~Chapter 1
Troy's POV
Aray! Ang sakit na ng katawan ko. Ahhh.. grabe.
"Hayaan mo na yan Pre. Lampa naman yang isang yan e." Dinig kong sabi nung payat na matangkad.
"Sa susunod, wag kang haharang-harang sa daraanan ha?!" Sigaw ni Jorens saka ako sinipa sa hita. Nakakarami na 'tong isang to ah. Narinig kong nagsara yung pinto, wala na yata sila. Buti naman.
Si Jorens Villacorta pala, bully sa school. Sira ulo, basag-ulo, playboy, maniac, mapanakit, loko-loko, lahat-lahat na yata ng kasamaan nasa kanya na. Kaya kalabanin mo na lahat, wag lang siya. Hindi naman sa sobrang laki ng katawan o kaya sobrang lakas niya manapak. Mayaman kasi at marami lang source yan dito sa school. Bukod sa principal ang Papa niya dito, Tita niya ang guidance counsellor, e sila may ari ng school. Ano? Laban pa?
Hindi naman talaga ko mapupunta sa sitwasyon na 'to kung hindi dahil sa katangahan ko e.
(Flashback)
Tae! 3 minutes na lang, late na ko! E sa dulo pa naman yung classroom namin. Kung bakit kasi kay laki ng school na 'to! Aish.
Tumatakbo na ko, ayaw na ayaw kong ma-late sa first period. At ayaw na ayaw kong mapatayo sa buong oras ng klase. Ayos lang pagpawisan at bumaho kakatakbo, wag lang ma-late!
Hinihingal na ko pero hindi pa rin ako tumitigil kaka-takbo. Isang liko na lang sa kanang pathway.. at ayun.
"Aray! Tae." Yung pwet ko, ang sakit! Aww.
Tinignan ko kung bakit ako natumba at napa-upo, may nabunggo pala ko! At sa minamalas ka nga naman..
Si Jorens pa sa pagkakataon na 'to. Swerte grabe. Kung hindi niyo man maitatanong, hindi dapat kinakalaban ang isang 'to. Sinimulan na kong kabahan, lalo na ng makita kong natapon pa yung inumin niya sa uniform niya. Uh-oh!
Hindi agad ako nakatayo at natakbo kaya naman pinakaladkad na niya ko sa dalawa niyang kawal papunta sa mabahong public CR. Malas naman oh.
Pumasok kami sa pinaka-mabahong public CR dito sa school at ayun nga.
"Sige mga Tol, turuan ng leksyon."
(End of flashback)
At yun, kaya ako nagdurusa ngayon.
Tumayo akong sakit na sakit ang katawan. Ang dumi ko na rin pala. Buti na lang may extra shirt ako dito sa bag. Ang problema nga lang, late ako sa first period! Tae, ang higpit pa naman ni Ma'am Roque. Bahala na nga si Batman.
Pagkatapos kong magbihis, lumabas na ko sa ubod ng baho at duming CR. Ang sakit pa rin ng buong katawan ko, kaya paika-ika ako maglakad. Ang payat ko na nga, binugbog pa ako.
Tiniis ko na lang ang sakit ng paa ko at pilit na tumakbo papuntang classroom namin na nasa dulo pa ng school.
Yes! Umabot pa ko sa first period.
Naka-ngiti na sana akong papasok ng room ng biglang lumabas si Ma'am Roque. Patay!
"Good morning.. Ma'am?" Hindi ko alam kung ngingiti ba ko o kakabahan ng todo dahil mukhang tapos na ang first period.
Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. Oh patay, hindi ko gusto ang tingin na yan.
"Tomorrow, I want you to stand at the back of your classroom in the whole time of our discussion. And because your absent on my subjet today, minus 20 on your score for our upcoming long quiz next week. Is it clear?" Masungit niyang sabi na para bang napakabigat ng kasalanan kong nagawa. Oh please, wag naman o. Ang laking kawalan ng minus 20!
BINABASA MO ANG
Blood Blonde
Misterio / Suspenso"Pagbabayaran niyo lahat ng mga ginawa niyo. Wag na kayong magtago pa... . . . . Wala rin kayong mapupuntahan." . .