RIANA POV."SAAN ka nagpunta Riana? Kanina pa kami hanap ng hanap sayo" yan agad ang bungad sa akin ng makapasok ako sa dorm, nakaupo ako sa single sofa habang kaharap ko naman sila, hindi ko kasama si Blaze dahil baka maghinala sila kaya ayon, nandon siya sa rooftop, ewan ko ba kung bakit don niya naisipang pumunta...
"Ah eh naglibot-libot lang ako, ang boring kasi eh" pagdadahilan ko at ngumiti sa kanila...
"Alam mo bang nag-alala kami sayo na baka may nangyaring masama sayo, hinanap-hanap ka namin kahit saan pero di ka namin nakita kaya pinatulong namin ang mga estudyante baka sakaling mahanap ka" ani ni Molide at tiningnan ako sa iba't ibang parte, tiningnan kung okay lang talaga ako...
Kaya pala sa grabi makatingin sa akin ang mga estudyante kanina ng makita ako at naglalakad, may iba pang parang nakahinga ng maluwag at nagbubulungan dahil pala sa kanila, ang OA naman nila...
"Sorry guys" hingi ko ng pasensya...
"Sabi ko naman kasi sayo na sumama ka nalang sa amin sa room" pangungulit ni Jasmine habang nakanguso, ito na ba ang paraan para di na sila mag-alala? Hays bahala na...
"Osige na nga para di na kayo mag-alala, sasama na ako sa room niyo, mag-aaral rin ako" nakangiti kong pagsuko...
"Talaga?" sabay-sabay nilang tanong kaya napapikit nalang ako, biglang bumukas ang pinto ng dorm namin kaya sabay-sabay kaming napalingon sa pinto...
"Riana!" tumakbo papunta sa akin si Yamyam at niyakap ako ng mahigpit na ikinalaki ng mata ko...
"Let her go William" napahiwalay ito sa yakap ng marinig niya ang sinabi ni Blade...
"Where did you go Rina? Alam mo bang nag-alala kami sayo" gusto ko sumagot ng 'hindi ko alam' pero parang wala atang lumalabas na boses sa bibig ko, ang lamig naman nitong magsalita, this is my first time na matakot dahil lang sa boses...
"Stop scaring my sister you idiot" saway ni Yogiene at sinamaan ng tingin si Blade...
"You okay?" tanong ni Yohan at sinuri ako, nakahinga naman ito ng maluwag ng wala itong makitang kakaiba...
"Why aren't you speaking? Did something wrong?" sunod-sunod na tanong ni James ngunit hindi pa rin ako nagsalita, lumilipad ang isip ko...
"Hey Riana, tell us what happened?" ani ni Yogie at lumuhod sa harapan ko habang nasa balikat ang dalawa kamay niya ngunit ang tingin ko'y napako kay Yogiene...
'Stop scaring my sister you idiot'
'Scaring my sister'
'Sister'
'Sister'
"Riana!" nabalik ako sa ulirat dahil sa sigaw na iyon...
"What?" nakatingin parin ako kay Yogiene habang sinabi iyon...
"W-why are y-you look-king at me?" utal na tanong ni Yogiene habang nakaturo ang kamay sa kanyang sarili...
"What do you mean? Your sister?" natahimik ang paligid dahil sa balik kong tanong, nakita ko pa ang pagsiko ni Yonique kay Yogiene na siyang katabi nito...
"Ah eh parang kapatid ka na namin you know, you and Yonice right Yonice huh?" sabi nito, nanlaki naman ang mata ni Yonice ng idamay siya ni Yogiene ngunit ng mapansin niyang nakatingin ako'y ngumiti ito sa akin at sunod-sunod na tumango...
"Oo Riana, tama si kuya Yogiene, maganda kasing magkaroon ng babaeng kapatid eh" nakangiting wika niya, umubo-ubo naman si Molide habang nakatingin sa ibang direksyon at nakakunot ang noo, halatang masama ang kanyang tingin kaya napakunot naman ang noo ko, kinalabit siya ni Wenny na siyang malapit sa kanya at nginuso ako...
BINABASA MO ANG
KNOWING WHO I AM: I'M THE MISSING PIECE
FantasiMuling pagbabalik ngunit alaala'y di nananatili, Mga bagay na ikinabigla ngunit nangyari na... Nabura nga ba o sadyang di pa panahon para maalala, Ang nakaraan ay malalaman at mababatid sa bawat pahina... Nakabalik sa tunay na katauhan subalit sa...