Napalingon ako sa pinang galingan ng malambing na boses, tumabi lang sakin si gab.
"Para ka palang owl noh." Panimula niya
"Bakit naman?"
"Lagi ka kasing gising sa gabi, tapos pag sikat ng araw tulog ka."
Natahimik lang kami, huminga siya ng malalim bago mag salita uli.
"Ang dami kong na missed na activity sa school ngayon." Pagmamalaki niya pa
"Eh kasalanan mo naman, wala ka palang gana ahh."
"Alam mo ba bakit hindi talaga ako pumasok?"
"Kasi wala kang gana."
"No." Maikling sagot niya
Tumingin lang ako sakanya
"Kasi walang titingin sayo pag wala ako, hindi ko malalaman kung anong ginagawa mo." Pagtingin niya sa langit "natatakot ako na baka saktan mo uli yung sarili mo, natatakot ako na baka pag iniwan kita hindi kana maging maswerte at mapatay mo na talaga ang sarili mo." Tumingin na siya sakin.
"Takot ako na baka mawala ka." Bulong niyang salita
Nakatulala lang ako sa mga sinabi niya, I don't know na may tao palang takot na mawala ako, malay ko ba? Cause I'm just nobody hindi naman ako artista, hindi naman ako maganda, hindi naman ako sexy. Ilang minuto pa ako nanatili bago nagpaalam kay gab na matutulog na ako.
Mas lalo lang ako nahirapan matulog sa mga sinabi ni gab. Pinilit ko nalang matulog dahil may pasok na din ako bukas, ayaw ko umabsent dahil marami na akong ma missed na activity.
Mas maaga ako nagising ngayon dahil kailangan ko pang asikasohin ang sugat ko. I just do my routine before go to school, as usual hindi ako mahahatid ng tatay ko sa paaralan dahil may trabaho pa siya. Kaya kailangan ko mag commute.
"Ma, Pa alis na ako." Paalam ko sa magulang
"Mag ingat ka, yung sugat mo ahh." Paalala ng ina ko
Gusto ni miracle na mag sabay kami pero sabi ko wag na dahil doble pa ang gagastusin niya sa pamasahe. I assure her na mag iingat ako
Kailangan ko pa maglakad ng ilang metro para makasakay sa sakayan ng jeep, mas tipid pag sa jeep kesa sa tricycle.
"Marie!"
Napalingon ako sa pinagmulan ng boses. It's gab, he was wearing school uniform, nakasabit ang salamin niya sa puting polo, he's black hair is messy, singkit na mata, he's cheeks and lips are pinkish. Habang tumatakbo siya papalapit sakin ay nakangiti ang binata.
"Bakit nagmamadali ka? Late kana ba?"
Napatingin ako sa orasan, maaga pa para ma late"Hinahabol kita, ang bilis mo maglakad eh." Salita niya
Medyo malayo layo pa bago makarating sa sakayan.
"Akin na yung bag mo." Pagkuha niya ng bag ko
"Bakit? Kaya ko naman buhatin ang bag ko eh." Pag iwas ko pa ng bag ko sakanya
"Akin na mabigat ang bag mo atsaka baka dumugo pa yan sugat mo."
Huminto ako sa paglalakad, ganon din ang ginawa niya. Anong connect ng bigat ng bag ko sa sugat na meron ako? Binigay ko nalang ang bag ko.
Tahimik lang kami hanggang sa makasakay sa jeep, naghahanap na ako ng barya sa bag ko.
"Kuya bayad po, dalawang estudyante."
Napalingon ako kay gab hindi niya ako pinansin at nilagay lang ang salamin sa mata atsaka nagbasa sa libro. Kinuha ko na lang ang phone ko para I update si miracle.
To: Milagrosa 💩
Papunta na ako ng school, wait mo nalang ako sa gate.Pinatay ko din naman ang phone ko at binalik sa bag ko. Halos 20 minutes din ang byahe namin
"Gab, baba na ako." Sabi ko at ngumiti sa binata "Kuya para po." Nanghuminto ang jeep bumaba din naman na ako. Nakita ko din agad si miracle kumaway pa ito ng makita ako.
As usual ang dami nanaman pinagawa sa school, we have research sa philosophy may pinapagawa din sa ibang subjects kaya paniguradong puyat uli ako mamaya. Kung pwede lang hindi mag aral matagal ko ng ginawa.
Late daw makaka uwi si miracle kaya mauuna na akong umuwi dahil may mga gagawin pa din ako. Palabas na ako ng school pero may nakita akong pamilyar na lalaki si gab yun, kausap niya ang guard ng school kaya lumapit ako sakanila. Bakit ba andito nanaman to?
"Ay opo kuya, dapat dito po ako mag aaral dati kaso ayaw ng nanay ko." sagot ni gab, nabaling sakin ang attention ni gab ng makalapit ako
"Ahh sige po kuya una po ako." Sabi ni gab at lumapit sakin
"Anong ginagawa mo dito?" Naiinis kong tanong
"A-ano, m-may kaib-kaibigan kasi ako di-dito." Nauutal na salita niya "oo tama may kaibigan ako dito nag aaral." Pag ngiti niya pa sakin
Tinititigan ko lang siya at umiling
𝘒𝘢𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘯 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘸.
Umalis na ako at iniwan siyang nakatayo lang dun
Ang dami kong iniisip habang naglalakad papunta sa sakayan, yung research, yung gawain sa bahay, yung mga gawain ko sa school, I don't know kung ano ang uunahin ko I always feel na ang bigat ng araw ko.
"Huy!"
Nagulat pa ako sa nagsalita, no other than gab lagi na lang nakabuntot tong lalaking to sakin.
"Kala ko ba may inaantay kang kaibigan sa school? Bakit wala kang kasama?" Tanong ko
"Wala, sabi niya naka uwi na daw siya eh."
Kinuha niya uli ang bag ko para siya ang magbuhat, hindi na ako umangal dahil kanina pa ako nabibigatan sa dala ko. Nang makasakay na kami sa jeep ay nagbayad na ako
"Kuya bayad po, dalawang estudyante po yan."
Tumingin lang sakin si gab, pero hindi ko siya pinansin. Ganyan kaya yung ginawa niya sakin kanina
"Bakit nagbayad ka?" Tanong niya sakin
"Kasi ikaw na yung nagbayad kanina kaya ako naman ang magbabayad."
"Dapat hindi kana nag bayad, ako na dapat ang dami kong barya dito oh."
"Ehh marami din akong barya."
Tinititigan niya lang ako, habang ako naman nag basa sa isang libro, aaralin ko na yung lesson namin bukas.
"Ang ganda talaga, tangina."
Napalingon ako sakanya at muka naman nagulat siya.
"Ang ganda ng cover ng book, tangina sino kaya gumawa niyan?"
Tinignan ko yung cover ng book, lukot lukot na nga yung cover ng book ano pa yung maganda dito?
✿︎✿︎✿︎
BINABASA MO ANG
The Broken Oath
RomanceMalaya Marie D. Salvador is a high school student who has childhood trauma due to her own relatives, he doesn't know how to heal the wound that her relative did. Not until she meet Ethan Gabriel F. Tuazon who help her to move on and to love her self...