KABANATA SIYAM

141 8 1
                                    


RIANA POV.

"HEY are you okay?" napabalik ako sa wisyo ng magsalita si Molide, nandito kami sa dorm nila habang kumakain...

"I'm fine" tanging nawika ko....

Who is he or she? Did someone want to kill me too here in this World? As far what i know, wala pa akong nakakaaway o nakakabangga so it is just an accident or it's really for me?

"Your spacing again Rina" bored na ani ni Blaze ngumiti lang ako dito at tinapos ang pagkain ko...

"Una na ako sa kwarto guys, i think i need to rest medyo sumasakit kasi ang ulo ko" pagdadahilan ko, nakatingin lang sila sa akin kaya't naglakad na ako papuntang hagdan...

"Is she really okay?" tanong ni Yonice...

"I think she just need to rest" rinig ko pang ani ni Daniel bago ako makaakyat pataas...

"Sino ka ba?" napasandal ako sa pinto ng makapasok ako sa loob ng kwarto ko, inilabas ko mula sa aking bursa ang punyal na nasalo ko kanina, pinakititigil ko ito habang naglalakad papunta sa kama at doon huminga...

"How weird, hindi ko man lang naramdaman kung saan ka banda, who ever you are, you're interesting, I will find you" nakangisi kong wika at itinago ito sa ilalim ng kama...

"D" nasambit ko sa katagang nakaukit sa punyal hanggang sa tuluyan na akong dinalaw ng antok...

****

"RIANA" tawag sa akin mula sa labas ng aking pinto kaya napamulat ako ng mata...

"Sandali lang" kinapa-kapa ko ang aking mukha at humikab muna bago lumapit sa pinto at binuksan ito...

"Bakit?" antok kong tanong, narito kasi sila Diana, Yonice, sa tingin ko lahat ng babae ay nandito kasama na si Molide, may dala pa silang comforter, pillow and banket na ikinataka ko...

"Eh hehehe" nagpuppy eyes pa si Wenny habang nakatingin sakin na para bang nagpapaawa...

"You sure?" taka kong tanong, tumango naman sila ng ilang beses, napailing nalang akong ngumiti ng gagawin na naman namin ang ginawa namin noon...


*** 1 Month And 2 Weeks Ago ***

"LET'S go" aya ni Yamyam (William) yun kasi yung gusto niyang itawag ko sa kanya, palagay ko ako lang ang tumatawag sa kanya ng ganyan kasi Will ang tawag nila sa kaniya maliban sa prinsipe William habang Rere naman ang tawag nito sa akin, di ko alam kung bakit parang sanay na akong tawagin siyang Yamyam nong una palang...

"Okay" masaya kong sabi at humawak sa kamay niyang nakalahad, siya rin ang bumuhat sa kumot at unan, sabay kaming bumaba, ang maingay kanina ay nauwi sa katahimikan ng dumating kami habang nakatingin sa kamay namin, ang sama kung makatingin ng ibang lalaki maliban kay Tiren na gulat ang mukha, Daniel na nakangisi at si Richard na para bang ewan, muli kong binaling ang tingin sa katabi ko na malaki ang ngiti, hindi man lang natinag sa masamang tingin ng mga lalaki...

Ngumiti naman sila ng bumaling ang tingin nila sa akin maliban kay Blade, Blake at James na nakatingin lang sa akin ng 'as usal look' nila kaya napakunot ang noo ko, samantalang ang mga babae maliban kay Yonice na nakataas ang kilay at kay Molide na pinanliliitan ng mata ay kinikilig kaya napangiwi ako, mabilis na lumapit sa akin si Yogie at Yohan na hinablot ang dala ni Yamyam, tinulak pa ni Yogie si Yamyam at pinunasan ng panyo ang kamay ko pagkatapos ay siya ang humawak sa kamay ko kaya nanlaki ang mata ko, binalingan ko pa ng tingin si Yamyam na nakangiwi habang nakahawak sa balakang na tumama sa mesa, tumawa naman ng malakas nina Tiren at Daniel ganon din ang ilang mga babae...

KNOWING WHO I AM: I'M THE MISSING PIECETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon