"Para saan ba kasi yan librong yan?" Tanong niya
"This book is all about physics. Nag advance study ako para bukas sa graded recitation." Sagot ko
"Sipag mo naman, kung ako yan hindi ako mag advance study."
I chuckled as he said. Tinignan niya lang ako at ngumiti
"Talaga lang ahh, hindi ka nag advance study. Nung nagsabay nga tayo sa jeep nagbabasa ka, hindi mo nga ako pinapansin." Salita ko
"Gusto mo ba lagi kitang pinapansin?" Malambing na sabi niya
"Hindi naman, pero kasi binayaran mo yung pamasahe natin without telling me. Tapos nung tinitigan kita hindi ka man lang nagpaliwanag."
"Sorry then." Sabi niya
"Nahihirapan kaba sa physics?" Tanong ni gab
"Oo, actually one of the reasons ang physics bakit ko sinaktan ang sarili ko."
"Bakit naman?"
"Pasang awa lang ako dun sa test na ginawa namin sa physics."
"Gusto mo ba tulungan kita mag review?"
"Since yan din naman ang pinag aralan namin noon, atsaka magaling din ako dyan sa physics." Pagmamalaki pa ni gab sa sarili niya
Ilang minuto din kami natahimik hanggang sa makauwi kami. I just did my routine tapos nag aral lumabas muna ako para makalanghap din ng sariwang hangin at dun na din ma review ang mga inaral ko. Walang masyadong tao ng makalabas ako pero andun yung taong kinaiinisan ko.
"Long time no see shawty." Sabi nung lalaki, hervit? harry? ayy basta yung lalaking walang pambiling manners.
Hindi ko siya pinansin at umupo lang sa bakanteng upuan, malayo yun sa lalaki.
"Harvey." Pagpapakilala uli ng lalaki sakin, pake ko sa kanya
Tinititigan ko lang siya at binaling din ang attention sa ibang bagay.
"Sungit mo naman, ano kayang nilagay ni gab sa inumin or pagkain mo? Bakit siya lang pinapansin mo?" Pagtataka niya
Isa pang hirit nito tatadyakan ko to
"Siguro gusto mo si ga-"
"Ano bang paki alam mo? Bakit ba ang hilig mo mang epal? Kung gusto mo mang trip ng babae, wag ako kase hindi mo ako mapag tripan. Wala akong oras makipag lokohan sa taong wala na ngang itsura wala pang pambili ng manners." Galit na galit kong giit sa lalaki
Nakita kong nasa likod lang nung Harvey sila gab pati ang mga kaibigan niya, napatulala lang sila sakin dahil siguro ngayon lang nila ako nakitang magalit.
I just walked out dala ang libro ko, sadya kong binangga yung balikat ng harvey pero nang maka uwi ako nasangga pala ang pulso ko, kaya visible nanaman ang dugo sa gauze.
I try to treat the wound pero hindi ko kaya, I really need assistant kasi kung ako lang mag isa hindi ko magagamot ng maayos yung sugat.
"Hey, what happened?" Biglang sulpot ni gab "ako na, baka lumala lang" Pag agaw niya sakin ng gamot
"Bakit dumugo nanaman to? Kanina wala naman ng dugo ahh, pinisil o hinawakan kaba ni harvey?" Sunod sunod niyang tanong
"Hindi, sadya ko kasing binangga yung balikat niya napalakas yata."
Tumawa lang siya.
"Bakit tumatawa ka?"
"Alam mo bang ikaw lang ang unang babaeng gumanon kay harvey, lahat ng babae nakukuha nun pero ikaw lang ang naiiba."
"What do you mean?"
"Sabihin nalang natin na paiba iba siya ng babae kada linggo." Nilalagyan niya na ng gauze ang sugat ko.
"Bakit ilang taon na ba yun? Parang magka edad lang naman kami." Sagot ko
"Actually 17 lang siya."
"Eh paano mo ba kasi naging kaibigan yan mga ganyang tao?"
"We are not friends, pakikisama lang yung ginagawa ko sakanya." Tumayo siya at umupo sa tabi ko kinuha niya ang libro na hawak ko kanina atsaka binuklat
Inadjust ko lang ng kaunti yung gauze na nilagay niya.
"Wag ka sana magpa biktima sa kanya." Bulong niyang salita
"Huh?"
"Masikip ba yung pagkaka lagay ko ng gauze?" Tanong niya, umiling lang ako sa tinanong niya but still iniisip ko pa din ang sinabi niya kanina
I just looked at him, he looked unbothered sa tingin ko sakanya. Maya maya lang ay tumayo na siya
"Tara! Punta ka sa bahay hinahanap kana ni mama." Sabi niya
Sumama ako sakanya papunta sa bahay nila. Andun yung mga dalawa niyang kaibigan na nag aasaran, umayos lang ang dalawa ng sinaway na sila ni gab.
"Marie! Kumusta kana? Kumusta na ang sugat mo? Okay ka lang ba ha? May problema kaba?" Sunod sunod na tanong ni tita leylie
Napangiti ako sa mga sinabi ni tita, she looked worried about me, about my feeling.
"Okay na okay lang po ako." Sagot ko
"Sure ka ahh, pag may problema ka pwede mo sabihin samin lalo na kay gab."
"Opo."
"Ohh siya maupo kana dun at maghanda lang ako ng pagkain."
Umupo ako sa right side ni gab, habang sa left side yung kaibigan niyang lalaki na si liam. Yung kaibigan naman nilang babae ay sa tabi ni tita, kaharap ko siya.
Nag kwentuhan lang sila, as usual hindi ako nagsasalita.Nang matapos ako kumain ay tumingin ako kay gab. He's side view profile arghh ang pogi, yung tangos ng Ilong niya kapansin pansin, his perfect jawline, yung adam's apple niya, his muscle in his arm, girl palong palo yung muscle niya kahit naka t-shirt siya.
"Grabe naman yan titig na yan miss ma'am." Panimula nung Liam
Napalingon sakin si gab, kaya nag iwas ako ng tingin. Tapos na pala ako kumain, uyy may mga picture pala sa dingding ohh.
I heard gab chuckled hindi ko nalang pinansin yun dahil baka mas lalo lang nila akong asarin.
✿︎✿︎✿︎
BINABASA MO ANG
The Broken Oath
RomanceMalaya Marie D. Salvador is a high school student who has childhood trauma due to her own relatives, he doesn't know how to heal the wound that her relative did. Not until she meet Ethan Gabriel F. Tuazon who help her to move on and to love her self...