Kabanata 7

0 0 0
                                    

A/N: Teka lang naguguluhan na rin ako sa story😭

Naguguluhan ako sa transition huhu. Enjoy.

"Ay 'te kailan mo sasagutin si Roen? Matagal ng nanliligaw sa'yo 'yon." si Enia binisita niya ako rito sa condo dahil boring daw sa kanila.

Yayayain niya pa sana akong uminom kami dyan sa malapit. Pero hindi na ako pumayag. The last time I drink alcohol hindi ko na talaga uulitin.

"He's willing to wait, Enia. Hindi naman ako nagmamadali sa relasyon namin. Basta gusto niya ako..."

At nagugustuhan ko na rin siya.

"Hindi sapat na nagugustuhan ka lang niya, Helena. Need niya rin ng assurance. You give him that?"

Umiling ako. Hindi ko pa binibigyan ng assurance ang relasyon namin kasi baka masaktan ko lang.

"Masaya naman kami. Hindi ko pa siya binibigyan ng kahit ano dahil gusto ko kapag sigurado na ako sa kanya ibibigay ko ang sarili ko ng buong-buo. Alam kong deserve niya rin ng pagmamahal ko."

Alam kong hindi ako maiintindihan ni Enia dahil noong naghiwalay sila ng ex niya palagi na siyang sumasama sa ibang lalaki. At ayokong maging ganoon dahil lamang nasaktan ako.

Ayokong gawin 'yong ginawa niya. Dahil kahit gaano pa ako nasaktan hindi pa rin maganda na ibabalik mo 'yong sakit na pinaramdam sayo ng taong minahal mo. Pero depende na rin siguro sa kung gaano kasakit.

Roen was a good person. Darating ang araw na maaamin ko rin sa kanya ang tunay kong nararamdaman sa ngayon siguro kilalanin muna namin ang isa't isa.

Napaigtad ako ng gising ng may boses akong narinig ginalaw pa ng bahagya ang braso ko. Mamungay-mungay pa ang mga mata ko.

"Ma'am andito na po tayo." Si Kuya Rey na malawak pa ang ngiti.

Bumaba na ako ng sasakyan at pumasok na sa loob. Naabutan ko sila Mommy at Daddy na nag-uusap. Hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-usapan nila.

"Ano ba ang nangyayari riyan sa anak mo Helen. Liliban na naman sa klase. Kausapin mo siya. Napaka irresponsable! Sinasayang niya lang ang perang pinambabayad na 'tin sa kanyang matrikula."

Hindi nila napansin ang pagpasok ko.

"Bibig mo, Arturo! Hindi mo alam ang pinagdadaanan ng anak mo. Masyado kang naka focus sa mga kamalian niya." tumaas ng bahagya ang boses ni Mommy.

Akala ko magiging okay ako pag-uwi sa bahay pero mukhang madadagdagan pa.

Hindi ko alam pero may tumulo na namang luha sa mga pisngi ko. Palagi nalang akong hindi sanay kapag nag-aaway sila Mommy.

"Ang hirap sa'yo kinukunsinti mo pa kaya lumalaking ganyan ang anak mo. Dahil kung anong gusto niya ibinibigay mo kaagad. For Pete's sake, Helen! Hayaan mo namang imulat rin sila sa totoong mundo dahil hindi habang buhay mamumuhay silang ganyan." hindi rin nagpatinag si Dad sa pakikipagtaasan ng boses.

Bumukas ang pinto at iniluwa si Kuya Rey. Napabaling doon ang atensyon nila Mommy kaya tumigil sila sa pagbabangayan.

Tumikhim pa si Dad at umakyat sa kanyang library. Si Mom ay nginitian lang ako pero may bahid na lungkot sa kanyang mukha.

HiliWhere stories live. Discover now