Chapter 4: An unexpected confession

9 2 0
                                    

“I like you. I don't know why but everytime I'm with you, I get this feeling that's unexplainable. I'm sorry if I didn't tell you about this in person, I don't know how but if you're reading this please tell me if you feel the same way.”

Matapos kong basahin ito ng mga ilang segundo. Agad agad akong pumunta sa bahay nila Kath. Tinignan ko kung may tao, “Tao po” Maya maya Nakita ko Ang nanay ni Kath. Sinabi niya sakin na pumunta raw Siya sa restaurant na malapit sa dagat.

10 minutes ang drive bago ako makadating, Pero nakita ko siya sa loob. May kasamang lalake...

As I walk through the tables, Palapit ng palapit nako sa kanilang dalawa. Sinabi ko kay Kath “Anong ginagawa mo dito?” “Ahh Yimiko wala to may pinaguusapan lang talaga-” Sagot ni Kath. Pero bago pa siya matapos sa sinasabi niya umalis nako.

Gulong gulo ako sa sitwasyon ko. Like Umamin siya tapos bigla bigla ko nalang malalaman na may ka date siya sa restaurant? Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyare
dahil hindi ko pinatapos
si Kath sa sasabihin niya sana saakin.

A few hours later, May naririnig akong kumakatok sa pinto. “Yimiko? pwede ba kita makausap?” Nakilala ko ang boses na narinig ko. “Kath.. sige pasok.” Pinaliwanag ni Kath ang lahat. pagkatapos nun pinakilala niya ako sa kasama niya sa restaurant. Siya si Tommy ang kababata niya. Ang sabi niya saakin magkaibigan daw ang tatay ni tommy at ang tatay niya. kaya naging magkaibigan sila noong bata pa sila. Nung tumagal tagal naging magkaibigan nadin kami ni Tommy, Mabait siya, Matalino, Tinutulungan niya pa nga ako sa Algebra noon. Kaya grabe talaga ang pagpapasalamat ko kay Tommy.

Ilang araw ang lumipas at nabalitaan ko na magkahiwalay na si Nathan at Ayanna. Pagkatapos kong mabalitaan yun biglang nag message si Ayanna saakin. Tinanong niya ako kung single pa rin ako. Hindi ko sinagot ang tanong niya dahil hindi ko parin siya napapatawad sa nagawa niya saakin.

Lunes nanaman, nakakatamad pumasok. Pero dahil good student tayo papasok parin siyempre, Kahit labag sa kalooban. Naglalakad lang ako sa hallway habang nag rereview
para sa quiz namin sa Filipino. Nakita ko si Franz sa upuan niya mukhang matamlay. Kaya tinanong ko sakanya “Ayos kalang ba?” Sabi niya maayos naman ang kalagayan niya kaya pinabayaan ko nalang. Nakita ko nalang si Ayanna na nakatingin saakin habang nag eexplain si sir kung paano sagutan ang quiz. After the quiz we had our lunch break, Kaya agad agad akong pumunta kay Kath para makipagkwentuhan.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unpredicted love - A Highschool LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon