Chapter 1

1K 8 0
                                    

HUMIMPIL sa tapat ng Sophia's Restaurant and Pasalubong ang isang aircon bus. Bumaba ang driver at konduktor kasunod ang mga pasahero. Sa counter, awtomatikong ngumiti si Julia nang pumasok ang mga kostumer, habang ang tiyahing si Sophia na nakaupo sa harap ng kaha ay walang kangiting-­‐‑ngiting inayos ang suot na de-­‐‑gradong salamin sa mga mata.

Nasa tabi ng highway na nasasakupan ng San Miguel Bulacan ang Sophia's, isang katamtamang laking restaurant na yari sa kawayan at nipa. Humigit-­‐‑kumulang sa labindalawang mesang animan ang maayos na nakahanay sa magkabilang panig niyon. Sadyang mayroong espasyo sa gitna, sa makapasok ng pinto patungo sa counter, upang maiwasan ang pagsisiksikan.

Ang restaurant ay minana ni Sophia sa mga magulang anim na taon na buhat nang mamatay ang ama. Mula noon ay hindi na ito naipa-­‐‑renovate ng babae dahil sa kakapusan ng pera. Naging matumal ang negosyo nang magkaroon ng maraming kakom-­‐‑petensiya. Parang kabuteng nagsulputan ang mga restaurant sa tabi ng highway, at napag-­‐‑iwanan ang Sophia's sa pag-­‐‑unlad ng mga ito.

Biglang-­‐‑bigla, kumonti ang mga bus na humihinto sa tapat ng restaurant. Malaki ang nabawas sa mga kostumer na dating pinagsisilbihan nila. Gustong matikman ang bago, pati ang mga driver at konduktor na loyal sa kanila ay paminsan-­‐‑minsan na lamang kung huminto sa tapat ng Sophia's.

Ngunit hindi masisisi ni Julia ang mga ito. Luma na ang restaurant, at kung hindi lamang napapanatiling malinis sa lahat ng sandali bukod sa masasarap at murang pagkaing iniaalok nila, hindi nakapagtataka kung isang araw ay tuluyan nang maubos ang mga parukyano. At ang kanyang Tiya Sophia, hindi na makangiti'y ipinagbabawal pa sa mga tindera ang pagiging makarinyo. At kung istrikto ito sa mga tauhan ay lalo na sa kanya.

Gusto niyang unawain ang pagiging masungit ng dati'y mabait at tahimik na tiyahin. Alam niyang malaki ang problemang kinakaharap nito. Nang magkasakit nang malubha ang kanyang Lola Catalina noong isang taon ay naubos ang halagang naitatabi nitong pang-­‐‑agapay sa negosyo. Bukod pa roon, nasangla sa bangko ang lupang kinatitirikan ng lumang bahay-­‐‑Kastila ng mga Tolentino sa San Vicente. At sa pagkakaalam niya'y ilang buwan na itong hindi nakapagbabayad ng interes sa bangko dahil sa matumal na ang pasok ng pera'y muli pang nagkasakit ang kanyang lola.

Ngunit kung minsan ay hindi na rin niya kayang unawain si Sophia, lalo pa kapag sumisigaw na ito sa mga tauhan sa harap ng mga kostumer. At kung hindi lamang sa taimtim na pakiusap niya'y matagal nang lumayas ang mga ito. Sa hinaing ng mga tauhan sa ugali ni Sophia ay ikinakatuwiran na lamang niyang ganoon lamang talaga ang tumatandang dalaga.

"Bilis-­‐‑bilisan mo, Anita! Ano pa ang tinatanga-­‐‑tanga mo riyan, e, nakapila na ang mga kostumer?" Sigaw ni Sophia ang nagpabalik kay Julia sa kasalukuyan. Sinulyapan niya ito at nakita niya ang babala sa mga mata ng babae. Kaibigang matalik niya ang pobreng tindera na madalas na nasisigawan nito. At di-­‐‑iilang beses na ring umiyak sa balikat niya si Anita tuwing napapahiya ito.

Kung hindi lamang nakautang ng malaking halaga ang ina ni Anita sa kanyang tiya noong magbalak ang ama nito na mag-­‐‑abroad, at maging biktima lamang ng isang walang pusong illegal recruiter, tiyak na hinding-­‐‑hindi magtitiis na magtrabaho roon ang kaibigan niya dala ng ugali ni Sophia.

"O, Bining? May kailangan ka ba rito?" Muli'y narinig niya ang boses ni Sophia, kinakausap ang treinta anyos na kusinera.

Hindi niya narinig na sumagot ang babae. Naulinigan na lamang niya ang mga yabag nito na nagmamadaling bumalik sa kusina.

"Miss, magkano ito?" tanong ng lalaking nakatayo sa harapan ng counter. Itinuro nito ang malaking supot ng tsitsarong baboy na nasa kanan niya.

Nag-­‐‑angat siya ng mukha at nakita niya ang palakaibigang ngiti nito. Gumanti siya ng ngiti at sasabihin na lamang ang presyo nang biglang tawagin ni Sophia.

Julia - AmandaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon