Chapter 6: Fake

9 2 0
                                    

Ano ang pag-uusapan namin?

I looked up to him. Tumitig ako sa kanya. "Ano po 'yon sir?" Kinakabahan kong tanong. Mas lalo akong kinabahan nang umigting ang kanyang panga.

He adjusted his tie as he cleared his throat. Napatingin ako sa likuran niya ng mapansin kong may palapit na tao para dumaan. Since we're on the way, my hands reacted automatically, and I held his arms mindlessly to get him out of the way.

Hindi ito umusog kaya natauhan ako. Mabilis pa sa alas singko na binawi ko ang aking kamay. Tumingin ako sa kanya, at ganun na lang ang aking paglunok ng kunot noo na itong nakatingin sa'kin. He stared down at me.

I clasped my hands together. "S-sorry," paghingi ko ng paumanhin sa kanya. "May dadaan kaya..."

Hindi nawala ang pagsalubong ng kanyang kilay. "The passageway is wide enough," he declared.

I pursed my lips. Nagawang dumaan ng babae sa gilid kaya nilamon ako ng hiya. It's not a skin to skin contact but he's furious about it. Siguro ayaw niya lang na hawakan siya.

Lumunok ako at napayuko ng bahagya. "Sorry," pag-ulit ko.

"You're apologizing for what?" He said it with annoyance.

Napakagat ako sa aking pag-ibabang labi. "Kasi hinawakan k-kita..." mahina kong saad.

I heard him breathe in sharply. "I'm not that shallow, Yori," he stated.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Tumingin ulit ako sa kanya.  "Uhm, ano pala 'yong pag-uusapan natin sir?" Balik kong tanong.

He licked his lips. "You left your black hair claw in my car," he informed me.

Kilay ko na naman ang nagsalubong ngayon. Kahapon ko pa 'yon hinahanap. Sa lahat ng pwedeng pagtaguan non, sasakyan pa nito.

"Naku sir, pasensya na. Hindi ko n-napansin na nahulog pala sa bag ko," paliwanag ko.

His jaw clenches harder. "It was broken."

My lips parted. Kaya naman pala nahulog dahil nasira.

"Come with me and get it," he said, then turned his back.

Kumurap-kurap ako tsaka ako sumunod sa kanya. Hindi mabilis ang kanyang mga lakad kaya nagawa kong makasabay sa kanya kahit papaano. Nakasunod lamang ako hanggang sa narating namin ang parking lot. Nang nasa tapat na kami ng kanyang kotse, pinatunog niya ito.

He opened the passenger seat before he looked at me. Lumapit ako at sinuri ang loob. Then I saw my claw in the passenger seat. Sumulyap muna ulit ako sa kanya upang ipagpaalam na kukunin ko na. Hindi siya nagsalita at mariin lamang akong tiningnan.

I bend my body slowly and took the claw. Natagalan pa ako sa pagkuha sa isang nahating claw dahil bumaon iyon sa sulok. Siguro kung makikita 'to ng girlfriend niya, tiyak ay malaking gulo 'yon. He could have thrown this by himself, but he didn't. I'm glad he didn't. Baka isang buwan ko itong hahanapin sa bahay.

Tahimik na inilagay ko 'yon sa shoulder bag. "Pasensya na sa abala. Salamat..." sabi ko pagkatapos niyang isara ang kotse.

He stared at me for a second before he closed the distance between us. Gusto kong umatras pero hindi ko magawa. Sobrang lapit niya sa'kin sa puntong amoy na amoy ko siya. Halos mapapikit sa ako sa napakabango niyang amoy.

Bewitching ScarsWhere stories live. Discover now