"Hangang dito kanalang!!" Sigaw ng isang bounty hunter habang nakatutok ang baril niyang umaapoy sa isang taong na-korner sa isang napakataas na cliff.
Napakalawak at breathtaking scenery ang makikita sa horizon puno ng mga bundok na humahawak sa ulap, habang tinatago naman ng hamog ang madilim at nakakalulang ilalim ng bundok na nagbibigay nginig sa sinumang lumingon dito dahil hindi mo alam kung ano ang nakatago sa kadiliman nito.
"Mukhang sakin na ang napakalaking patong sa ulo mo!" Tawa naman ng isang lalake sa kabila na may napakalaking scar sa kaliwang mukha, ang dalawang kamay niya ay parang kamay ng isang mabangis na hayop, naglalakihang claws at napakatalas na parang spike ng porcupine ang mga balahino niya, ubod na tatalim na mga pangil kawangis ng nasa sabertooth tiger, sabay ng pag-ngiti niya ang pagiging dilaw ng kanyang iris sa mata, mukha niya ay mistulang anyo ng isang tunay na mabangis na halimaw.
Ang taong nakorner ay sinulyapan ang misyeryosong relo na nasa kamay niya at nakitang wala itong enerhiya, sabay siyang napangiti at napakibit balikat, bago huminga nang malalim at muling lumingon sa mga pumapaligid sa kanya.
"HAHA Mukhang naubos narin ang suwerte ko" preskong astang mukhang tangap niya na ang magiging kapalaran.
"Wala kanang matatakasan, wag ka ng pumiglas sa spell na gagawin ko para hindi kana mahirapan!!" Sabi naman ng isa sa mga hunters na isang dark wizard na nag cast ng isang binding spell.
Cornered by the group of bounty hunters and mercenary tumingala lang sa napakalawak na langit ang lalake at dinama ang simoy ng hangin habang pinagmamasdan ang nakapangliliit na scenery sa napakalawak at kakaibang mundo na ito.
Agaw hininga ang mistulang unti-unting pagkabuo ng rainbow sa kagiliran.
Sa ilalim ng cliff ay nakatago ang napakadilim na abyss shrouded by fog kung saan nagmumula ang rainbow, walang kasiguraduhan pero ngumiti lang ang lalake at sinigaw ang "YOLO!!!" At sabay tumalon without a second hesitation.
Biglang may napakalakas na kanta ang maririnig sa kanyang paligid na walang may alam kung saan nagmumula.
I WILL TRAVEL ACROSS THE LAND, SEARCHING FAR AND WIDE
"Anong ginagawa niya mapapakamatay ba siya?!" sigaw ng elf na may sungay.
"Nababaliw kanaba!!! walang nakakaligtas matapos tumalon sa cliff nayan! kaya tinawag yang cliff of the end!" nabiglang sigaw ng isa sa mga bounty hunters.
"Its a Leap of faith!!!" Excitedly na puno ng buhay na sigaw ng lalake while plummeting down to his supposedly death.
Nabalutan siya ng kadiliman at unti-unting nawala sa paningin ng mga lalakeng naiwan mula sa itaas ng bundok.
"HANGAL" bulong ng mga dismayadong manunugis.
POKEMON!!!
GOTTA CATCH EM ALL!!!Ang huling tinig na kanilang narinig.
BINABASA MO ANG
Fool's Journey
AdventureTAGALOG: Samahan ang paglalakbay ni Kc, a man without any memory of his past but with a mysterious watch that can be transform into any kind of fictional weapon like Lightsaber, Hoverboard, Mega-Buster, Web Shooters, etc., together with Folie, a man...