Chapter 5- 7th and 8th (Roku and Zin)

9 2 0
                                    

Chapter 5



MIO'S POV

"Anong ginagawa niyo rito?"

O_______________________________O

Unti-unti kaming lumingon.

"Ah-eh Shin--este Prince Shin. Hehe."-sabi ni Yanna. Patay! Si Blonde hair na 3in1 ang kapansanan! Geez! Sana di nya ko mamukhaan! >.<

"Anong ginagawa mo dito Yanna?"-gulat na tanong nung Shin.

"Ah-eh hehehe."-hindi makasagot si Yanna. Teka? Magkakilala sila?

Nagbuntong hininga na lang yung Shin.

"Umalis na kayo bago pa may makakita sa inyo."

"Ah oo. Salamat Shin. >__<"-mabilis na sabi ni Yanna sabay hila samin.



====


"Wush! Akala ko katapusan na natin!"-sabi ni Ross.

"Oo nga eh. Buti na lang si Shin yun."-sagot ni Yanna.

"Teka lang Yanna, bakit Shin lang ang tawag mo dun at tsaka magkakilala ba kayo?"-takang tanong ko. Ngumiti lang sya ng pilit bilang sagot.

"Anong ngiti yan? Wag mong sabihing may something sa inyo?"-panunukso ni Ross.

"Wala ah. Sadyang mabait lang yun. At tsaka mahabang kwento. At walang something samin ok? Tara na nga."-aya niya. Nagkibit-balikat na lang kami ni Ross.


====

Thursday na. Ang bilis ng araw. Nakapasok na nga pala ako sa klase ko kahapon pa. Hindi pa regular ang klase pero mas maigi na to na pumasok na ko para next week hindi na ko mahassle. At alam nyo ba? Syempre hindi. XD Kilala na ko agad ng mga classmates ko. Ako lang kasi yung kakaibang species sa room. Puro halatang mga mayayaman kasi sila dala ng mga suot nilang mga branded na gamit at sa mga model ng phones nila. At ako? Uniform lang ang nagsasabing taga-Ashford ako. Hayst! Buhay nga naman. Hindi ko naman kasi ginustong pumasok dito. Sadyang nanalo lang si mama sa isang raffle sa palengke. At eto ang premyo, ang makapasok ako ng libre sa Ashford. All free except sa mga projects at pangaraw-araw kong kailangan. Hayst! Di ko nga alam kung pano nakapasok dito si Ross eh. Di naman kasi yun mayaman kaya alam kong di nila afford ang tuition fee na sobrang mahal. At tsaka lima silang magkakapatid kaya panong--- Aish!!! Tatanungin ko na nga lang sya kesa naman pudpurin ko yung utak ko kakaisip.

"Hoy Mio!"-walang pakundangang tawag sakin nung kaklase ko. Makatawag eno? Eh hindi naman kami close. Tss.

"Bakit?"-tanong ko. Bigla naman syang may hinagis na supot sa table ko.

"Itapon mo yan sa creepy forest."-utos niya. Tinaasan ko lang sya ng isang kilay.

"Wow! Ano ka dito? Reyna? Sayo inutos yan ni mam diba? Napakadaldalera mo kasi! Yan tuloy ginawa kang garbage collector ni mam. Bagay yan sayo! Mukha ka namang basurerang nagsuot lang ng branded na damit."-sabi ko sabay roll eyes.

"At tsaka nga pala, may basurahan dyan sa labas ng room. Ang laki laki. Kasya ka pa nga eh tapos di mo makita? Bulag lang? At tsaka bakit sa creepy forest mo pa ipapatapon? Eh alam mo namang delikado at nakakatakot dun. Wala ngang nagtatangkang tumapak dun eh. Bakit hindi na lang ikaw ang pumunta? Tutal mukha ka namang manananggal. Sure ako miski yung creepy forest matatakot sa pagmumukha mo!"-dagdag ko. Nakakainis! Ang ayoko kasi talaga sa lahat ay yung sinisiga ako.

"I hate you!!"-gigil nyang sigaw. Pati mga alalay niya mukhang beastmode na din. Natamaan din siguro sa sinabi ko.

"I hate you too! Sa tingin mo hindi din ako bwisit sayo? Pagkapanganak pa lang sayo ng nanay mo bwisit na ko sayo!"-sagot ko. Di porket mayaman sila sisigain na nila ako.

When The Devil Is Next To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon