Game 29: Indonesia

34 4 0
                                    

FUMIKO'S POV:

Akala ko mamamangha na ako sa labas pa lang ng itsura nito pero mas lalong nalaglag ang panga ko nang makita ang loob nito. It looks like a luxurius hotel inside from its leather chair, coffee table and other things inside the plane.

"Naks. Parang nasa hotel lang tayo ah?"

"Feel free to choose your seat except the single chair on a corner from this aisle." Habilin naman ni Yakuji.

Sa pang dalawahan ako naupo malapit sa bintana habang ang iba ay pumili na rin nang kani-kanilang pwesto. Inilagay ko na rin sa compartment ang maleta ko bago ako umayos ng upo. Saka ko lang napansin na meron plastic at trash bin sa harapan na hindi ko na lang pinansin.

Hanggang sa lumabas ang dalawang lalaki mula sa control room, binati nila kami.

"Welcome to Homare, guys. I will be your captain for todays trip, my name is Glyden Ulysses Norhton Thorndike. You can just call me Gun and this is Perth Dezrail Fynrell my co-pilot."

"Welcome aboard."

Sumaludo lang silang dalawa sa amin at saka naghabilin ng mga dapat naming gawin during flight at ang kahalagahan ng plastic at trash bin.

"Alright, fasten your seat belt and in just a minute you are already reack your destination." Bumalik na sa control room si Sir Gun. Ito ang unang beses na makita ko ang dating lider ng bandang hinahangaan ko at nakadaupang palad ko pa. Ni hindi ko magawang ma-react dahil sa pagkabigla.

Bumalik na lang ako sa upuan ko at saka ikinabit ang seat belt gaya ng habilin ni Sir Gun at umayos ng upo. Ganun rin ang ginawa ng iba pero si Yakuji, David at Asher ay hindi man lang nag-abalang ikabit ang kanilang seat belt. Hindi ko na lang sila pinansin at mukhang may sarili na naman silang mundo.

"Homare is ready for take off, make sure to fasten your seatbelt because this plane is not an ordinary vehicle as what you expected. Sit back, relax and get your plastic bags."

Unti-unti ko nang nararamdaman ang pag-angat ng eroplano. At sa isang iglap, nakaramdam ako ng pagbaliktad ng sikmura ko kaya naman agad kong kinuha ang plastic bag na nasa harapan ko at walang pag-aalinlangang inilabas ang mga kinain ko mula pa yata kahapon.

"Fvck!"

"Tangina...blurggh!"

"Our father, who art in heaven..."

"Shit!"

"Ayoko na!"

Samu't-saring reaksyon at mura ang naririnig ko sa paligid pero inaatupag ko lang ang sarili ko hanggang sa unti-unting lumapag ang eroplanong kinalulunaran namin.

"Welcome to Indonesia, enjoy and goodluck to your game."

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga pinagsasasabi ni Sir Gun dahil parang hinahalukay ang tiyan ko. Sa isang iglap nasa Indonesia na agad kami na dapat abutin kami ng halos isang araw sa himapapawid? Pero ibang klaseng eroplano nga si Homare dahil minuto lang ay nasa ibang bansa na kami.

"Damn, pinakaayaw ko talagang sumakay sa eroplano na ito!" Ani ni Kuya Chase habang inilalagay sa trash bin ang sama ng loob niya.

"My head hurts," reklamo naman ni Aries. "Isusumpa ko ang eroplano na ito!"

"Bwisit!"

Hanggang sa lumabas mula sa control room si Sir Gun at Sir Perth, natatawa sila nang makita ang itsura namin na parang binabad sa suka dahil sa sobrang putla.

"You okay?" Natatawang sambit ni Sir Gun.

"Ayoko nang sumakay sa eroplano niyo!" Pagalit na singhal ni Bugoy.

"Huwag naman. Baka magtampo si Homare, ilaglag ka na lang sa gitna ng dagat na hindi mo namamalayan." Pagbibiro pa ni Sir Gun.

Inismiran lang ito ni Bugoy at saka kinuha ang gamit niya. Halos mabuwal ito mula sa kinatatayuan niya at mukhang nabigla ang katawan nito. Habang sina Yakuji, David at Asher ay nakasukbit na rin sa kanilang balikat ang kani-kanilang bagahe na tila walang nangyari. Samantalang kami nina Kuya Marion, Kuya Chase, Kuya Jobert, Ate Mika at Ate Alessa ay parang mga lantang gulay.

Naipikit ko na lang ng mariin ang mga mata ko at saka ako marahang tumayo na agad kong pinagsisihan dahil parang mabibiyak ang ulo ko.

"Ayos ka lang Fumiko?" Lumapit sa akin si Asher at saka ako inalalayan paalis sa kinauupuan ko. Siya na rin ang nagtanggal ng seat belt ko at kumuha ng bagahe na nasa compartment.

"A-Ang sakit ng ulo ko." Reklamo ko kay Asher habang nakahawak sa kanyang damit.

Naramdaman kong umalog ang balikat ni Asher at mukhang tumatawa ito. Hindi ko siya kayang tingalain dahil sobrang sakit ng ulo ko.

"That's what you call an after shock every time you rode at Homare. Sanayan lang 'yan Fumiko. Homare is the one and only fastest camoflauge airplane in the whole wide world. Gun and Thud made it possible."

Naagaw ng atensyon ko ang sinabi ni Asher na si Thud mismo ang gumawa ng eroplano pero wala akong panahon para mamangha sa nasabing eroplano dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko.

"Ang mabuti pa magpahinga na lang kayo sa hotel. Susunduin na lang namin kayo after a week." Ani pa ni Sir Gun.

"Hindi ba pwedeng gamitin na lang namin ang ticket at passport? Ayoko nang sumakay sa eroplano niyo." Singhal naman ni Aries.

"You can choose what ever you want. Napag-utusan lang naman kami." Kibit-balikat na sambit ni Sir Gun.

Hindi na lang kami umimik at inalalayan ako ni Asher pababa ng eroplano. Parang isa akong lasing at hilong talilong habang pababa ng eroplano dahil sa sakit ng ulo ko. Gusto kong isumpa si Homare dahil sa naging epekto niya sa katawan namin. I wasn't expected that there is such thing like a lightning speed airplane and this is my first time I rode that kind of vehicle.

SA TDB Hotel and Casino kami tumuloy. Pagmamay-ari daw yun ng isa sa mga sponsor namin at wala daw kaming poproblemahin sa tutuluyan. Sa sobrang sikat at yaman ng TCD Tech, halos malula kami sa prebilihiyo na binibigay nila sa amin.

After we got our key card, magkakasama kami nina Ate Mika at Ate Alessa sa iisang room habang sina Kuya Marion, Kuya Chase at Kuya Jobert naman ang magkakasama at sina David, Yakuji, Asher, Aries at Bugoy naman ang magkakasama sa pangatlong room na kinuha ng TCD Tech para sa amin.

Gusto sana nilang solohin ko ang room kaso hindi ako pumayag dahil may kasama naman kaming babae kaya doon na lang ako. Kaya ang napagdesisyonan ay ukopahin ng magkakasama ang tatlong rooms.

Makalipas ang ilang minutong pagdidiskusyon, narating namin ang floor kung saan kami mananatili at halos dumagdag ang sakit ng ulo ko nang tumambad sa amin ang isang luxury suite na sa tingin ko ay VIP lang ang makaka-afford.

"Tangna! Hotel ba talaga ito?" Hindi makapaniwalang bulalas nina Kuya Jobert.

"Bakit parang first time niyong makapunta sa ganito?" Usisa ko bago inilapag sa gilid ang maleta na dala ko.

Akala ko tag-iisang hotel room ang tutuluyan namin pero ang kinalabasan isa yung executive room na merong sala, kusina at apat na kwarto.

"Uh, noong mabuo ang Howl wala pa namang ganitong luxury thing or whatever you called it. Kontento na kami sa mga simpleng hotel rooms lang na mura ang halaga." Ani ni Kuya Jobert.

"Mukhang marami ang nagbago nang magdesisyon si Yakuji na magpahinga sa pro league." Segunda naman ni Kuya Marion.

Tinanguhan ko na lang sila at saka kami pumili ng kwartong uukopahin namin. Ang unang pinto ang napili nina Yakuji at sunod naman ang kina Kuya Jobert. Napili naman ni Ate Alessa ang pangatlong kwarto kaya doon na kami tumuloy.

"You should rest first Fumiko. Mamayang 7pm pa naman gaganapin ang opening at kailangan mo ng lakas dahil aabutin ng umaga ang Preliminary rounds." Ani sa akin ni Ate Mika kaya tinanguhan ko na lamang ito.

Mabuti na lang at merong tatlong kama dito sa loob ng kwarto at pinili ko ang malapit sa bintana. Mamaya ko na lang siguro aayusin ang gamit kong naiwan sa sala dahil gusto kong matulog muna.

Clever GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon