FUMIKO'S POV:
--
NATAPOS ang exam week namin nang walang nangyaring aberya bukod sa nangyaring suntukan na naganap sa pagitan ni Asher at Yuson. Na-expel nga pala ang grupo ni Yuson at mukhang nagkamali nga sila na binangga nila ang grupo ni Cold.Doon ko lang napag-alaman na kinatatakutan ang grupo na pinapangunahan ni Cold hindi dahil sa mayayaman sila kundi dahil sa sila ang pinagkakatiwalaan ng owner mismo ng L.A University.
"Ready na ba kayong lumipad papuntang Indonesia?" Ani ni Ate Alessa nang umuwi kami sa boot camp.
Ngayong araw kasi kami lilipad papuntang Indonesia para sa opening ng laro at kailangan ang presensya namin doon. Mabuti na lang at tapos na ang exam namin kaya naman magpu-focus na kami sa laro.
"Anong oras po aalis?"
"Mamayang 5pm pa naman. May oras pa kayo para mag-impake. Isang linggo ang gugugulin niyo doon habang nasa preliminary rounds. Bukod kasi sa opening ng laro, magsisimula na ang tapatan."
Agad kong tinanguhan si Ate Alessa at saka ako pumanhik ng hagdan. Hindi yata makakalaro si Asher dahil sa nangyari at bakas pa rin sa mukha nito ang sugat at pasa mula kay Yuson. Kaya naman si Aries o kaya si Bugoy ang isasabak nila.
Pumasok na ako ng kwarto at kinuha ang maliit kong maleta para doon ilagay ang damit na dadalhin ko. Bukod sa jersey ng Howl, naglagay na rin ako ng damit pambahay at wala akong balak na gumala doon dahil hindi naman ako pamilyar sa bansang Indonesia.
Maaga pa naman at may oras pa kami para maghanda. Hindi na rin pumasok si Thud matapos niyang sabihin na gusto niya ako at yun ang huling araw na nagkita kaming dalawa.
At kahit na magkasama kami sa iisang room hindi ko siya kayang harapin dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Naging abala rin naman kami during exam week dahil nakakadugo ng utak ang mga codes at computer parts. Halos sumakit nga ang ulo ko kakaaral at naging dahilan rin yun para makalimutan ko ang unexpected confession ni Thud.
Natinag ako nang makarinig ng tatlong katok mula sa pinto kaya naman lumapit ako at pinagbuksan ng pinto kung sino man ang nandoon.
Tumambad sa akin ang bulto ni Yakuji kaya naman nginitian ko ito at saka binuksan ng maluwag ang kwarto ko.
"May kailangan ka?"
Nakapamulsang hinarap ako ni Yakuji. "Wanna have some snack before we go to Indonesia? It's too early though,"
"Sure."
Isinara ko ang pinto ng kwarto ko at sabay kaming naglakad ni Yakuji patungo ss hagdan hanggang sa makababa kami sa sala.
"Hindi ba talaga ako pwedeng sumama?" Nakangusong sambit ni Asher habang kinukulit si Ate Mika at Ate Alessa.
"Hindi nga pwede. Sino ba kasing may sabi sa'yo na magpabugbog ka? Look at you." Panenermon naman ni Ate Mika.
Nakaupo si Asher sa mahabang sofa habang si David ay abala sa kanyang sariling cellphone. Hihintayin namin si Aries at Bugoy dahil si Astaroth ay bumalik ng RDM Speed.
Sina Kuya Marion, Kuya Chase at Kuya Jobert ay nag-uusap sa isang sulok.
"Hindi ko naman kasalanan eh. They are the one who accused Fumiko of such nonsense statement. Napikon lang ako."
"O ngayon anong napala mo?"
"Nabugbog? Hindi naman ako gumanti kasi dehado sila." Mayabang pang sambit ni Asher dahilan para masapo na lang ni Ate Mika at Ate Alessa ang kanilang mga noo.
"Ewan ko sa'yong bata ka."
Sabay na umalis sina Ate Mika at Ate Alessa papuntang kusina kaya naman sumunod na ako sa kanila para tulungan sila sa paghahanda ng meryenda namin.
BINABASA MO ANG
Clever Game
Romance**[BLOODFIST SERIES 7]** Fumiko Yamamoto has always dreamed of becoming a professional gamer, a passion that consumes her every waking moment. Living in a vibrant neighborhood dotted with computer shops and arcades, she spends countless hours honing...