Chammy's NOTE: Hello! Naisip ko lang ang story na to bigla dahil sa kanta ni Toni, though Female's POV to eh same theme lang sa kanta kaya ayan! Hahaha! Ang cute kasi eh :") Anyways, eto na po. Enjoy reading :)))
****
Ako si Ms. Panget (Short Story)
Elijah's POV
Ang panget mo!
Oo na! Kelangan laging pinapamukha? Kelangan laging pinapaalala sa akin? TAMA NA! Alam kong panget ako, maitim at di pang Miss Universe ang ganda. Kaloka! Sino bang may gustong maging ganito ang itsura diba? But, thankful pa din ako kasi buo ang body parts ko at wala akong kapintasan na iba bukod sa pagiging panget ^_^
BUT! Narealize kong maganda ako ng manligaw sa akin ang number 1 slash ultimate dream guy sa aming University, nung araw na yun dun ko lang nasabing "ANG GANDA KO!" wag ka, taas noo pa yan! Siyempre pogi yun, mayaman, maputi, matalino and sabihin nating kamukha siya ni Mario Maurer tapos manliligaw sa tulad ko na nasa Beauty and the Beast, siyempre ako si Beast diyan.
Siyempre nung una hindi ako mapaniwala, tipong totoo ba yung sinabi niyang "pwede bang manligaw?" taray diba? Siyempre parang ako, tinatanong pa ba yan? Kaso natakot ako, una sa lahat bakit niya yun gagawin? Baka lokohin lang ako kasi ang poging katulad niya ayaw sa panget na katulad ko kaso nagkamali ako. Pinatunayan niyang seryoso siya sa akin, hatid sundo ako, sabay kaming mag lunch at hinihintay pag tapos na klase ko. Nung humarap nga siya sa pamilya ko bastusan lang kasi hindi talaga naniwala mga magulang ko, masyado daw akong maganda para kay Luke ^_^V. Pero buti naman at nagkasundo sila agad! Aba, first time kong mag-uwi .. I mean magdala ng lalaki sa bahay at dun talaga siya nanligaw.
Dahil nga sa sikat siya sa school namin agad na kumalat na parang virus ang balita about sa amin, kahit nasa harap nila kami pinag-uusapan kami pero hanga ako kay Luke kasi hindi niya pinapansin ang mga yun. Titingin lang siya sa akin saka ngingiti, parang nasasabi na wag ko silang pansinin dahil kasama ko siya. Ang saya lang! Lumipas ang ilang araw sinagot ko na siya. Choosy pa ba? Sorry naman daw eh kasi naman takot lang talaga ako >.< that day mismo ang First Official Date namin ^_^ taray lang eh.
Pero, kasama na ata sa isang relasyon ang away, di naman maiiwasan yun diba? Kahit perfect couple may di pagkakaunawaan din, pano pa kaya kami? Natanong ko kasi siya kung bakit di pa niya ako naipapakilala sa parents niya or sa kahit sinong pamilya niya, ang lagi niyang sinasabi sa akin maghintay ka lang, darating din tayo diyan at yan din ang dahilan kung bakit kami nagkakatampuhan, ang kulit ko daw kasi! >.< Nagsosorry naman ako sa kaniya kaya nagkakabati din kami agad. Hehe.
Pero, may isang pangyayari ang biglang naguntog sa akin at nabalik ako sa realidad.
PANGET AKO. kahit kelan.
Nakita ko si Luke na may kasamang magandang babae, sexy .. ugh! basta kabaligtaran ko at hinalikan niya sa pisngi. Wow? Ako ngang girlfriend niya hindi pa niya nahalikan kahit dulo ng hibla ng buhok ko pero siya ...
Tanga ka ba Elijah? Sa itsura mong yan matitiis ka niyang halikan? Girlfriend ka lang niya, di ka niya asawa. Tinitigan kong mabuti si Luke, ang saya niya, yung mga ngiting akala ko akin lang, napapakita niya din pala sa iba. Mukha ngang mas maganda pa yung ngiti niya eh. Ang sakit! Kahit panget ako may karapatan din naman akong masaktan diba? Pero .. wala akong karapatang ipagdamot siya. Tanga ba? Grabe naman! Panget lang!
"Luke!" gulat siyang tumingin sa akin. Pero kahit na ganun, nginitian ko pa din siya. Medyo malayo siya sa akin.
"ANG GANDA NG GIRLFRIEND MO HA? BAGAY KAYO! GRABE, PERFECT COUPLE! SANA TUMAGAL KAYO!" sigaw ko. Kala ko lalapitan niya ako pero hindi, ngumiti lang siya sa akin saka sumagot.
"Thank you! I know, she's beautiful" unti-unting nawala ang ngiti ko. Wag kang iiyak Elijah! Lalo na't sa harap ng maraming tao! Tumalikod ako sa kanila saka naglakad, pero para akong Walkers sa bagal kong maglakad, mas mabilis pa ata ang pagtulo ng mga luha ko eh.
"Wait!" humarang sa akin si Luke. Pero di ko mapigilan ang pag-iyak ko.
"Ba-bakit? Pa-pasaway ka, bakit- bakit mo iniwan yung girlfriend mo?" sabi ko. Tumingin siya sa likod ko saka binalik ang tingin sa akin.
"Ako ba nang-iwan o siya?" ano daw? tinignan ko yung girl na kasama niya.. eh?! andun pa siya ha? Pagkaharap ko kay Luke ..
O///////////////O
"Bakit ba lingon ka ng lingon eh ikaw tong tinutukoy kong nang-iiwan bigla"--Luke.
Di ako makapagsalita!! Pwedeng magmura? ANG GANDA KO! Malutong na mura yan! Pero teka!! First time niya akong hinalikan! At sa lips pa!!! >//////////////////<
"First, hindi ko siya girlriend, okay? Tamang hinala ka kasi"-Luke.
"Eh bakit ka nag thank you nung sinigaw ko yun?"-Ako.
"Kasi sa wakas naisip mong maganda ang girlfriend ko, eh ikaw lang naman ang girlfrien ko. Sa ilang buwan na naging tayo lagi mo na lang dinodown yang sarili mo. Elijah, you're beautiful inside and out, believe me. They only look at your negative side but me, I look at you as a whole, I accepted your flaws coz you're not perfect, even me. But, you're the best for me"-Luke. Habang sinasabi niya yan para akong lumulutang sa alapaap. Totoo ba tong sinasabi niya? Di naman ako nananaginip diba???
"So, siya ba yung katulong mo?" narinig kong sinabi nung babaeng kasama niya kanina. Tumingin ako kay Luke na umakbay sa akin.
"Siya nga" napatingin ako kay Luke bigla. So .. di pala totoo yung sinabi niya?!
"Ang katulong kong tuparin ang mga pangarap ko para sa aming dalawa" Napangiti ako bigla. Kaya pala laging katulong ang role ko sa mga play sa school eh dahil kay Luke! Shocks! Ang ganda ko talaga! Pagkatapos nun, nagpunta na kami sa bahay nila at dun ko nakilala ang pamilya niya at ang next na gagawin namin??
Wedding. Agad agad!! ^_____________________^ oh well, Ako kasi si Ms. Panget *flips hair*
**************************************************************************************************************
hahahaha. ang kuit lang nung kanta eh :")