A/N: Naubusan ako ng load hehe.
Pagkatapos ng exam dederetso na ako kaagad sa bar kung saan gaganapin ang anniversary nila Enia.
Tinext pa ako ni Marky. Tinatanong kung sino raw maghahatid sa'kin mamaya. Sabi ko naman ay magpapahatid ako kay Kuya Rey.
Unang araw ng exam at Math kaagad. Mukhang maaga mapapasabak ang brain cells ko sa dami ng solving. Shit.
Sa dami ng inaral ko kagabi parang walang may pumapasok sa utak ko. Inaantok pa ako.
Tinapos ko nalang ang pags-solve. Sumunod naman kaagad ang ilang subject.
Mabilis na tumakbo ang oras kaya ng natapos na kami sa lahat ng exam ay inayos ko na ang mga gamit ko. Nagmamadaling umuwi dahil mag-aayos pa ako mamaya.
Hindi pa nga ako nakapagpaalam kay Daddy. Bahala na si Batman.
"Pupunta ka rin ba mamaya? Nasabi kasi ni Marky." tungkol sa anibersaryo nila Enia.
Tipid lang akong tumango. So ibig sabihin niyan pupunta rin siya?
"Sinong maghahatid sa 'yo?" tanong niya sa 'kin ng hindi ko siya sinagot.
Ano bang pakealam nito kung sinong maghahatid sa 'kin.
"Kuya Rey." tipid ko namang sagot.
Tinitipid ko talaga. Mahal kasi laway ko.
Tumango siya. "See you there." confirmed pupunta nga siya.
Hindi na lang kaya ako pupunta? Siguro naman maiintindihan ako ni Enia. Pero nangako ako sa kanya. Pwede namang bawiin 'yon, 'diba? Pero ayoko namang sirain ang araw na 'to dahil lang sa kanya.
Bakit ba apektado pa rin ako sa presenya niya? Siya nga hindi, dapat ako rin.
Matagal bago ako nakapagdesisyon. Nakarating na kami sa mansyon ng sinundo ako ni Kuya Rey.
Nakatitig lamang sa 'kin si Heverick habang nakaupo sa dulo ng sofa.
"What's bothering you, sis?" tanong niya dahil hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.
"Nagtext nga pala sakin si Jhash. Tinatanong kung makakapunta ka pa raw." matalim ko siyang tinignan
So they kept on texting pa rin, ha.
"Sabihin mo riyan sa kaibigan mong manloloko. Wala siyang pakealam kung makakapunta man ako o hindi."
Nagngiting-aso naman siya. "Okay."
Umakyat na ako ng kwarto. Dahil walang matinong sasabihin sakin ang kapatid ko.
Thank God! Nasa business trip sila Mom and Dad kaya malaya akong gawin ang gusto ko ngayon. Sumama sila kay Tito Anton sa Singapore kasi may aasikasuhin raw sila doon na mga papeles hindi ko naman alam kung ano iyon.
Wala naman akong alam sa business. Hindi naman business ang kinuha kong course tourism naman.
Nakahanap na ako ng susuotin pagkatapos ay nag-ayos na rin.
Wearing a bralette halter paired with boyfriend jeans and black boots. I also added some jewelry and applied light makeup to my face.
Sinabihan ko na rin si Kuya Rey kanina na magpapahatid ako sa Molbit bar sa Makati doon sa dati rin na pinupuntahan namin kapag gusto naming uminom.
Medyo malamig doon kaya nagdala ako ng pantapis ko sa katawan ko para mamaya.
Tiningnan ako ni Heverick mula ulo hanggang paa ng mapansin niya ang suot ko.

YOU ARE READING
Hili
Teen FictionHelena, a young woman who constantly feels like she's never the choice. Cheated on her first boyfriend-her second boyfriend also cheated on her. Struggling with the feeling of always being an option in her relationships, friendships, and family, Hel...