ako, siya kasi minsan ang nakausap ko, di ko alam kung nagkataon nga lang ba o ewan...

"May inumin ako, iyo na yan" mataray kong sabi, walang pasabi naman itong umupo sa tabi ko...

"At sinong may sabing umupo ka diyan?" tanong ko dito, ewan ko pero parang pamilyar sa akin ang senaryong ito, para bang nangyari na to noon, di ko alam kung kailan o saan but never mind...

"Ako, bakit bawal ba?" tanong rin nito pabalik...

"Sinabi ko ba?" irita kong ani at umirap...

"Ang init-init ng dugo mo sakin, parang nong una eh hindi ka naman ganyan kasuplada" hindi ko narinig ang ibang sinabi niya kaya napatingin ako ng nakakunot ang noo...

"May ibinubulong ka ba ha?" taray kong tanong...

"May narinig ka ba?" tinaasan niya ako ng kilay, kung hindi lang ito pinagkakaguluhan ng mga kababaihan, iisipin kong bakla to, taray makataas ng kilay eh...

"Tsk" tanging nasambit ko...

"Ba't ba ang sungit mo sakin Riana? May buwanang-dalaw ka ba araw-araw?" bigla nitong tanong, matuloy lang nakapikit ang mata ko habang nakasandal sa puno...

"Nakakabad trip kasi yang mukha mo" anas ko pero kabaliktaran talaga yun, ang gwapo-gwapo kaya nito, mas gwapo kay Ace pero wala akong pakialam, si Ace pa rin ang mahal ko, ang taong palagi akong inililigtas...

"Sa gwapo kong to, nakakabad trip? Wow naman Riana, baka nagwagwapuhan kalang kako" sinamaan ko ito ng tingin...

"Tumahimik ka nga Talim (Blade) kapag tayo liparin ng ipo-ipo dahil sa kahanginan mo, sasakalin talaga kita" umirap ako at muling ipinikit ang mata...

"At patulugin mo ako pwede, lumayas ka kung ayaw mong magpatulog" dugtong ko pa...

****

BLADE POV.

Napakaganda niya, walang salita kung paano ilarawan ang kanyang kagandahan, gaano man siya kagalit, nagpa-pout, natutulog o walang emosyon ay maganda pa rin siya, how I wish her to be mine...

"Bakit mo ako nakalimutan huh?" Alam kong hindi niya ako sasagutin but still I want to ask, how did it possible?

"God's know how much I miss you when you're not around, I've been crazy for so many months just becuase I'm thinking if where you've been, you didn't even told me that if you finish your mission aalis ka na, nakakabaliw pero kung sasabihin mo sa akin, sa tingin ko, ako rin ang hinding-hindi hahayaang magtagumpay ka sa misyon mo kung iyon lang ang paraan para manatili ka sa tabi ko" Nakangiti ako habang sinasabi ang mga katangahang salita iyon...

"Alam mo kung bakit lagi kitang ginugulo? Gusto kong inisin ka? Gusto ko lang kasi na makilala mo ako, gusto ko ang atensyon mo, parang bata pero anong magagawa ko kung lagi mo akong ginagawang baliw, nahuhulog na talaga ako sayo, can you so catch me? I'm crazy fall in love with you, I'll do anything to make you mine, mine alone my lady" nilagay ko sa likod ng tenga niya ang buhok niya at hinalikan siya sa noo, sana naman tandaan mo ako agad...

****

THIRD PERSON POV.

NAPAKUYOM ng kamao ang ilang lalaking nakatanaw mula sa hindi kalayuan sa dalawang taong nasa ilalim ng puno, kitang-kita nila kung paano halikan sa noo ni Blade ang babaeng kanilang iniibig...

'How dare you to kiss my property'

'She's mine, mine alone'

'Back of you jerk! She belong to me'

Ilan lang yan sa sinasabi nila sa kanilang isipan, hindi man sila magkakatabi ay iisa lang ang kanilang hangarin, yun ay ang mapasakanila ang babaeng bumihag sa kanilang puso, inaangkin nila ang taong walang sino man ang nagmamay-ari kundi ang kanyang sarili, mahimbingan ang tulog nito ngunit hindi pa rin mapagkakaila ang kagandahan nito, simula ng siya'y makapasok sa paaralang iyon ay paghanga sa kanilang mga mukha ang tanging makikita, ang akala niyang mapanghusga nilang pag-iisip ay siyang kanyang pagkakamali dahil ni isa man sa kanila'y pagpuri sa kanyang kagandahan ang kanilang sinasambit sa kanilang isipan...

Labis naman ang inis na nararamdaman ng mga prinsesa hindi dahil naiinggit sila kundi dahil sa nararamdaman nilang pagnanais na itago ang babae na kung pwede lang nilang tabunan ng mukha ng babaeng nais nilang itago ay gagawin nila para lang sila lang ang makakita nito, labis namang galit ang nararamdaman ng mga prinsipe, masamang tingin ang ipinupukol nila sa mga estudyante, babae man ito lalo na ang lalaking labis ang paghanga sa babaeng kanilang pinapahalagahan ngunit para kay Riana ay parang wala lang ito sa kanya na nakuha pang maglakad ng walang pakialam sa paligid at iniikot-ikot pa ang paningin sa paligid at hindi binibigyang pansin ang tingin ng mga taong nasa paligid nito...

Sa kabilang banda nama'y may nakamasid lang sa babaeng mahimbing na natutulog habang may galit at poot sa kanyang mga mata...

"Nalaman niyo na ba kung sino siya?" malamig nitong tanong na nakatingin parin sa babae, nakamaskara ito at walang makikita ni kahit kanyang daliri dahil sa suot nitong gwantes at nakahood rin ito ngunit base sa kanyanh tikas at anyong katawan ay masasabing lalaki ito...

"Siya po si Riana Riya Capli, ang babaeng bigla nalang nagpakita, walang nakakaalam kung saan nila ito nakita basta't ipinakilala lang itong malapit sa mga prinsesa't prinsipe, sabi-sabi rin na siya ang babaeng sumanib sa katauhan ng prinsesa Yorhe na nakapagpabago sa mga royalties ngunit sabi-sabi rin ng iba na isa lang siyang ordinaryong tao na nakita ng mga royalties sa kagubatan, halatang mahina at walang maibubuga, ang katauhan niya'y isang misteryo na walang nakakaalam kundi ang mga royalties lamang at---" hindi natuloy ang sasabihin ng tauhan ng tutukan nalang ito bigla ng espada kaya't labis ang pamumutla nito...

"Wala kang kwenta" malamig nitong wika at mabilis na pinugutan ito ng ulo...

"Kailangan mong mamaalam ng maaga Riana, sagabal ka sa aking plano" mapanganib na ani nito habang nakatayo lang at pinupunasan ang kanyang ispada gamit ang panyo nito at itinapon pagkatapos

"Brey" tawag nito, may lumapit namang isang taong nakatalukbong ang mukha at yumuko kahit hindi naman nakatingin sa kanya ang lalaki...

"Yes master?" may pangamba man sa boses ngunit naisatinig parin nito ang sasabihin lalo na't nakita niya ang isang taong wala ng ulo...

"Be ready, gagawin natin ang unang plano ng mas maaga" Nakita niyang tumayo ang babaeng kanyang sinusubaybayan, umalis na ang prinsipe habang nakatayo parin ang babae kaya dahan-dahan niyang inilabas ang kanyang punyal at mabilis na pinalipad sa babaeng nakatalikod...

Umilag ito at sinalo ang punyal gamit ang kanyang dalawang daliri, nagpalinga-linga naman ito matapos masalo ang punyal, nabigla man ang lalaki ngunit kalauna'y mapangisi rin, mabilis na umalis ang lalaki ng may ngisi sa kanyang labi na kahit hindi naman nakikita ng iba...

'Interesting, see you again Riana, wait for me and be ready'

KNOWING WHO I AM: I'M THE MISSING PIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon