Someone's Pov
Lumipas ang ilang linggo bago nila nakitang muli si Jetpherson.
"Bat hindi ka pumasok ng ilang linggo?" Tanong ng nakararami sa kaniya ngunit hindi ito sumagot. May kakaiba sa mga ikinikilos niya at malamang kasalanan ito ng eskuwelahang ito.
Si Sam at Gab ay nabigla at hindi makapaniwalang makita si Jetpherson.
"Jet...ikaw ba talaga yan?" Nagtatakot na tanong ni Dustine at hinawakan ito. Biglang dumilim ang mga mata nito at sinamaan ng tingin si Dustine dahilan upang mapabitaw ito.
Bigla na lamang sinapak ni Sam si Jet. Kaagad naman siyang pinigilan ng mga kamag-aral.
"Sam! Bat mo ginawa yon?!" Sigaw ni Merlinda.
"Hindi ikaw si Jet! Sino ka!?" Sigaw ni Sam kay Jet habang pinipilit kumawala sa hawak ng mga kaklase niya.
"Anong sinasabi mo? Ako to si Jet, sino pa ba?" Tanong pabalik ni Jetpherson at bahagyang ngumisi.
"Wag mokong lokohin! Patay na si Jet!" Nagulat ang lahat nang isigaw ito ni Sam.
"Ano bang sinasabi mo Sam? Nababaliw kana ba?" Sabat naman ni Karl.
"Ayan si Jet na sa harapan mo." Dagdag pa ni Shane.
"Hindi niyo ako na iintindihan! Nakita kong namatay si—"
"Anong. Nangyayari. Dito." Madiing tanong ni Ma'am Shiela, ang head ng discipline office. Walang sumagot kaya naman nagtanong itong muli. "Sino ang president?" Nag taas naman ng kamay si Merlinda at sumagot.
"Bigla na lang pong sinuntok ni Sam si Jet..." Takot na sagot ni Merlinda dito.
"Sam, we need to talk." Lumabas si Sam at Ma'am Shiela upang mag-usap.
Pag balik ni Sam ay namumutla din ito kagaya ng nangyari kay Chesvin. Dito na nakahalata ang mga estudyante na may kakaiba ngang nangyayari sa paaralang ito dahil ang dating palabiro at pala tawang si Sam ay tila wala sa kanyang sarili.
Pana'y ang tanong ng mga kaklase niya sa kanya tungkol sa napag-usapan nilang dalawa ngunit wala itong lakas sumagot.
"Ano ba?! Bat hindi niyo masabi samin kung tungkol saan yung pinag-usapan niyo?! Section natin yung nakasalalay dito!" Sigaw ni Melo at natahimik ang lahat.
"Kaya nga! Sabihin niyo samin para alam namin ang mga nangyayari!" Dagdag ni Merlinda at nagkagulo na ang klase. Pumasok si sir Marky at natahimik muli ang lahat.
"Ano B6? Hindi kayo titigil?" Seryosong tanong nito. "Kahit na adviser niyo ako hindi ako magdadalawang isip na bawasan ang puntos ninyo. Alam niyo ba ang mangyayari pag naging zero ang points niyo?" Umiling ang mga estudyante. "Lahat kayo ay ipapadala sa provincial branch at dun kayo mag-aaral buong summer. Gusto niyo bang malayo sa mga pamilya niyo?" Seryosong tanong nito.
"Pero sir hindi niyo pwedeng gawin yon ng walang permission namin o ng mga magulang namin." Sagot ni Charmaine.
"Diba may pinirmahan kayo? Nakasulat yon doon at pinirmahan din iyon ng mga magulang niyo." Sagot niya at nagulat ang lahat. "Pakalmahin niyo muna ang mga sarili niyo, hindi muna ako mag tuturo ngayon." Dagdag niya at lumabas.
"Makinig kayo! Simula ngayon wala nang gagawa ng anumang kalokohan kung ayaw niyong mapunta tayong lahat sa lugar na hindi natin alam!" Sigaw ni Ralph at sumang-ayon ang lahat.
"Chesvin at Sam, anong sinabi sa inyo? Bakit hindi niya masabi sa amin." Tanong uli ni Merlinda sa kanila ngunit mahinahon na.
Kumuha ng papel si Sam at nag sulat. Lumapit sila upang tignan ito.
"Mamamatay ang pamilya namin pag sinabi namin."
Nagulat ang lahat sa nabasa nila.
"Anong klaseng eskuwelahan to?!" Sigaw ni John.
Si Jet ay tahimik lamang na nanonood sa likuran. Kinuha nito ang cellphone at may ti-next bago ito lumabas.
"Nanganganib na kayo." Isip ko. Kailangan na nilang umalis sa eskuwelahan na ito kung ayaw nilang mamatay. Kailangan ko silang tulungan.
Biglang namatay ang ilaw sa kanilang room. Lumapit ako sa mic at nagsalita at siniguradong sila lang ang makakarinig nito.
"I lock niyo ang pintuan." Sabi ko.
"Sino yon?" Nagkagulo sila.
"Basta gawin niyo na lang, tutulungan ko kayo." Sagot ko at ini-lock nila ang pinto.
"Sino ka?" Tanong nila.
"Dati akong estudyante kagaya niyo, mula sa B6. Kailangan niyo nang umalis dito! Isa-isa kayong mamamatay kung mananatili pa kayo sa impiyernong ito!"
"Bat ka naman namin paniniwalaan!?"
"Gaya ng sinabi ko dati akong estudyante dito at alam ko na lahat ng mga katarantaduhang ginagawa nila dito! Kung gusto niyo mabuhay a-ay—" Bigla na lamang nag glitch ang mic at bumalik na ang ilaw.
"Tangina! Ano ba talagang nangyayari dito!?" Rinig kong reklamo nila mula sa cctv.
Pinapanood ko kayo. Wag kayong mag-alala dahil ililigtas ko kayong lahat. Para sa lahat ng namatay kong kaibigan, guro at mga magulang nilang wala namang kasalanan. Ililigtas ko kayo.
Merlinda's Pov
"Kung totoo nga ang sinasabi niya...kailangang may gawin tayo." Sabi ko at nakinig naman sila. "Kailangan natin ng impormasyon tungkol sa eskuwelahang ito. May kilala ba kayong iba pang dating estudyante na dito? O kahit anong impormasyon na makakatulong satin?" Tanong niya ngunit walang sumagot.
Nag taas ng kamay si Jezy.
"Yung kuya ko dati siyang nag-aral dito..."
"Talaga? Baka pwede namin siyang makausap." Sagot ni Marzetti.
"Hindi pwede, patay na siya." Natahimik ang lahat sa sagot niya. "Ayaw ng mga magulang ko na dito ako mag-aral dahil sa nangyari pero gusto kong malaman kung bakit siya namatay." Dagdag pa niya.
"Hindi niyo ba sinumbong sa mga pulis?"
"Ang sabi ng mga pulis suicide daw...kilala ko si kuya, di niya magagawa yon!" Sagot niya.
"Sinong gustong pumunta sa library mamaya para maghanap ng impormasyon?" Tanong ko at may tatlong nagtaas ng kamay. Si Jezy, Karl at si Shane. "Hindi madali ang gagawin niyo at may chance na maging mapanganib, sigurado ba kayo?" Tanong kong muli at tumango naman sila.
Nagpapaulit-ulit sa utak ko ang sinabi kanina ng babae. Paano kung mamamatay talaga kami dito? At ang sinabi ni Sam na mamamatay ang mga magulang niya pag nagsalita siya? Pwede ko ba siyang pagkatiwalaan?
"Nasan si Jet?" Tanong ko at natahimik ang lahat.
BINABASA MO ANG
B6 11 - Unang Taon
Ficção CientíficaTungkol sa mga mag aaral ng isang seksyon, mula sa B6 11. Tunghayan ang kanilang kakaiba at nakakakilabot na unang taon sa isang paaralan na madaming sikretong kailangang ibunyag. Paano sila makakatakas? Sinong kailangang takbuhan? At sino ang matat...