Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Apollo hindi na muling nasundan pa. Bumalik na ako sa pwesto namin at sinimulan na ulit uminom. Katabi ko pa rin si Roen.
Walang magawa ang mga matang nakatitig sa 'kin ni Apollo. Mamatay ka riyan kakatitig. Wala akong pakealam.
Nag-uusap rin kami minsan ni Roen. Pero hindi ko maiwasang mailang dahil sa mga pares ng mata na nakatitig sa 'kin.
Kanina ka pa! Kapag ako nainis. Inirapan ko siya.
Ala una na ng madaling araw ng matapos at nagkayayaan ng umuwi. Kanina pa nakauwi si Andy at Roxan. Nagpaiwan ng kaunti si Marky at sumunod rin na umuwi.
Kami na lang nila Roen, Enia at Luel ang natitira at ang ibang mga kaibigan ng dalawa. Pati na rin itong hindi ko kilala.
It-text ko sana si Kuya Rey pero baka tulog na 'yon at madaling araw na. Kaya naisipan kong magta taxi na lang.
"Sabay ka na sa 'kin" pagi-insist ni Roen sa akin.
"Hindi na." pagtanggi ko.
Nakakahiya naman.
"Sige na, madadaanan lang naman 'yon sa inyo. Mukhang wala ka na ring masakyan."
"Sumabay ka na kay Roen, besh." si Enia inaalalayan na ngayon ni Luel dahil kunti nalang ay matutumba na siya.
"Ako na p're." nakisali pa si Apollo sa 'min.
Ayoko nga!
"No it's okay! Kaya ko ang sarili ko. Mauuna na ako." pagpapaalam ko doon sa dalawa.
Pero hindi naman tumigil ang dalawa.
"Delikado sa daan, Helena! Lalo na't ganyan pa ang suot mo. Mukhang wala na ring taxi." pamimilit ni Apollo.
"Oo nga, besh. Sumabay ka na." kahit nawawala na sa wisyo ay nagawa niya pa rin akong pagsabihan.
Sasabay ako pero hindi sa kanya.
"Sa'yo na lang ako sasabay, Roen." baling ko kay Roen lumiwanag naman ang kanyang mukha.
Mas gusto ko na lang kay Roen sasabay kaysa sa manloloko na 'to.
"Ang tigas-tigas pa rin talaga ng ulo mo. Ang sarap punitin 'yan suot mo!" nagulat ako sa sinabi ni Apollo. Malalim ang pagkakakunot ng noo niya.
Pakealam niya ba sa suot ko. Kanina pa 'to, ha.
"May problema ba tayo sa suot ko, Apollo? For your information I can wear whatever I want!." naiinis ko ng sabi.
"Kaya ka nababastos, e dahil hindi ka marunong pumili ng isusuot mo!" panenermon niya.
"Wala nakakabastos sa suot ko kung walang bastos, Apollo. Dyan ka na nga. Tara na Roen!" pag-aya ko don sa isa.
Papasok na sana ako sa kotse ni Roen ng buhatin ako bigla ni Apollo. Yung buhat na kapag nagbubuhat ng isang sakong bigas.
"Kaibigan ko Apollo!" si Enia pero pinigilan siya ni Luel at sumakay na rin sila ng kotse nila nagpaalam sila sa amin at umalis na.
Walanghiya iniwan ako.
Si Roen naman ay nanatiling pinagmamasdan kami. Napapailing pa.
"Tangina! Ibaba mo ako ngayon din, Apollo!" pagpupumiglas ko.
"Not until maiuwi kita sa inyo." pagmamatigas niya rin.
Ano? Nasisiraan na ba siya ng bait? Uuwi kami ng buhat-buhat niya ako ng ganito? Bobo! Syempre ibababa niya ako sa kotse.
Sinuntok-suntok ko pa ang likuran niya pero hindi siya nagpaawat at dere-deretso niya lang akong pinaupo sa shotgun seat at nilock ang pinto. Narinig ko pang nagpaalam siya kay Roen at sumakay na sa driver seat at pinaandar na iyon.
May kinuha siya sa likod ng upuan at binigay sa 'kin ang isang bomber jacket. Tiningnan ko lamang iyon.
"Isusuot mo o ako pa ang magsusuot sa 'yo? Mamili ka. Ibaba mo nga 'yang suot mo kulang na lang sumilip pati kaluluwa mo. Bakit ganyan kasi suot mo. Naiinis ako." ang madilim niyang mga mata'y nakatitig lang sa daan. Pero ramdam ko ang awtoridad sa tono ng boses niya
Nakabusangot kong hinablot sa kamay niya iyon at sinuot.
Naramdaman ko ang sikmura kong babaliktad. Shit. Masusuka ako!
"Stop the car!" sabi ko at madilim niya lang akong tinitigan.
"I said stop the car! God dammit! Nasusuka ako!" sabi ko sa kanya at hininto niya naman kaagad sa gilid ng highway.
"Napapala ng kakainom!" sermon niya sa akin habang hinahaplos ang likuran ko.
"Pakealam mo? Palagi ka na lang nangingialam sa buhay ko!"
"Queit baby! Ikaw na ang mabaho ang hininga ngayon." pagbibiro niya sa akin.
Hindi ko na lang pinansin ang biro niya at nagpatuloy sa pagsusuka. Pakiramdam ko nailabas ko na lahat ng kinain ko magmula kaninang umaga. May exam pa kami bukas. Shit!
Inaabutan niya pa ako ng pamunas at water bottle na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Inilagay niya iyong mga takas kong buhok sa likuran ng tainga ko dahil sumasagabal sa mukha ko.
"Salamat." sabi ko sa kanya ng makarating kami ng condo. Umalis na rin siya kaagad ng masiguro niyang nakapasok na ako sa loob ng unit.
Pakiramdam ko talaga sasakit ang ulo ko neto bukas. Mabuti na lang at hapon pa ang exam.
Tanging ilaw na lamang sa sala ang naabutan ko. Tulog na ang mga kasama ko sa bahay. Dumeretso ako kaagad ng kwarto ko at naligo.
Kinabukasan. Marami akong mensaheng natanggap kay Enia at may text pa galing sa unregistered number.
From:Enia
Message:
"Grabe ka talaga girl. Paano mo nakakayanan 'yon, ha?"Patibayan lang ng loob. Nasundan pa ulit ng isa pa.
From:Enia
Message:
"Abot hanggang dito ang buhok mo girl. Sa sobrang haba."Nagtype ako ng mensahe sa kanya. Binuksan naman 'yong isa.
From: UNREGISTERED NUMBER
Message:
"Good morning. Uminom ka ng tea. Good for hangover. See you later:)Hindi ko na lang pinansin iyon dahil hindi ko naman kilala kung sino 'yon.
Inayos ko ang kama ko at naligo. Pagkatapos ay bumaba na rin. Plano kong mag-aral ngayong umaga para sa panghapon kong exam mamaya.
Hindi ko na naman naabutan si Heverick dahil sabi ni Merdita maaga raw siyang umalis kasi maaga ang schedule nila.
Kaya ending mag-isa akong kumakain ngayon sa dining.
"Ma'am may hinatid nga pala si sir Apollo kanina. Sabi niya raw po inumin niyo. Good for hangover daw." sabi ni Merdita na abala sa kusina.
Tiningnan ko naman 'yong isang baso na may laman. Inamoy ko naman 'yon baka kasi lason. Chamomile tea. Nang makumpira ininom ko naman kahit papaano ay guminhawa ang pakiramdam ko.
Last ko na talaga na inom 'yon. Nakakahiya talaga ang ginawa ko kagabi.
Pinahinto ko pa talaga ang sasakyan para lang masuka. Eww.

YOU ARE READING
Hili
Teen FictionHelena, a young woman who constantly feels like she's never the choice. Cheated on her first boyfriend-her second boyfriend also cheated on her. Struggling with the feeling of always being an option in her relationships, friendships, and family, Hel...