Ako si Angelo, galing ako sa pamilyang may kaya lang. May kaya lang itaguyod ang pang araw araw na pangangailangan. Hirap sa mga gastusin pero ang kaya nalang namin sabihin ng pamilya ko ay kakayanin nalang. Nasabi ko na ba na mahirap ang mahirapan? Puro reklamo at puro paghingi ng saklolo. Kami yun, hindi namin kaya ang mga bagay na kaya ng mayayaman. Kagaya ng pamilya ni Jenna, yung crush ko simula elementarya. Kaso sayang wala akong pag-asa sa kanya, malamang sa malamang hindi nagkakagusto yun sa mga may kaya lang. Kaya nilang hindi humingi ng tulong sa mga sektor ng Lokal na pamahalaan pero kami may paparating man na bagyo o wala, nagtitiyaga kaming humingi ng saklolo sa baranggay dito samin. Apat kasi kaming nag aaral at may pangangailangan kaya pumipila kami lagi para sa tulong na hindi pa minsan sigurado kung maiibigay saming mga may kaya lang sa buhay.
High school na ako at nararamdaman ko na hindi pala madali ang maging isang estudyante dito sa Pilipinas. Hindi totoo na libre na ang pag-aaral, may mga bagay pa din sa paaralan na kailangang gastusan. Hindi ko nga alam kung sasabihin ko ba kay mama na meron nanaman kaming ambagan para sa performance task namin. Sa aming mga may kaya lang, mas uunahin namin ang pagkain muna bago ibang bagay.
Pauwi na ako galing sa eskwelahan. Nakakagutom pero bente nalang ang laman ng maliit kong pitaka. Naiinggit nga ako sa mga kaklase ko, may nagyayaya lagi sa canteen, kada tapos ng klase at recess nagyayaya sila sa canteen. Isang daan ang baon ko kada araw pero hindi sumasapat. Sa panahon ngayon bente nalang ang isang daan, kakain lang ako sa canteen eh singkwenta agad ang mababawas. Kaya madalas tinapay nalang ang pinipili kong kainin o kaya naman kendi muna pang alis ng kalam ng sikmura. Ang hirap magtipid kung wala ka namang titipirin.Para makatipid sa pamasahe na pagdesisyunan ko nalang na maglakad pauwi nang may bumusina sa likod ko naramdaman kong tumigil ang kotse sa gilid ko.
"Oy Angelo" lumingon ako at nakita ang maganda at mabait na si Jenna nakasakay sa kotse nilang itim. Maganda yung kotse makintab pero mas maganda talaga si Jenna. "Oy jenna, magandang hapon po Mang Kanor"
"Magandang hapon din, bat ka naglalakad? Sumabay ka na kaya samin?" anyaya ni Mang Kanor, driver nila Jenna tito rin niya.
" Ah eh" "Oo nga Angelo sakay na, malayo pa yung satin, baka nagtitipid ka nanaman eh kwento sakin ni Kaleb eh madalas ka daw talaga maglakad para makatipid""Ah sige sige Jenna, Mang Kanor dito nalang po ako sa likod"
Sumakay nalang ako kasi dama ko na nagmamalasakit lang din si Jenna sa kalagayan ko. Naikwento na rin pala ni Kaleb sa kanya, ang daldal talaga nun. Si Kaleb eh kababata din namin pero mas madalas kaming magkasama kaysa kanila ni Jenna.Traffic noon nang biglang nagsalita si Jenna, "Grabe yung kaguluhan sa baranggay kahapon Tito Nor, andaming nag aagawan sa pabigay na 5k ni Kapitan eh kaliit naman ng pera na yun. Hindi pa aabot ng isang araw sa pamilya namin yun eh"
Tahimik lang ako, pagod na ako sa paglalakad para sagutin pa yung sinabi niya pero dahil sa sinabi niya biglang nawala yung pagkagusto ko sa kanya. Okay lang naman siguro na sabihin niya na grabe talaga ang kaguluhan sa baranggay kasi kahit hindi taga roon ay nakatanggap ng 5k kasi pamilya ng kapitan pero yung pagsasabi na maliit lang yun para sa pamilya nila ay parang hindi matanggap ng dukha kong damdamin.Nasaktan ako, hindi naman ako nag aasam na sana magkapantay kami pero sana man lang naiintindihan niya yung mga taong kagaya ko na may kaya lang. Nagkagusto pa man din ako sa kanya dahil maganda at lagi siyang kasama sa may honor sa klase namin pero mukhang hindi niya natutunan ang pag intindi sa mga nasasakupan niyang mahihirap.
"Maliit yun sa pamilya niyo pero hindi sa pamilya ng mahihirap Jenna"
"Ah ganun ba, pasensya ka na ah siguro kasi ang 5k samin eh madali lang makuha. Isang tawag lang kay daddy sa abroad eh nagpapadala na agad""Sa tingin ko hindi rin madali sa Daddy mo yung 5k na yan, diba nurse ang Daddy mo sa UK?"
"Hindi nga siguro pasensya na" may lungkot sa kanyang boses, siguro'y naisip niya din na mali yung sinabi niya"Pasensya na Angelo mali ata yung nasabi ko"
"Hindi, ayos lang yun" pero isip isip ko 'crush pa naman kita' "Mang Kanor pababa nalang po ako sa kanto bibili pa po ako ng ulam para sa mga kapatid ko"Dahang dahang tumigil ang sasakyan. Nagpasalamat ako at dahan dahan din akong lumayo sa sasakyan.Pati ang loob ko sa crush ko na si Jenna. Mahirap pala talaga pag mahirap, ang inosenteng pagsasabi lang ng damdamin ng mayayaman tungkol sa kawalan ng mahihirap na katulad ko ay nakakasakit na ng damdamin. Sana sa pagyaman ko ay hindi ko man lang masabi yung ganon sa mga kapwa ko mahirap. Ika nga ni Rizal, ang 'di lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan. Gusto ko pang makarating sa paroroonan na nais ko. Madami akong pangarap, madami akong gagawin para sa aking pamilya. Imbis na magmukmok aayusin ko nalang ang bentilador nila Jenna para naman may kita sayang naman ang mga natutunan ko kay papa. Nga pala paalam na. Siguro ito lang ang kaya ko palang na gawin ngayon ngunit mananatili akong nagtitiwala sa kakayanan na pinagkaloob sakin ng may kapal, kakayanang yumaman.
Nga pala, ako si Angelo, galing ako sa pamilyang may kaya lang. Mahirap pero hindi dapat 'nilalang'. May kaya pero may kahinaan. May crush akong mayaman pero mas nais ko na ngayon ay ang magpayaman. Hanggang sa Muli! Paalam.
- Dirtymatcha

YOU ARE READING
MAY KAYA
Short StoryIto ay paglalarawan sa pagkakaiba ng isang lalaking mahirap lang na si Angelo at ang kanyang napupusuang si Jenna. At kung paanong ang pagkakaiba sa estado ng dalawang tao ay nagiging dahilan ng pagsasalubong ng kanilang mga opinyon patutungkol sa p...