18: NEW TRANSFEREES

374 7 0
                                    

Sabay-sabay silang pumasok at pumunta sa bulletin board para malaman na kung anong section nila. Sina Sienna at Audrey ang nauna at tumakbo papunta doon dahil sa sobrang tuwa at kaba at the same time.

"Hoii!! Tekaa!!" Sigaw ni Aud kay Sie na tumatakbo patungo sa bulletin board sa tabi ng corridor ng kanilang library.
"Dalian mo!" Sigaw na pabalik ni Sie kaya tumakbo na rin si Aud.

Natawa nalang ang anim sa ginawa ng dalawa.

"'Tong mga 'to kahit kailan talaga sobrang energetic, dinaig pa si flash sa bilis nila." Pagbibiro ni Mav kaya natawa ang lahat.
"Tara na, baka maging thor pa sila sa paghagis sa mga tao don." Pagbibiro rin ni Ali.
"Naging superhero pa nga ng wala sa oras HAHA." Natatawang saad ni Kael.

Sinundan na nga nila ang dalawa at nagulat dahil tumatalon-talon ang mga ito na magkahawak ang mga kamay nila sa sobrang saya.

"Anyare? Para kayong mga sinaniban." Pagsisimula ni JR kaya napatigil ang dalawa at pumunta sa kanila.
"Guess what?" Pangtatakang tanong ni Sienna habang nakangiti.
"Sabihin mo na, dami niyong satsat!" Pambabara ni Ali kaya biglang yumakap ang dalawa sa kanila.
"We're classmates again guys!! Ang saya!!" Nagulat ang anim dahil sa sinabi ng dalawa kaya pati sila ay natuwa na rin at nakisabay sa dalawa.

Magkklase ulit ang walo dahil kagaya ng dati, nasa top section sila. Hindi na maikakaila dahil may angking talino ang bawat isa sa kanila. Hindi dahil may koneksyon si Kael kundi sa pagsisikap at determinasyon nila sa pag-aaral.

-------

TIME SKIPS...

Natapos na ang unang araw kaya napagdesisyunan muna nilang kumain sa labas.

"Let's eat outside, my treat." Seryosong saad ni Ali kaya ang lahat ay natuwa lalong-lalo na ang dalawang energetic na nagpapasipsip pa.
"Yownn!! Thank you in advance Ali." Masayang bitaw ni Gian.

Kumain na nga sila sa labas at umuwi rin pagkatapos.

-------

AFTER 2 WEEKS...

May iaannounce ang guro ngayon kaya ang lahat ay napaaga ang pasok. Lahat sila ay hindi alam kung ano ba ang context ng announcement ng guro.

"Good morning, class! So, I know all of you are wondering kung ano ang iannounce ko today." Paninimula ng guro kaya ang lahat ay nagsitahimikan na.
"So, may bago tayong transferees from different schools. A girl and a boy." Dugtong ng guro.
"Ma'am, where are they po?" Mausisang tanong ni Kael.
"Oh about that Mr. Lim, next week niyo palang sila makikilala because they need to finalize and pass their requirements and papers first." Paliwanag ng guro kaya tumango na ang lahat.

All of them were still wondering who are they kaya hindi maiwasan ng walo kung sino ang mga ito.

"Nadagdagan na naman mga inooverthink ko, haynako." Pahaplos mukhang ani ni Nico.
"Sino ba inooverthink mo pre? Si Mav ba?" Pagbibiro ni Gian kaya pabirong tinulak siya ni Nico.
"Pre, what if tanongin mo?" Suhesyon ni JR na kinatango naman ng dalawa.
"Oo nga no? Sige na Kael." Pamimilit ni Nico.
"Curious na curious na nga ako kung sino mga 'yun eh." Sagot ni Kael.
"Pero sige, I'll ask Lolo. Wala namang masama since amin naman 'tong school diba?" Pagpayag ni Kael sa mfa kaibigan kaya nagsiapiran ang tatlo.

Sa kabilang banda naman, mausisa rin silang naguusap-usap tungkol sa mga new transferees.

"Sa tingin niyo, sino kaya sila?" Paninimula ni Aud.
"Idk, pero alam niyo ba? Nakita ko si France kahapon sa mall." Pagbabahagi ni Sie kaya napatingin ang tatlo sa kanya dahil sa narinig.
"What? France? You mean..Don't tell me siya yung isa?" Sunod-sunod na reaksyon ni Mav.
"Diba 'yun yung obsessed na obsessed kay Ali noon na medyo green flag pero may pagkamayabang?" Paninigurado ni Aud kaya napayuko si Ali sa narinig.
"Oh shit, please no god." Pabulong na ani ni Ali na sapat para marinig ng tatlo.

HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon