Kabanata 9

1 0 0
                                    

A/N: Congrats! Nakaabot ka dito. Dahil dyan ito kiss. 😚😚😚






Hindi na ako nakakatanggap ng mensahe galing kay Apollo. Magmula ng sagutin ko si Roen.

Hindi ko alam kung busy lang ba siya sa school niya o iniiwasan niya lang ako. Ayoko naman mag-assume.

Magkatawagan kami ngayon ni Roen. Dahil wala na kaming time makipagkita.

["How's my baby, hmm?"]

Kinilig naman ako.

"Good. You? Miss me?" eh? kung alam ko lang na ganito pala mainlove sana maaga palang sinagot ko na siya.

Natawa siya sa kabilang linya. Miss ko na siya.

["Yeah, I miss you. No baby time."] malungkot siyang napabuntong-hininga.

"I miss you too. How's school? Baka iba na inaatubag mo ha." pagbibiro ko pa sa kanya.

["School lang talaga, babe. Maghahanap pa ba ako ng iba kung nahanap na kita. Gusto na kitang makita. Absent kaya ako?"]

Kung pwede lang sana.

"Sira! Nagkikita naman tayo ng Saturday. Ako rin naman gusto na kitang makita."

Nagpatuloy pa kami sa pakikipag-usap hanggang sa ako na rin mismo ang naunang nagpaalam dahil bibili ako ng kape sa twelve twenty-one namiss ko na ang kape nila.

Nag commute lang ako dahil ayaw akong ipag drive ni Heverick. Busy na naman sa paglalaro ng mobile games. Palagi nalang.

Sinabi ko rin kay Roen na pupunta ako doon. Pinipilit niya pa nga akong ipag drive ako rito. Pero pinigilan ko siya.

Pumasok ako ng coffee shop. Sinalubong ako ni Ruby 'yong staff. Tinanong pa niya ako bakit hindi ko raw kasama si Roen. Sabi ko busy sa school.

Like my usual order. Iced coffee and two slices of bread.

Naghintay ako sa bakanteng upuan. Wala naman masyadong customer kaya hindi gaano kabusy 'yong mga staff.

Inihahanda na ni Ruby ang order ko nang may pumasok. Tumunog kasi ang chimes hudyat na may customer na papasok.

Natigilan pa siya ng makita ako.

"S-sir Apollo kayo po pala." si Ruby natigilan din siya saglit at bumalik na sa ginagawa.

Speaking of...

Mabuti naman at nakita ko pa siya. Pagkatapos ng panggho-ghosting niya sa 'kin bigla nalang siyang lilitaw sa harap ko.

"Ikaw pala. Bakit hindi ka na nagme-message sa 'kin?" tanong ko sa kanya ng makalapit siya sa pwesto ko.

Shit. Am I sound desperate? Naka cross arm pa siya bago niya ako sinagot.

He's wearing a school uniform and bag pack on his back. Medyo magulo ang buhok pero bagay naman sa kanya. Badboy.

"I'm busy with school. Mukhang busy ka na rin kasi." in his baritone voice.

Hindi ko alam na ganito kalalim ang boses niya. Hindi ko kasi gaanong narinig noong una kami magkakakilala.

"Hindi naman ako masyadong busy."

"That's not what I see on your stories." sarcastic niyang sinabi.

Sa Instagram.. Napansin ko rin na palagi niyang viniview story ko.

Awkward akong natawa.

"Do you have a business today?"

Pag-iiba niya ng usapan hindi ko sinagot ang huli niyang sinabi. Umiling lang ako.

"P-pwede ba...kitang ayain kumain?" kabado niyang tanong.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Wala na ba siyang pasok?

"Wala ka na bang pasok? Mukha kasing kakagaling mo lang sa school." tiningnan niya rin ang suot.

"Wala na. May oras naman ako.. para sa 'yo." halos pabulong na ang huling sinabi.

Tumango ako. "Dito na lang sayang naman kasi 'yong in-order ko."

Pumayag siya. Sinabi ko na lang kay Ruby na dito ko na rin lang iinumin. Um-order na siya ng kanya.

Tahimik lamang kaming naghihintay sa order niya.

Nilabas ko ang phone at pinicturan ang binili ko.

"Mahilig ka sa photography 'no?" tanong niya sa 'kin.

Ngumiti naman ako. "Oo, nakakapagbigay kasi siya ng kasiyahan sa akin everytime I take a picture. Hobby!"

Dumating na rin ang order niya at sabay na rin kaming kumain. He ordered macchiato. Parehas sila ng hilig ni Roen.

"Parehas pala kayo ng boyfriend ko pagdating sa kape. He loves macchiato, too." tipid niya lang akong nginitian iniwas agad ang tingin sa labas.

Maganda ang panahon ngayon hindi gaanong maaraw.

"Can we take a picture?" binalik naman niya ang tingin sakin. "If you want too."

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Kinuhanan kami ni Ruby. Pagkatapos ay nagpasalamat siya sa 'kin. That was brief conversation.

Nang matapos kami ay umuwi na rin ako kaagad gusto niya pa sana akong ihatid pero tinanggihan ko. Ayoko naman makaabala pa lalo na't mukhang may pasok pa siya.

Papunta kami ngayon sa school nila sa sasakyan nila ako nakasakay ngayon. Walang ingay na namamagitan sa amin. Tanging mga busina lamang ng sasakyan ang naririnig sa paligid. Kahit ang driver nila ay walang lakas para magsalita.

Nanatili naman sa daan ang aking paningin. Pati rin naman siya. Wala pa kami closure sa isa't isa.

Sa kalagitnaan ng traffic. May tumawag sa kanya. Badtrip! Ngayon pa talaga na narito ako sa tabi niya. Ayoko namang maging bitter.

"I'm on my way, Maxine. Traffic lang. Alright... sige, bye."

Binaba niya na ang tawag pagkatapos.

"Wanna grab some coffee?" tanong niya sa 'kin pero umiling lang ako.

Sa dami ng araw ngayon pa talaga traffic.

Inilabas ko ang earpods ko habang nakikinig ng musika. Hindi niya na lang ako pinansin. Mabuti nalang at umuusad na kami ng kaunti.

As usual late na naman ako.. Hindi si Miss Buena ang guro ngayon dahil leave niya dahil may emergency sa kanila.

Si Mr. Alabama ang pumalit muna sa kanya panandalian. Nagsusulat siya sa board kaya hindi niya rin napansin ang pagdating namin.Naupo na kami sa pareho at nakinig lamang.

Nang magbreak time na ay tinext ako ni Enia. Pinapaalala sa 'kin iyong anniversary nila. Sa makalawa nang linggo.

Kulit! Sige na, ikaw na ang may healthy na relationship.

Paulit-ulit ko rin siyang pinapaalahanan na makakapunta ako. Nakabili na nga ako ng regalo.

Ngayon pa ba ako aatras? Ang mahal kaya ng pagkakabili ko. Sayang naman.

Pero pwede din ako nalang ang iinom. Hehe.






HiliWhere stories live. Discover now