Chapter 02
Insanity
LAHAT na yata ng masasabi ko ay natunaw dahil sa mga paliwanag niya.
He's just a stalker, Elle. I should stay as a stranger to him.
"Baby, are you still mad?" he calmly asked while caressing my arm.
Bigla namang bumilis ang pagtibok ng puso ko't parang kakawala na anomang oras sinabayan pa ng kung anong dagundong sa sikmura ko kaya agad ko ring inalis ang kamay niya kung nasaan ito ngayon.
"H-Hindi ako galit... thank you nalang doon sa pagkain." ani ko sa nanliliit na boses at nakatunganga sa sahig.
"Did you finished it all?" he checked up on me and I just nodded.
Akala ko ay makaka-alis na 'ko pero sarili ko na mismo ang huminto para harapin siyang nakatunganga sa harap ko, "Hindi mo naman talaga kailangan gawin 'yon. Kumakain naman ako ng maayos afterclass tsaka ayokong sinasayang mo 'yung allowance mo dahil lang sa'kin–"
"If that makes you healthy and beam, what's the waste? It's my money anyways. It will come back." pagtutol niya sa'kin.
Bumuntong-hininga nalang ako. Nakakalimutan ko yatang kayang magsunog ng pera ng lalaking 'to. "Ok, fine. Alam ko namang hindi mo 'ko susundin, gusto ko lang ipaalam sa'yo na ayoko ng gano'n. I don't even know you fully..." ani ko.
"But you searched my name on the internet. Isn't remembering my name enough?" tanong niya't parang hindi nakatuntong ng grade 2. Lumapit pa talaga siya sa'kin.
This man. Really. I'm sure he did the same to me. "You're really... ewan ko kung baliw pa ba 'yung term para sa condition mo, e." sagot ko.
"So... you're concerned about me?" naririnig niya ba 'yung sarili niya?!
"Pyscho." huling litanya ko bago maglakad pauwi.
"Baby, I'm really going to assume if you just leave it here!" he hollered across the streets. Nakasimangot ko siyang nilingon at natanaw ang pilyo niyang ngiti na mas nagpa-inis sa'kin.
Pag-uwi ay si papa agad ang sumalubong sa'kin, halatang pareho kaming naghihintay kay mama. "Naka-uwi ka na pala, akala ko magsasabay kayo ng mama mo." panimula niya.
"Ah, hindi po. Nag text siya sa'kin na baka gabihin na siya dahil madaming ginagawa sa trabaho." pagbibigay-alam ko at tumango naman siya. Umakyat ako sandali para magbihis, laking gulat ko nang matanaw ko si papa na nakatayo sa kusina at abala sa pagsalin ng inatsarang isda.
Mabilis ko siyang dinaluhan, "Pa! Anong ginagawa niyo!? Sabi ng doktor ay bawal pa kayo tumayo ng matagal!" saway ko at sinusubukang kunin sa kaniya ang siyansing agad niyang nabawi.
"Eto naman, hindi ako nakakalimot Elle. Ipriprito ko lang naman 'tong bangus, mabilis lang 'to. Umupo ka nalang doon at ako na bahala dito." sagot niya at pinagpatuloy pa ang mga ginagawa.
Kinuha ko mula sa kaniya ang siyansi, "Pa, hindi pa rin pwede. Ako na ang magluluto, kayo na ang umupo. Hindi naman ako pagod, e." pagpupumilit ko't inaalalayan na siya papuntang sala pero baka nga nagmana ako sa kaniya dahil hindi siya nagpapatinag.
"Elleira, kaya ko! Ako ang papa mo kaya ako ang masusunod." matigas niyang sabi at inilagay na ang isda sa kawali.
"Pero pa, baka mamaya manghina na naman 'yang tuhod niyo at sabayan pa ng sakit ng ulo." pagdadahilan ko habang hindi iniinda ang mga talsik ng mantika.
"Hindi mo ba nakikita ang ginagawa ko? Nagpriprito na 'ko, oh. Akala mo ba hindi ko alam? May nakapagsabi sa'kin na hindi ka daw kumakain ng maayos sa eskuwelahan mo! Nako, Elleira, 'wag mo naman pagbawalan ang sarili mo. Kahit mga biskwit o tinapay man lang ang bilhin mo. Nag-aaral ka nga sa magandang paaralan, gutom naman ang sikmura mo. Ano naman kaya ang mangyayari sa utak mo?" mahabang litanya ni papa habang nagluluto.
BINABASA MO ANG
To be Loved is to be Seen (2Be Trilogy #1)
RomanceElleira Celine Marquez, who came from a less fortunate background, was solely focused on lifting her family out of poverty, and her prayers were answered by the arrival of Miguel Cole Ford, a perfect match who understood the situation after a brief...