February 25, 2023
Normal day, gawa ng plate sa steel and rcd. Afternoon pa lang around 2pm nandoon na kami ni Elise sa coffeshop, syempre sa una busy busy then after a while naghahanap na ako ng iba ko pang mapagttripan na mga bagay bagay. "Anya, i-chat mo nga si thirdy na install-an niya ako ng mdsolid" sabi ni Elise saakin. "Okay, sige." Sabi ko naman hahaha wala lang.
----ff-------- boring e
Thirdy valo tayo ano. Syempre hindi siya aangal, pero wala siya dalang laptop sadt. Habang busy kami sa mga ginagawa namin, may pumasok na sa likod. Bale kasi yung coffee i nasa 2nd floor then syempre aakyat ka ng hagdaan diba pag akyat mo kita ko na kaagad yung open space then sa unahan nun is yung door para nakapasok ka sa loob, yung unang madadaanan is kulob airconitioned siya pero glass wall then sa unahan may glass wall and door ka makikita yun daan papunta sa open space so doon kami nakatambay. So ayun na nga may pumasok si kuya Ace isa sa may ari ng coffee shop. Senior din namin pero nagstop kasi malay ko. Nagsigarilyo lang siya sa labas so syempre dahil sensitive ang ilong ko nagtakip ako and syempre nairita pero hindi makareklamo kasi may-ari siya so forda takip takip lang ng ilong. After nun umalis na siya, so nakaluwag liwag na si ate girl then, mga isang oras may pumasok na naman shet sa isip ko magsisigarilyo rin to. Hindi ko siya pinansin kahit nagfist bump sila ni thirdy sa harap ko kasi naiinis ako.
Mga ilang minuto pa nakaramdam na ako ng discomfort sa tiyan shet natatae na ako pero hindi pa tapos si Elise sa plate namin. "Elise, ano pa kulang mo? Tulungan na kita. Natatae na ako hahaha". "Lapit na rin 'to, nagrerecheck nalang din." So after ilang minutes, natapos din siya so ako madaling madali na talaga sa pagbaba. Btw may kotse si Thirdy kaya papahatid kami bwahaha kapal ng fes lang. So ako una nakababa mga ilang minuto pa sila sa taas tapos bigla ako tinawag hanep hindi pa raw ako nakabayad samantalang pagka order ko pa lang nagbayad na ako hindi nga ako sinuklian e. So syempre nagulat ako umakyat ako ulit para makausap yung bartender then shet bakit ngayon lang ako nakakita ng attractive na tao habang nakaupo sa may island bar walang ginagawa nakatingin lang saakin or ewan ko kung saan nakasuot ng red na longsleeve tapos pants and naka cap. Bakit mo ako nginitian? Inaakit mo ba ako? "Okay na po Ma'am pala, pasensya na po hindi ko napansin" sabi nung bartender. Hindi ko maalis tingin ko sa nilalang na yun. Pagbaba namin kinulit kulit ko na si Thirdy kung sino siya kaso hindi niya maalala pangalan.I never imagined na makikita kita doon. Hindi ko inexpect na ikaw na pala yung tao na hindi ko hinahanap, hindi ko hiniling na makita pa.
February 14, 2023
Hanggang ngayon kinukulit ko pa rin si Thirdy kung ano pangalan nun kung sino siya. Aha! Nalaman ko na senior pala namin siya tapos may connection siya doon sa coffee shop. "Itanong natin kay Ate A, baka kilala niya" sabi ni Thirdy. "Ayoko nga, nahihiya ako. Hindi rin kami close". "Ate A, may tanong daw si Anya sayo. Kilala mo raw po ba yung tao na matangkad, singkit na naga work or something sa SipUp coffee shop?" Tanong ni Thirdy. "Uhh, si Jastin?" Tanong ni ate A. "Hindi ko po alam e hindi ko alam pangalan pa". May pinakita na picture saakin si Ate A pero wala siya doon. So umalis siya saglit maya maya may pinakita na naman siya ulit " Siya ba 'yun?". "Oo, siya ata yun." Hindi pa ako sure haha kasi hindi ko rin natitigan ng maayos ang layo ng shot ha. "Ayy si Dave yan, hindi masyado sa socmed 'yan e." "Ah, ganun po ba? Salamat ate A.". " pa-regards daw sakanya ate A" biglang singit ni Thirdy. "Sige, sabihan ko siya pagnagkita kami" sagot naman ni ate A. Hindi ko alam ano mafefeel ko that time, kinikilig ako na naeexcite na kinakabahan.
Paguwi ko sinearch ko kaagad name niya sa lahat ng socmed yawa wala nga mga picture. Puro tagged sakanya mga shared post, wala ako mahanap na pictures niya. So ayun, every pasok hinahanap ko siya pero never ko man lang siya nakita.
_______FF__________
February 23, 2024Dito ko nalaman na kaklase ko pala siya sa isa kong subject hydraulics. Shemayy, na pressure ako bigla. Sinabi lang saakin ng friend ko na nasa gc siya ng block namin. Wala, walang special na nangyari neto hahaha.
February 28, 2023
Nagmissed call siya saakin 3 am binumped niya pa dalawang beses haha. Hays, ganun mo na ba ako kagusto makausap. Ems. So syempre pagkagising ko ganda kaagad ng bungad pangalan mo e, edi ganado si ante mo. Tinanong kita kung bakit po yun ang tagal bago mo magreply naman. Tapos sasabihin mo lang na napindot? Wow hindi halata. Dito na nagstart usapan natin. Dapat hindi talaga hahaba yun ewan ko ba, gusto ko rin kasi e. Nung una nagpapatulong pa ako ano sasabihi ko ganun, hindi ko makimkim yung nararamdaman ko ng mga time na yan kaya nagkkwento ako sa kaibigan ko syempre. Hanggang sa ayun parang naging daily gawain ko na i-chat ka, magpapansin sayo hahaha gantihan din kung gano katagal ka magreply pero syempre panalo ka pa rin. Hindi ko inexpect to, aabot tayo sa ganun okay naman na ako kahit makita ka lang.So simula nung nagkausap na tayo, lagi na rin kita nakikita hahaha ewan ko ba parang may magic lagi na tayo pinagtatagpo. Hanggang sa binigyan mo ako ng cheesecake nung nadoon kami sa coffee shop. Nakakahiya kasi andoon din mga friends ko and kakilala mo syempre. Hindi kita kinahiya nun, ako nahiya para sa sarili ko kasi feeling ko hindi ako kaaya aya tignan ba kasi hindi naman ako mahilig magayos. Tapos naglalaro pa ako nun, hindi kita napasalamatan kaagad. Nahiya rin ako kainin kasi ewan masyado akong ano sa sasabihin ng iba lalo ng mga kasamahan mo kaya shinare ko sa mga kasama ko.
After ng interaction natin nun medyo ginanahan ako magchat chat sayo Hahaha
Sorry kung pangit ako magkwento. Kung meron man nagbabasa, pasensya kana Hahaha.