Chapter 1

336 16 0
                                    


King Fisherwoman

This story is about one-sided love and chasing between who you love the most. Gray Shiz "Pating" Allegro, a fisherwoman and a 23-year-old intersex, fell in love with the daughter of a famous business executive in the fishing industry. However, when Gray and her fishing crew save a man, her life changes. This is an intersex x girl story.

Disclaimer: All the contents of this story are purely fictional and not associated with any real person, living or dead. Any resemblance to actual events or persons is entirely coincidental. Additionally, all songs, images, and other media used in this story are credited to their rightful owners. No copyright infringement is intended. Please note that this content contains adult scenes and is not suitable for children. There may also be grammatical errors and misspellings.

Chapter 1

Grey's POV

"Napansin ko anak kapag kasama kita sa pangigisda, masagana ang huli natin." Saad ni Tito Estoy na tila di makapaniwala dahil sa marami kaming nakuhang isda sa lambat na hinulog namin kanina.

"Tito, kayo po yung swerte dahil hindi niyo ako minsan pinabayaan dahil sa kondisyon ko at kahit walang kwenta yung tatay kong dayuhan." Dagdag ko. Napangiti na lang siya sa sinabi ko.

Isang turista at Briton kasi yung tatay ko na naging kasintahan ng nanay ko ng ilang buwan. Nagsimula ang lovestory nila sa isang resort dahil aside sa pangingisda ay nag to-tour din si inay gamit ang bangka noong dalaga pa siya. Laking isla kasi talaga kasi ang pamilya namin. Kaso nung malaman nito na buntis si Inay, ay agad itong umalis at nawala na parang isang bula. Iyak daw ng iyak noon ang nanay ko dahil nagpaloko siya. Pero kahit nangyari daw yon ay di siya nagsisi dahil naging anak niya ako.

I'm Grey Shiz Allegro, 23 years old and an intersex. Noong kabataan ko, akala ni inay lalaki talaga ako kaya panlalaki rin ang ibinigay niya saking pangalan. Derived daw ito sa Great White Shark kasi nung ipinganak daw ako sa kubo na bahay namin, may Great White Shark na napadpad sa dalampasigan. Sabi ng iba, baka may malaking unos daw ang mangyayari sa amin kaya ang turing sa akin ay malas. Ako pa nga ang nasisi nung panahon na kunti ang huli at sobrang nahirapan ang mga mangingisda sa amin. Naaalala ko rin na hindi nakikipaglaro ang mga bata sa akin dahil nung nalaman nila ang kondisyon ko na isang babae pero mayroon ng tulad sa lalaki, ay nilayuan nila ako. Although may nanatili parin naman na kaibigan ko.

Dahil doon, parang naging outcast ang pamilya namin. Mabuti nalang at nandiyan si Tito Estoy na kapatid ng aking ina na si Nay Mary at ang asawa nito na si Tita Rida. Sila ang nag-asikaso sa amin dahil wala pa silang anak noon.

Pero ngayon, dahil narin sa naging masagana ang huli simula noong nakihalubilo sa amin ang mga kapwa't mangingisda sa amin at mga kapitbahay, ay parang naiba na ang trato nila. Hindi na namin naramdaman ang pandidiri nila sa kondisyon ko at lalong hindi na nila akong tinuturing na malas. Minsan nga, sila pa mismo nagrereto ng mga anak nilang babae sa akin.

Hindi naman sa pagmamayabang pero dahil dayuhan ang tatay ko eh lumaki rin akong matangkad, medyo may kaputian, magandang gwapo, at kulay gray din ang mga mata ko. Halos lalaki na nga ang turing sa akin dahil flat chested naman ako at di kalakihan ang dibdib. May mga muscles din dahil sa hirap ng buhay, naging pang araw-araw na ehersisyo ko na ang pagbuhuhat ng mga banyera na puno ng isdang huli namin. Pinaiklian ko rin ang buhok ko at naka "man bun" na bumagay naman sa ayos ko.

Pero kahit masagana ang huli namin dito sa isla ay nahihirapan parin kami at ang mga pamilya dito dahil na rin sa mga bagyo. Kailangan namin magsimula uli dahil hindi naman ganoon katibay ang mga bahay sa amin.

Hindi rin ako nakapagtapos ng college dahil kailangan kong makapag-ipon agad ng pangpagamot sa nanay ko. May sakit kasi ito sa puso kaya kailangan doble kayod. Ayaw ko naman iasa kay Tito Estoy kasi nagkaanak na rin ito ng dalawang babae, si Marina at Dyesebel. Mag kokolehiyo na rin sila.

"Grey, ang swerte, ang mga pain (pagkain ng isda) na ginawa mo ay nakahuli ng mamahaling isda at sobrang laki pa." Saad ng tiyuhin ko kaya naudlot ang pag-iisip ko.

Agad ko siyang tinulungan sa paghila at totoo nga, nakahuli kami ng mapulang isda. Aabot ng sobra sa isang libo ang huli na to at naging sunod-sunod naman ang huli namin.

"Bakit ngayon ko lang ito napansin, dapat palagi kitang sinasama anak. Naalala mo noon nung 10 years old ka at sumama sa akin, halos mamahaling isda at malalaki rin ang nahuli natin. Ganun rin noong 12, 15, hanggang 19 ka." Saad ni Tito na labis ang tuwa dahil triple ang dami ng isda na maiuuwi namin at sobrang mamahalin pa ng mga uri. Hindi kasi ako nakasama ulit kay Tito dahil nag college ako ng dalawang taon noon at nagpahinga dahil sa sugat ko noon sa balikat.

"Ikaw naman tito, parang exaggerated ka naman magkwento. Baka nakalimutan mo na ikaw ang pinakamagaling mangisda dito sa isla kaya marami tayong huli." Tugon ko sa kanya dahil skillful talaga si ang tiyuhin ko sa pangigisda. Pero napailing nalang siya dahil kwento-kwento rin kasi sa isla namin na dahil sa kondisyon ko daw, ay swerte daw yon. Parang mga sira-ulo talaga mga tao minsan.

Hindi kasi mawawala ang mga pamahiin dito sa amin at dahil minsan rin akong sumama sa ibang mangingisda noon dahil niyayaya talaga nila ako, ay ganoon din ang sabi nila na nagiging swerte ang huli nila. Pasalamat lang sila dahil crush ko yung anak nila na si Esther at kaedad ko rin, kasi kung hindi, wala talaga akong oras para sumama at magpainit sa dagat noon.

Natapos na rin ang pangigingisda namin ni Tito Estoy at nakauwi na kami. Sila Inay, Tita Rida, Marina and Dyesebel naman ang nagtitinda ng mga nahuli namin sa palengke.

"Wow, insan, ang dami niyo namang huli ni Itay. Sabi ko na nga ba ikaw ang swerte sa pamilya natin." Saad ni Marina. Tumango naman sila Tita Rida at Dyesebel na sumasangayon sa sinabi ng bunso nila. Napatawa na lang ako kasi palaging ganyan ang linyahan niya simula dati. Insan na rin pala ang tawag nila sa akin dahil nalito sila kung Ate or Kuya ang itatawag noon.

"Ayan kananaman bunso. Basta mag-aral kayo ng mabuti ni Dyesebel. Huwag muna mag boyfriend boyfriend at baka maupakan ko pa mga pumupurma sa inyo." Saad ko na ikinatawa naman nilang lahat.

"Ikaw ba anak, baka may girlfriend ka na ha. Di kalang nagsasabi." Sabi naman ng nanay ko na may mapilyang ngiti.

"Oo nga insan, sinagot kana ba ni Ate Esther? Since mga bata pa tayo, nililigawan mo na yon." Dagdag ni Dyesebel na may halong pilyang tingin din.

"Wala na ako atang pag-asa doon. Alam niyo naman na tunay na lalaki na mala prince charming ang gusto non. Nabalitaan ko nga na may gwapong mayaman na naghahatid sa kanya pauwi palagi." Tugon ko na medyo malungkot narin ang muka. Ilang taon ko rin kasing minahal si Esther. Wala naman akong problema sa pamilya niya dahil nakuha ko rin ang loob ng Itay nya noon paman. Kaso si Esther, may gusto sa iba.

"Okay lang yan iho, kunting tyaga pa. Malay mo marealize ni Esther na ikaw ang palaging nandyan para sa kanya at lumambot rin yon sayo." Dagdag ni Tito Estoy.

"Oo nga insan, tsaka ang pogi pogi mo kaya. Mga classmates ko panay tanong tungkol sayo kasi nung inihatid mo kami ni Ate Dyesebel sa school, nakaagaw ka kaagad ng atensyon." Wika naman ni Marina na parang proud pa.

"Ang chick magnet talaga nitong pamangkin ko, nagmana sa akin." Dagdag ni Tito Estoy na ikinatawa naman nila. Kasi si Tita Rida lang talaga ang nagkagusto sa kanya pero sinasabi niya na marami daw may crush sa kanya kahit wala naman.

"Tama na nga yan, basta Marina at Dyesebel. Bawal mag boyfriend hanggang sa di pa kayo nakakapagtapos ng kolehiyo." Dagdag ko sa kanila. 

King FisherwomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon