Khun Nueng
Nakakahiya talaga...Hindi ko matanggal sa isip ko ang sinabi ni A-Nueng. Kahit na kumikilos akong normal kapag kasama ko ang anak ng kaibigan ko, madalas kong naiisip ang boses niya habang nagbabasa ng nobela.
"Ah..."
Kahit boses lang iyon, parang lumilipad ang imahinasyon ko.
Minsan naiisip ko kung ano ang nagpapalabas ng boses na iyon mula sa bibig ni A-Nueng kapag nakahiga siya sa kama. Ano ang ginagawa niya at paano... At lahat ng mga posisyon na maiisip ko ay lumalabas sa isip ko hanggang sa pakiramdam ko ay parang sobra akong obsessed. Nangyayari iyon noong mga panahong iyon.
"Khun Nueng"
"Khun Nueng." Tawag niya ulit
"E... eh?"
Nakikita ko ang mapupuno niyang labi na nakangiting may kalokohan. Sumilip si A-Nueng habang tinutulungan ko siya sa pag-aaral. Nagulat ako.
"Bakit nangyayari? Bakit ang lapit ng mukha mo?"
"Examination ko bukas."
"At?"
"Kung makakapasok ako sa unibersidad, ano ang ibibigay mo sa akin bilang gantimpala?"
Tinitigan ko ang mga labi ng anak ng kaibigan ko habang ginagamit niya ito para magsalita sa nasal na tono. Hindi ako makapag-concentrate. Dahan-dahan kong iniwas ang tingin.
"Wala akong pera."
"Sinabi ko bang gusto ko ng isang bagay na may kinalaman sa pera?" Patuloy na inilalapit ni A-Nueng ang kanyang mukha sa akin, kaya iniurong ko ang leeg ko para mapanatili ang distansya.
Natakot ba ako? Ako? Hindi pwede ito... Hindi siya pwedeng magmukhang talunan at sumuko. Kaya sa huli, inalis ko ang mukha niya mula sa akin.
"Ano ang gusto mo? Sabihin mo na."
"Maaari ba kitang maging kasintahan?"
"Hindi."
"Argh... nawawalan ako ng inspirasyon na mag-aral para sa exam ko bukas."
"Future natin ito kaya tumigil ka na sa kalokohan mo." buntong-hininga ko. Nang marinig iyon ni A-Nueng, lumaki ang kanyang mga mata at binigyan ng ibang kahulugan ang sinabi ko.
"Future natin? Nakikita mo ang future natin?"
"Ayan na naman po siya."
"Bigyan mo lang ako ng maliit na gantimpala para ma-motivate akong mag-aral nang mabuti bukas. Ikaw ang pinakamainam na inspirasyon ko ngayon."
"Puro ka kalokohan. Ano ba talaga ang gusto mo? Sabihin mo na.. pero hindi yung magiging magkasintahan tayo.
"Ah... So," -malisyosong tiningnan ako ni A-Nueng at inilagay ang kanyang baba sa kanyang kamay.
"Maaari ko bang gamitin ang aking bibig sa iyo?"
"Ano?!" Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. Gamit ang iyong bibig... Ang iyong bibig! Lalong lumampas iyon sa paghalik.
Hindi lang ito tungkol sa pag-agaw at paglalambing sa mga babae sa mga all-girls schools.
"Ibig kong sabihin, halikan kita sa labi mo."
"Halikan mo ako?" Dinilaan ko ang labi ko dahil naramdaman kong tuyong-tuyo ang mga ito bago sinapo ang mukha ko.
"Kiss lang naman diba?"
"Ibig sabihin ay pumayag ka?"
"Hindi." Pagkasabi ko nun, si A-Nueng ay agad na yumuko na parang kulang sa motivation sa buhay.
![](https://img.wattpad.com/cover/366796500-288-k932117.jpg)
BINABASA MO ANG
Blank || FayeYoko [Tagalog] | UNDER REVISION |
RomanceThe Tagalog translation of the Thai Novel: Blank: fill in the blank with the word love Written and credits to Chao Pla Noi