[01] First Meet

4 0 0
                                    

Ano kayang mangyayari sa unang araw?

Magkaroon kaya ako ng mga kaibigan?

Sana maaayos at mababait ang mga magiging teacher at classmates ko ngayong school year.

Nagising ako sa malalim na pag-iisip nang mapagtanto kong nalalapit na ang unang araw ng pasok ko as senior highschool student sa isang kilalang paaralan sa Maynila. Sa Emilio Aguinaldo College o mas kilala bilang EAC (eyak), dito ako napunta dahil natanggal na ang senior high sa gusto kong paaralan.

Hindi naman ito sobrang layo mula sa amin, dalawang sakay lang at doon na mismo ang baba. Base sa mga nababasa at naririnig ko maganda raw ang paaralan na'to, private ito, air-conditioned ang rooms, maaayos ang facilities, at may sariling swimming pool. Hindi kalakihan, iba-iba at layo-layo ang mga buildings ng paaralan na ito. Hayyyy mukhang mapapagod ako rito.

Kinakabahan ako at nasasabik sa unang araw ng iskwela dahil panibagong environment ito para sa'kin at panibagong mga mukha ang aking makikita.

ABM ang aking kinuha o Accountancy, Business and Management. Hindi ko rin alam kung bakit ito ang pinili ko, dahil siguro ito ang kinuha ng kuya ko noon nung senior high sya? Wala rin akong ideya kung ano-anong trabaho ang makukuha ko matapos ko kunin itong track na'to. Pero tinuloy ko na at wala rin naman akong choice.

Andami ko ng sinasabi, it's time na to sleep para maaga rin akong magising. 6:30 kami kailangan bukas para sa unang pagkikita nang lahat. Goodnight :))

AUGUST 22, 2023
Ito na ang pinaka-hihintay ko, kasabay ko nga palang papasok sa unang araw ang matalik kong kaibigan na rito rin ninais mag-aral. Meet Pauleena Mary P. Navero o Pau. Classmates kami since grade 7 until grade 10, hindi na kami nagkahiwalay simula noon kaya naman sobrang lalim na ng pagkakaibigan naming dalawa.

Sabay kaming nag-enroll, sabay nag-submit ng mga requirements, sabay sa lahat. Pareho kaming nasasabik sa mga mangyayari at sa mga makikilala naming ibang tao.

"Te ito na ang simula, what if mangyari nga yung sinabi ko last time?" bigla kong banggit sa kanya.

JULY
"Paano kung sa senior high natin, dumating ang lalaking pinaka-hihintay ko? yung kahit may girlfriend eh magkakagusto ako at magkakagusto sa akin? to the point na susugurin ako ng girlfriend ganon HAHAHAHAHA" pabiro kong sabi kay Pau

Sinabunutan niya ako at pasigaw na sabi, "Gaga ka ba? Bakit naman ganyan yung gusto mong mangyari sa buhay mo? Hindi tayo ganyan!"

Ngingiti-ngiti nalang at napakamot sa aking ulo matapos marinig ang kanyang mga sinabi at pagbunganga sa akin.

BACK TO AUGUST 22
"Yan ka na naman te, tigilan mo nga, pag yan nangyari talaga sayo, tatawanan kita! Humanap ka na rin ng bago mong kaibigan!" Iniwan niya na ako at naunang pumasok at nagpacheck ng bag sa guard.

Natawa nalang ako sa naging reaksyon nya dahil napaka-seryoso nya eh nagbibiro lang naman ako, parang di nya naman ako kilalang napaka-mapagbiro akong tao.

Building E5-313 ang room ni Pau samantalang ako ay 413 naman, isang floor lang ang layo naming dalawa, kung nagtataka kayo bakit hindi kami magkaklase, STEM kasi ang kinuha nya, oo Science, Technology, Engineering and Mathematics. Matalino yan eh. Well, dalawa naman kami pero tingin ko mas matalino siya.

Naghiwalay na kami at dumiretso na ako sa kwarto namin. Pagdating ko doon ay may nakatayo sa labas ng pinto, lalaki, hindi matangkad at parang, wait, bading ata to!?

"Hello, dito ka rin?" tanong ko sa kanya. "Ah oo, 11 ABM 3?" sagot niya naman. "Ah yes, wala pang tao?" tanong ko ulit matapos makitang patay pa ang mga ilaw sa loob ng classroom at tanging siya palang ang nakikita kong nasa labas. Napaka-aga ko ata ah? Sorry excited lang.

Matapos ang ilang minutong paghihintay, dumating rin ang sa palagay ko ay ang adviser namin. Isang babae na hindi katangkaran, formal ang pananamit with a black coat and black pants, naka-bun ang buhok na syang napaka-linis tignan at bagay na bagay sa kanya. Palagay ko nasa mga 30years old na sya. At doon ko napagtanto na, iilan na rin pala kaming naghihintay na makapasok sa loob, ang iba nga lang ay naka-upo sa hallway kung saan may isang mahabang mesa at isang mahabang upuan.

Nagsipasok ang lahat at kanya-kanyang hanap ng upuan. Oo nga pala, may isa na akong kilala sa mga magiging kaklase ko, si Shelly, pinsan kasi siya ng dati kong classmate na super close namin ni mama ang family nila, kaya naman pati ang mama ni Shelly ay close rin talaga namin.

Pagkita niya sa akin ay agad siyang umupo sa tabi ko, sakto namang bakante ito na parang siya talaga ang hinihintay na umupo roon. "Hi, kamusta?" Agad ang bungad niya sa akin na parang napaka-tagal na naming magkakilala. Sinabi ko namang okay lang ako at medyo kinakabahan lang dahil wala na naman akong takas sa isa sa pinaka-kinatatakot ko, ang Introduce yourself.

Tinawanan niya ako at sinabihang kumalma dahil wala naman daw dapat ikabahala. Sa sinabi niyang iyon ay hindi sya nabigong pagaanin ang loob ko.

Unti-unti pa ring nagdadatingan ang iba pa naming mga kaklase habang hindi pa nagsisimula ang orientation.

"Okay, magandang umaga sa lahat mga anak! Ako si Binibining Rhea, ako po ay mula sa departamentong Filipino at ako ang inyong magiging adviser sa taong panuruan 2023-2024." Nagulat ako sa tagalog ng teacher namin na ito, sobrang lalim naman ata at halata ko na rin na Filipino subject namin siya. Cute si Miss at palagay ko'y makakasundo ng buong klase.

Sa mga mukhang nakikita ko ngayon, marami sa mga kaklase ko ang sa palagay ko'y hindi ko makakasundo, dahil na rin siguro sa takot ko sa mga mukha nila hahahaha joke. Pero mukha silang matatalino na hindi ko marereach at parang mayayaman na hindi ako makakasabay sa mga gastusan pagdating ng normal na klase.

Isa-isa na silang nagpapakilala at malapit na mapunta sa'kin ang ikot. Malakas na ang kabog ng dibdib ko kaya medyo huminga ako nang malalim para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

"Magandang Umaga po sa lahat, ako po si Blair Dabu, 16, nagmula po sa Mataas na Paaralang Lakan Dula na nakatira po sa Tondo Maynila." Umupo rin ako agad matapos kong magsalita. Simple lang akong babae. Hindi kagandahan, may mahaba at tuwid na kulay kayumangging buhok, medyo malaman ang pangangatawan, at 5'3 lamang ang height.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Heartstrings UnattachedWhere stories live. Discover now