A/N: Sorry sa typo and grammar.
Kinaumagahan. Nagising ako sa tunog ng alarm sa side table ko. Katabi ng lamp shade. Pinatay ko agad.
six o'clock.
Kumuha ako ng tubig sa ref at nagsalin sa baso ko. Isang shot lang ang nainom ko kagabi. Pero grabe ang epekto sa 'kin.
Naghahanda ako ng breakfast nang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko 'yon at isang mensahe galing kay Roen. Mga 7 messages at 3 missed calls 'yon.
From:Roen
Message:
Got home safely! You?From:Roen
Message:
I'm sorry 'bout last night. Sobrang sakit ng ulo ko at hindi ko namalayan nakatulog pala ako.From:Roen
Message:
Bawi ako sa'yo bukas. See you at 12:21. Doon sa paborito kong coffee shop. 1PM.From:Roen
Message:
Hindi mo sinasagot tawag ko? Call me when you see this.Hindi ko na binasa ang ilang mensahe niya at tinawagan na siya.
Ilang ring muna bago niya sinagot.
["Hi, good morning!"] he greeted me in his usual voice. Mukhang kakagising niya rin.
"Morning. Nakauwi kami ng safe kagabi. Salamat. Ikaw?"
["Hmm. hinatid ako nila Roxan at Andy kagabi sa condo ko kasi hindi na raw nila ako magising.] natatawa niyang kwento
Nagpatuloy pa siya sa pagkukwento habang patuloy ako sa paghahanda ng breakfast.
["See you at twelve twenty-one, later."] pagpapaalala niya at binaba na ang tawag
Pagkababa ni Heve ay siya ring natapos ako.
Toasted bread and coffee for breakfast.
"Morning." he kissed my cheek then sat on his usual spot.
"Wala kang pasok?"
Magulo pa ang buhok niya.
"May pasok." bored niyang sabi.
Tapos na rin siyang kumain kaya umakyat na rin siya agad para mag-ayos. Pagkatapos ko ring kumain ay nilinis ko na ang aming pinagkainanan.
Tumunog naman ang cellphone ko habang nakahiga sa sofa. Dahil masakit pa ang ulo ko. Hindi muna ako papasok. Shit!
Sigurado akong si Enia 'to. Pero nagkamali ako dahil sa marky'ng bading.
From:Bading
Message:
"Sis, sorry hehe." may peace sign pa na emoji. "Binigay ko IG mo kay Apollo, remember him?"Mabilis akong nagtipa ng ir-reply ko.
To: Bading
Message:
"'Yong lalaking ipinakilala mo sa 'kin kagabi? Oh, bakit daw?"Mabilis naman siyang nagreply.
From:Bading
Message:
"Makulit, e. Kaya binigay ko nalang. Mukhang tinamaan siya sa'yo, sis!"Pupusta ako naiihi na 'to sa sobrang kilig.
To:Bading
Message:
"Siraulo! Hiningi lang 'yong Instagram. Tinamaan na agad? Pakisabi pala kay Miss Buena hindi ako makakapasok ngayon. Masakit ulo ko:("Umaga lang naman ang pasok ko ngayon kaya mahaba-haba pa ang time ko para magpahinga bago makipagkita kay Roen mamaya.
From:Bading
Message:
"Inom pa! Noted, senyora!"
YOU ARE READING
Hili
JugendliteraturHelena, a young woman who constantly feels like she's never the choice. Cheated on her first boyfriend-her second boyfriend also cheated on her. Struggling with the feeling of always being an option in her relationships, friendships, and family, Hel...