30: WILL THEY MEET?

293 9 2
                                    

Nasa airport na ngayon si Ali at nandun na rin ang mga magulang nito para salubungin siya. Maaga silang nagtungo doon dahil nasasabik na silang makita at makasama ulit ito. Hindi rin nagtagal ay nakarating na si Ali at agad naman nila itong nakita. Dali-dali silang nagtungo sa direksyon at agad na niyakap, ganoon rin si Ali dahil miss na miss niya na rin ang mga magulang niya.

"Welcome back home nak!" Sabay na saad ng mga magulang niya at kaagad itong niyakap.
"I miss you both mom, dad!!" Tugon naman ni Ali at napayakap na rin ito ng mahigpit.
"We miss you more nak, kamusta kana?" Tanong ng ina nito habang naglalakad na sila papalabas ng airport.
"Ayos naman po, last check-up ko na po next week." Masayang sagot ni Ali habang nakasabit ang kamay niya sa braso ng kanyang ina.
"Kay Doctor Sanchez ba nak? Pwede ko naman siyang tawagan kung gusto mo." Suhesyon ng ama nito ngunit umiling si Ali habang nakangiti.
"No need na dad, ako na po mismo pupunta dun para makapaglibot-libot na rin ako pagkatapos. Matagal na kasi simula nong huli akong nakalabas dad at namimiss ko rin ang pumasyal dito lalo na't ilang taon ako sa ibang bansa. Don't worry po, I'll be fine." Pangungumbinsi ni Ali dahil hindi niya maikakaila na namiss niya ang lugar lalo na't maraming alaala ang bumungad sa kanya pagkaapak niya palang sa airport.

Hindi na rin nakatanggi ang mga ito sa kanya dahil may tiwala naman sila sa anak.

"Ok nak, kain muna tayo sa labas. Siguradong pagod ka sa byahe at alam kong namiss mo rin ang mga pagkain dito." Pag-aaya ng daddy niya kaya agad-agad siyang nagalak sa narinig.
"Yes dad super duper, nakakasawa ang mga pagkain sa abroad huhu." Pagrereklamo ni Ali kaya napatawa nalang ang mag-asawa.
"Haynaku HAHAHAHA, puro ka lang ata kape dun eh." Biro ng kanyang ina.
"Yun lang po kasi 'yung masarap mom." Sagot ni Ali kaya nakangiting napailing nalang ang ina nito.

Nagtungo sila sa favorite restaurant ni Ali simula nong bata siya at matagal-tagal na rin simula nong huli silang nakapunta roon na kumpleto sila dahil laging abala ang mga magulang nito. Nakikita naman ni Ali na hinahati na ng mga magulang nito ang oras sa trabaho at sa kanya.

AFTER 1 WEEK...

Ngayon na ang last check-up ni Ali kaya dali-dali siyang nag-ayos dahil finally magaling na siya. Hindi niya rin inaasahan na gagaling siya dahil ang lala na noon ang kalagayan niya ngunit pilit niyang kinaya kaya ngayon nasuklian na lahat ng paghihirap niya.

"Nak alis ka na ba?" Tanong ng ina nito ng makitang nakabihis na ang anak pagkababa nito.
"Yes mom. Biglaan po kasi na may online class ako ngayon kaya inagahan ko na po." Sagot ni Ali.
"Huh? Klase?"takang tanong ng mom niya.
"Ah I forgot to tell you po pero nagenroll na'ko habang nasa ibang bansa ako mom. Pumayag naman ang professor ko na magonline class muna ako for the mean time mom." Sagot ni Ali kaya tumango nalang ang ina niya.
"Naku baka masyado mo na namang pinapagod ang sarili mo nak." Pagaalalang tanong nito.
"Hinde po mom, actually nageenjoy po ako since ito naman po yung gusto ko. Ah btw mom, una po ako mallate nako sa appointment." Nagmamadaling saad ni Ali at kaagad nitong niyakap ang ina bago ito umalis.

Nagpasama na si Ali da personal driver nito para kahit papaano makapagbasa-basa siya ng libro habang nasa daan at sakto mamaya 'pag nasa zoom na siya. Kaagad din naman silang nakarating at nagtungo na siya sa office ni Doctor Sanchez.

"Hi doc! Good morning po!" Masayang bati ni Ali sa doctor.
"Oh! Hi Ali, it's been a long time." Tugon naman ng doctor atsaka inalok si Ali na maupo na.
"Oo nga po eh, btw pinapakamusta po kayo ni Ate Pat." Saad ni Ali kaya napangiti ang doctor.
"Hays si Pat talaga, anyways you're so lucky Ali na nakayanan mo ang sakit mo dahil rare lang ang gumagaling sa case mo." Ani ng doctor na ikinangiti naman ni Ali.
"Naku doc, magaling lang talaga si Ate Pat and thank you po for recommending me sa kanya." Pagpapakumbabang sagot ni Ali.
"You're welcome! So, let's start na?" Sabi ng doctor at kaagad namang tumango si Ali.

HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon