Kabanata 1

2 0 0
                                    

A/N: Edi wow! Nakaabot ng Kabanata 1 kahit hindi sigurado.







"The fuck, Heverick! After what you said to Dad you have the guts na sumabay pa sa 'kin. Shoo! Doon ka sa far away! Magsama kayo nong bestfriend mong hilaw!

Tinawanan niya lang ako. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Dere-deretso lamang siyang pumasok sa sasakyan at mabilis na sinara ang pintuan.


Aba! Tumatapang!


"What?" he smirked. Nang mapansin niyang di pa ako sumasakay.


What-watin ko 'yang pangit mong mukha.

Inirapan ko lamang siya at sumakay na.

Maaga akong nagising. Or should I say, natulog ba ako? Nah! Iniisip ko pa rin kasi.. What if I see him? What would be my reaction?

Malamang! Wala namang 'joy' sa pangalan ko. 'Helene Beatrice Benetiz' may nakita ba kayong joy 'diba wala? My reaction would be anger! Gago siya!


Nag-iinarte pa ako. Nakahanap rin naman ako ng paaralang mapapasukan. Akala mo naman nag-iisa lang paaralan dito sa Pilipinas.


Iyon nga lang doon pa talaga sa taong kinamumunghian ko ako napuntang school which is the Legaspi High. Her mother owned this institution.

Edi sila na ang mayaman.


Bweset! Bakit ba hindi ako nag background check? Bobo naman parang hindi naging class valedictorian sa school. Hindi ko rin pala nagamit.

Pababa kami ng sasakyan ng siya ring pagdating ni Apollo at ng kanyang bagong girlfriend.

Edi kayo na! Walang forever! Maghihiwalay rin kayo. Pusta? Ipupusta ko si Dad-este business niya.


Iniwas ko kaagad ang mga mata ko at ibinaling na lang sa paligid. Pinagmamasdan ko ang paligid na maraming puno ang nakapaligid.


Bad nga lang kasi may masamang dinala ang hangin patungo samin. Nakakainis naman! Grr!

May mga kiosk rin na agaw-pansin ang mga disenyo dahil sa makukulay nitong mga upuan at may nakita pa ako roon sa gilid na magandang tambayan kapag gusto kong mapag-isa isang bilugan na semento na may puno sa gitna at mga makukulay at naggagandahan mga bulaklak.


Taray! Bet ko na dito. Maliban sa dalawa dyan. Hindi ko na babanggitin kong sino. Alam niyo na 'yon!


Hindi ko na namalayan na tinatawag na pala ako ng kapatid ko kanina pa.


E, kasi naman.


"Kunwari nagtitingin sa paligid para lang may maiwasan na tingin." panunudya niya


Sinapak ko naman siya. At inuhan na sa paglalakad.


Kairita! Akala mo naman kung gwapo ang nakita niya. Tss. Mukang gago, kako!


Hindi ko pa 'to nakakausap tungkol sa sinabi niya kay Dad.

Hindi ko nga alam na dito rin pala siya mag-aaral. Malamang school 'to ng mama niya.

Sana naman naisipan niyang papasok rin ako dito. Sana lumipat na lang siya. Wow. Feeling territorial 'te? Teritoryo mo?

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa narating na ang classroom. Naghanap na ako kaagad ng mauupuan kaso mukhang nahuli yata ako kasi may teacher na sa harapan.

HiliWhere stories live. Discover now