ONE TEXT MESSAGE ( ONE SHOT )

1.1K 48 13
                                    

AUTHOR'S NOTE: Itong one-shot story ko ay naging entry ko sa paligsahan ng TEAM SOJU ( siyempre kay Kuya_Soju ) sa Facebook. So I hope lahat ng SOJUNATICS ay makakarelate dito dahil ang contest niya ay tungkol sa mga character niya sa mga books niya. Pinili ko ang mga characters na sina Bridgette, Olivia at Teacher Noah from School Trip. Hindi ko inexpect na mapapasama ito sa TOP 5, Hahaha.. TOP 2 po siya!! ^___^ . Halo-halo ang genre na ito ha, may horror, drama, erotic atbp..Sana po ay magustuhan ninyo!

----------------------------------------

"Thou shall not commit adultery , isa ito sa mga sampung utos ng Diyos na matatagpuan sa Exodus 20:14." panimula ng matabang pari sa kanyang sermon sa simbahan. Unang linggo pa naman ito taong 2015, kaya nagsimba si Olivia sa hapon. Pero tila nawalan siya ng ganang makinig sa sermon ng pari dahil hindi ito naaayon sa kapapasok ng taong 2015. Nag-sign of the cross siya at dahan-dahan siyang tumayo sa kanyang kinauupuan. Mabuti na lang malapit lang siya sa pintuan ng simbahan ang kanyang kinauupuan. Nagdesisyon na siyang umalis sa simbahan dahil parang natatamaan siya sa sermon ng pari.

"Hindi ako kabit." wika ni Olivia sa kanyang isipan.

Malapit sa simbahan ay sari't -saring paninda ng mga ordinaryong vendor na nakikita natin. May mga nagtitinda ng mga kakanin, mga halaman na puwedeng itanim  sa bahay, pirated CD's and DVD's at iba pa.

"Ate, ate bili po kayo ng DVD." tawag sa kanya ng batang nagtitinda ng mga DVD's.

Hindi ito pinansin ni Olivia dahil hindi naman siya interasado. Nakatayo kasi siya sa tapat ng batang nagbebenta ng pirated DVD's. Nag-iisip siya kung saan na siya pupunta.

"Ate maganda na nakasuot na pulang blusa,,bili ka ng DVD oh." lambing na wika muli ng batang vendor.

Medyo napantig ang tenga ni Olivia sa kanyang nadinig. Napangiti pa ito dahil alam niyang binobola siya  ng bata para bumili lamang siya sa kanyang mga paninda. Maganda kasi si Olivia. Maputi,bilugan ang mga mata, mapupula ang mga labi at makinis pa ang kanyang kutis.

"Ano ba ang magandang mga pelikula diyan totoy?" sabay lingon at ngiting tanong ni Olivia sa batang vendor.

"Heto po ate." sabay turo  ng bata sa kanyang mga panindang CD's at DVD's.

No Other Woman, The Mistress, The Neighbor's Wife, at iba pa sa tingin ni Olivia ay tungkol sa mga kabit ang kuwento ng pelikula. Bahagyang napataas ang kilay ni Olivia sa mga klase ng pelikula na binebenta ng bata.

"Sa susunod na lang ha." ngiting wika ni Olivia sa bata. Bahagyang napalunok pa siya dahil may kinalaman ito sa kanyang iniisip. Kabit. Bumuntung-hininga ito at umalis siya sa puwesto ng batang nagtitinda ng pirated DVD's.

Malapit sa simbahan ay isang burol kapag nasa itaas ka ay kita mo ang magandang tanawin ng lugar nina Olivia. Namalayan na lamang ni Olivia na nasa tuktok na siya ng burol. Napangiti siya dahil naging lihim nila tagpuan ng lalaking mahal niya pero hindi dapat. Dahil engaged na siya sa bestfriend niyang si Bridgette. Dating bestfriend na pala. Nasira ang relationship nila bilang matalik na magkaibigan dahil kay Noah. Isang guwapong guro na nagtuturo sa isang private high school sa kanilang lugar.

"Iniibig kita Olivia.." mahinang wika ni Noah kay Olivia at masuyo niyang hinalikan si Olivia sa mga labi nito.

Naramdaman ni Olivia na naging malikot na ang dila ni Noah at ginantihan niya rin ito. Bahagyang napaungol si Olivia na maramdaman niya na hinahawakan ni Noah ang dibdib at ipinasok pa nito sa loob ng kanyang bra.

"Ohh Noah..mahal din kita.." wika ni Olivia at naging agresibo na rin ito sa paghalik kay Noah. Alam niya na mali ang ginagawa nila ni Noah dahil malapit na itong ikasal kay Bridgette. Pero wala na siyang pakialam dahil nasasabik siya sa ginagawa nila ni Noah. Aminado siya na obsessed siya sa mainit na pagtatalik na ginagawa nila ni Noah.

One Text Message (ONE SHOT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon