Chapter 50

101 1 0
                                    

CHAPTER 50

Hotel

Hiningian ako ng statement sa nangyari sa hotel kanina ng isang babaeng pulis. Sabina knows that I'm not comfortable with men, especially older men. And they respected that.

I was scared to tell how Mr. Moore inappropriately touched me but I knew I needed to. To put him behind bars. Speaking up also means justice for myself. I want that and I need that. Kahit noong umpisa palang, noong dinala ako ni tito sa isang strip club sa Pasay. I knew I needed justice but I didn't know how to get one.

Kalahating oras lang kami ni Sabina sa presinto dahil alam niyang hindi ako kumportable. I can't face my perpetrator and I'm not comfortable with the presence of older men, even if they are law enforcers.

Parehas kaming hindi na nakapasok sa panghapon na klase. I feel bad because I lost one day of a chance to see Karim again. Pero ayaw ko ring abusuhin ang katawan ko. I wasn't in my right mind, too.

Now, I'm far from the syndicate. Pero nakakalimutan kong hindi lang pala sila ang mga pwedeng lumabag sa akin. Kahit saan man ako magpunta, mayroon pa rin. And I hate how the world runs like this. How terrible the system is and how fucked up the people's minds are.

Parang walang lugar kung saan malaya ang mga taong kagaya ko. Nakakatakot mabuhay sa mundong ganito. If you were violated, call the police and put the bad men in jail. Pero hindi natatapos doon. Dahil yung mga biktima, kaming mga biktima, nakaukit na sa aming puso, isip, at katawan ang nangyari. Habang buhay na bitbit namin ang masamang alaala na iyon.

We might get justice, but the traumas will remain in us. I guess that's the sad reality of life. Kalat ang mga taong masasama. Wala 'yon sa estado. Mahirap man o mayaman, may kakayahan pa ring gumawa ng masama.

Kinabukasan, noong ginising ako ni Sabina ay inaapoy ako ng lagnat. Gusto pa sana niya akong dalhin sa ospital pero nagpumilit akong dito na lang ako sa condo. She cooked for me, bought me medicines, and every hour, she'd check my temperature. Sa tabi ko rin siya natulog para mas mabantayan niya ako.

The next day, I told her to go to school. Ayaw niya akong iwanan dahil hindi pa raw bumubuti ang pakiramdam ko pero sinabi kong kailangan ding at least isa sa amin ay maka-attend ng mga klase para sa homework at sa mga lesson. Maybe she didn't want to stress me out kaya napilitan na ring pumasok para makampante ako. Maya't maya nga lang ang tawag sa akin.

Pagkatapos din ng insidenteng iyon ay sinubukan kong magresign kay Mr. Jones. Si Sabina ang nagbalita sa kanya sa nangyari at panay ang hingi niya ng tawad, pinapangakong aalisin niya na raw ang shares sa kompanya ni Mr. Moore dahil hindi rin niya nagustuhan iyon. I wanted to give him a second chance because he's a good employer to me. Nangako rin siyang tataasan niya ang pasahod sa akin kaya hindi ko rin ma-hindi-an.

I still want to believe that there are good people out there. Na hindi pagsasamantalahan ang pagiging babae at ang pagiging mahina ko.

I was mentally, emotionally, and physically exhausted. Puro tulog lang ang ginawa ko at sinisikap na makabangon para makakain naman. I don't want to put my body to my limits because I promised myself I wouldn't abuse it. I've been abused for years and I don't want to add to it.

Ako:
Happy birthday, baby. The last time I greeted you was when you were seventeen. Ngayon, twenty-two ka na. I'm sorry, ito yung unang bati ko sa'yo pagkatapos ng ilang taon. Pero kahit isang beses, hindi ko nakalimutan.

Ako:
Humihingi ulit ako ng tawad dahil may mga hindi ako natupad na wish mo noong sixteen ka. I'm truly sorry.

Nagpabili ako ng maliit na cake kay Sabina bago siya umuwi. Both of us celebrated Karim's twenty-second birthday even without him. No... tulad nga ng sabi niya noong umiyak ako sa kanya tungkol sa first death anniversary ni papa.

When the Beat Drops (Chasing Celestine #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon