²

2 2 0
                                    

Sierra's pov

Uwian na ngayun at bigla nalang sumama ang panahon. Saktong nasa kalagitnaan na ako ng paglakad papuntang gate nang umulan nang malakas kaya tumakbo na ako ng mabilis dahil may silungan naman doon.

Ako lang ang bukod tanging tao dito dahil lahat sila ay may sarili sasakyan at sundo, yung akin kase nagchat na papunta palang which is okay lang naman sa akin, nagkataong sumama lang talaga ang panahon.

Pinupunasan ko yung mga tubig na tumatalsik sa akin gamit ang kamay ko, nababasa na kase ako dahil sa anggi ng hangin na may ulan. Giniginaw na din ako dahil basa na ako.

Maya-maya ay may lumabas sa gate na studyante na nakapayong, hindi ko makita ang mukha nito dahil natatakpan ng payong ang mukha n'ya. Lumapit ito sa tabi ko at tsaka ibinaba ang payong. Ngayun, kitang-kita kona ang mukha niya. Siya yung friend nung Dylan na hindi ibinigay sa akin yung pangalan, agad ko itong enerapan kahit hindi kami close.

"are you cold?" kalmadong saad nito.

"of course." daretsyahan saad ko "why? mukha ba akong basang sisiw?" dagdag ko pa at sabay tingin sa kaniya ng dahan-dahan habang irita.

Nakatingin ito sa akin at makikita mo ang gwapo niyang mukha na seryoso. Gusto pa ata niyang makipag laban ng titigan kaya hindi ako nagpatalo tapos tinitigan ko siya pabalik-balik sa mukha at katawan.

"why are you staring at me?" tanong ko nalang at tumingin nalang sa harapan ko.

Nagulat ako nang biglang uminit ang katawan ko pagkatapos niyang ilagay ang suit niya sa akin. Bigla akong napatingin sa kaniya.

"anong trip mo?" tanong ko ulit kahit kanina pa siya hindi nagsasalita.

"nandyan na sundo ko, unlike you na next year pa ata dadating" saad nito na nairita ako, huhubadin ko na sana dahil naiinis ako sa kaniya "I'm joking, ayaw lang kitang magkasakit, oh eto payong gamitin mo din incase na sasakay ka nalang ng taxi" iniabot niya ang payong niya sa akin.

•••
Bip...bip...bip

Biglang may bumusina sa amin na sasakyan, binaba nito ang salamin at tumambad sa amin si Dylan.

"Hey Sierra, gusto mo hatid na kita?" saad agad nito, enerapan ko ito ng bongga. Bago pa man ako makapag salita ay nagsalita tong katabi ko.

"Dylan, drive me home wala pa sundo ko eh" pagkatapos ay tumakbo ito papuntang sasakyan ni Dylan kaya nabasa siya ng kaunti.

"What the f, hindi ikaw yung tinatanong ko" sabi ni Dylan nang makapasok na yung kaibigan niya sa sasakyan niya. "anyways kasya pa naman, hatid na din kita Sierra mukhang wala pa yung sundo mo" alok ulit nito sa akin.

"No, thanks" agad na saad ko sabay erap.

"Let's go, gusto ko nang umuwi" nagsalita ulit yung lalaki.

Hindi naman ako mapipilit ni Dylan na ihatid ako kahit maggabi pa dito kaya umalis na din sila which is better. Feeling ko ayoko sa circle of friends nila grrr.

teka nga lang...

Bigla akong napaisip about doon sa lalaking masungit, sabi niya malapit na daw sundo niya pero nakisabay lang kay Dylan, si Dylan kaya yung tinutukoy niyang sundo?

Maya-maya ay dumating na yung sundo ko, hindi naman ako nagalit kase alam kong may sarili-sarili tayong gampanin at problema kaya ayoko nang dumagdag sa sakit ng ulo ng driver namin.

Always be humble.

Napatingin ako sa suit nung masungit, dito nang gagaling yung bango na naaamoy ko. Ang strong ng pabango niya, kapag ito yung pabango mo mapapa look back yung mga taong nadadaanan mo.

The Main QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon