One

1 0 0
                                    

"Ate? Sige na kasiii!" Pagpipilit sakin ng kapatid ko.

"Ayoko, Bri." Tanggi ko.

"Minsan lang to e, magpaghinga ka muna sa pag-aaral mo 'te, lagi ka na lang nag-aaral. Saka di ako papayagan ni Lolo kung di ka kasama. Sige na kasi pleaseee!" Dahilan nya pa.

"Brienna Coleen Lopez, marami akong gagawin!" Mahinahon kong sabi.

"Sige na kasi Ate Reianna Chelsea Lopez!" Pagpipilit nito sakin pero sinamaan ko lang sya ng tingin.

"Okay." Nakasimangot nitong sabi.

Napabuntong hininga ako. Bakit ba kasi hindi ko matiis to?

"Sige na. Anong oras ba?" Lumingon ito sakin ng may malawak na ngiti.

"Talaga?" Pagkukumpirma pa nito, tumango ako. "Mga 2:30 alis na tayo kasi maraming tao ang pupunta e, para sa harap tayo!" Masaya nitong sabi.




>>>>♡<<<<





"ATE!" Rinig kong sigaw sa baba.

"Pababa na!" Sagot ko na pasigaw.

Pagkatapos kong ilagay ang clip ko sa buhok ay bumaba na din ako dahil baka nag-aalburoto na si Bri sa baba.

"Saan kayo pupunta?" Sabi ng papalabas na si kuya Bryan sa kusina. May subo subo pa itong biscuit.

"Manonood daw ng banda si Bri." Sagot ko habang sinusuot ang sapatos ko. Nakatayo naman si Bri malapit sa pinto na tila ba inip na inip na.

"Eh ba't kasama ka?" Tanong pa nito.

Napabuntong hininga ako at nginuso si Bri. Tumawa si kuya at tumango tango.

"Antayin nyo ko, hatid ko na kayo." Tumango ako at tumayo.




>>>>♡<<<<




"Umuwi kayo agad ha." Paalala ni kuya.

"Mhm."

"Okie dokie!"




Bumaba na kami ni Bri sa motor ni kuya at pumasok sa venue.

"Part 'to ng university ah?" Sabi ko na parang patanong sa kanya.

"Uh-huh. Magpe-perform kasi ang mga kaklase ko tapos ang crush kong vocalist." Paliwanag nito habang tinatahak ang daan papasok sa stadium.

"Crush?" Takang tanong ko. Nakataas ang kilay ko kahit hindi nya to nakikita, nauuna kasi syang maglakad sakin.

Excited e.

"Oo, hehehe." Tawa pa nito. "Simple crush lang naman, paghanga!" Paliwanag pa nito.

"Sure ka dyan? Baka naman boyfriend?" Tanong ko pa. Sinisigurado lang.

"Ay si ate parang si Lolo, crush nga lang. Takot ko lang sa itak ni Lolo no. Saka nag-promise tayo kay Lola no'n diba?" Sabi pa nito.

Mahina akong tumawa. "Oo na lang."

Ikumpara daw ba kasi ako kay Lolo.

Nang tuluyan na kaming makapasok ay wala pang masyadong tao kaya sa harapan kami pumwesto.

Confirm, excited nga si Bri.

"Hi guys! Super aga nyo naman!" Masiglang bati ni Bri, sa tingin ko ay mga kaklase nya.

"Kailangan ng moral support ng aport nyo e! Kinakabahan sila Killo!" Sabi ng isang babae at lahat sila ay nagtawanan kasama na si Bri.

Out of place.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GuitarWhere stories live. Discover now