Kaiane's POV
"Kaiane! Behind you!" tumingin ako sa likod at saktong-sakto ay may galamay ng dambuhalang pugita ang pumulupot sa paa ko at biglaan akong hinila, dahulan upang malakas akong mahulog.
Patuloy lang ito sa pagkaladkad sa akin at halos lahat ng mga nakakapitan ko ay nabibitawan ko rin. Bwisit, ang sakit na ng kamay ko pati katawan ko na ilang metro nang kinakaladkad.
I've had enough. I whistled a melodic tone since I couldn't sing nor hum because of this pain then manifested a sword, sharp enough to cut its arms holding my leg.
The sword appeared in my hand and without wasting a second, I sliced its arms. Napasigaw ito sa sakit at napatakip kaming lahat ng tainga at napapikit dahilan pang mabitawan ko ang espada na naglaho na naging buhangin pagkadikit nito sa lapag.
Nang matigil, biglang nawala ang pugita. Luminga-linga ako at natigil ako sa isang dako kung saan lumitaw ang pugita. Bumaba ang tingin ako at sa gulat ko, naroon siya, walang malay.
Dadaanan na sana siya ng pugita. Sa takot ko, napasigaw ako nang malakas na naging dahilan ng pagyanig ng lupa.
"Heath!"
"Ay, naku ka ba naman, Kaiane! Ginulat mo ako!" hinampas-hampas ako ni lola at tuluyan na nga akong nagising. Hinihingal, tumingin ako sa driver na halatang nagulat din sa sigaw ko.
Nag-sorry ako sa dalawa at hinawak ang dibdib ko, dinadamdam ang walang tigil na tibok ng puso ko. Pumikit ako, pilit na kinakalma ang sarili. Masyadong makatotohanan ang panaginip na 'yon.
Tumingin ako sa kamay ko na hindi naman namumula at walang mga sugat. Pumikit ulit ako para alalahanin ang aking panaginip. Usually, naalala ko ito lagi lalo na at tungkol ito sa campus.
Kinunot ko ang noo ko, pilit na inaalala ang mga mukha nila. Kaso wala, e. 'Yong pugita lang naaalala ko. Wala nang iba. Nakalimutan ko na rin 'yong dahilan ng sakit ng kamay at katawan ko.
"We're here," dumilat ako at nakitang nasa tapat na kami ng nursing home. Lumabas ang driver para alalayan si lola. Pagkalabas niya ay sumunod na rin ako. Dahan-dahang nagsilabasan ang mga luha ko.
"Mamimiss kita, 'la," yumakap ako sa kaniya.
Niaykap niya naman ako pabalik at hinagod ang likod ko, pinapatahan ako. She whispered comforting words but it just made my tears fall harder.
I slowly accepted it and decided to let go of the hug. Nginitian namin ang isa't isa. "Pakabait ka roon, ha? Kapag may nang-away sa 'yo, tandaan mo. Habang paalis sa harap niya, kumanta ka, humuni ka."
"Po?" kumunot ang noo ko. Edi nagkaroon na rin ako ng kaaway niyan?
Sabay kaming napatingin nang may nurse na lumabas sa nursing home. Bumati sila at sinabing pwede nang pumasok si lola. I bid her one last goodbye and hugged her.
BINABASA MO ANG
Creature Campus
FantasyCreature Campus was founded many years ago to educate and train outcasts, monsters, and creatures. There are many flavors of creatures here, but the five main cliques are mermaids, werewolves, fairies, vampires, and witches. On the other hand, Kaian...