Iyana Yvonne Avezar
Abala kami ni Axel mag basa ng mga documents ng mapansin namin na bumukas ang pinto ng aking opisina.
"Baby girl!! My beautiful youngest sister!!" my sister shouted as her face showed joy and excitement. "I miss you so much"
I laughed when he kissed my cheek. "I miss you too, ate"
Inilibot ni ate ang mukha niya at biglang sumilay ang malawak niyang ngiti ng makita niya si Axel.
"Axelino, hindi mo ba ako yayakapin?" tila nag tatampong tono ni ate. Mahina naman natawa si Axel dahil sa inasal ni ate.
Masayang lumapit at yumakap ng mahigpit si Axel.
"Kailan pa po kayo dumating ate Cecil?" I asked her. Umupo kaming tatlo sa isang sofa para na rin mag kuwentuhan.
"Actually kagabi pa"
"Dapat po tinawagan niyo kami para masundo ka namin ate" agad naman akong napatango sa sinabi ni Axel.
"Nako hindi na kailangan alam ko naman na apaka busy niyong dalawa" gumuhit naman ang mapang-asar na ngiti ni ate Cecil.
Alam niya kaseng may lihim akong pagtingin sa kababata kong kaibigan na si Axel, but I can't confess to him because I don't want to ruin our friendship. Siya lang naman kase ang kaibigan ko at pinagkakatiwalaan simula noong kami ay anim na taong gulang.
Hindi ko alam pero comfortable ako kapag siya ang kasama.
"Basta po kayo hindi po kami magiging abala ate Cecil malakas ka po saamin e"
Madami pa kaming pinagkuwentuhan nila Ate tungkol lang naman sa buhay niya sa ibang bansa at sa buhay namin dito ni Axel. Paminsan minsan ay inaasar din kami ni ate.
Habang kami ay nagkukuwentuhan at nagtatawanan bigla kaming napahinto ng tumunog ang aking cellphone.
Fg is calling...
"Excuse muna sasagutin ko lang 'to." sabay naman silang tumango kaya lumabas na ako ng opisina para sagutin.
"Hello? What do you need?" I said in an irritated tone.
"Zumi! Kailangan mong pumunta dito ngayon na!" napairap naman ako sa kawalan.
eto nanaman tayo.....
"Wait for me there"
hindi na ako nagpaalam kela Ate Cecil at Axel. Agad akong pumunta ng parking lot. Sinuot ko na ang itim na tela para hindi nila ako makilala.
I immediately started my car and it only took a few minutes to get to our hideout. Madaming bumati saakin ng tuluyan na akong nakapasok.
Hindi na ako kumatok at deretso ko ng binuksan ang isang gintong pintuan eto kase ang meeting room namin. Agad naman bumungad saakin ang mukha ni Fg at ang ilan namin mga kasamahan.
"Ang bilis mo naman, Zumi." hindi ko siya pinansin at umupo na sa pwesto ko.
"Alam mo bang inistorbo mo ako?" irita kong sabi sakaniya. mahina naman siyang natawa.
"Calm down Zumi"
Walang umimik isa saamin. Bawat isa ay may sariling mundo. Merong nag c-cellphone o katawagan yung iba naman ay nagbabasa ng mga case at yung iba ay nagpupunas o nag aayos ng kanilang baril.
Inilibot ko pa ang paningin ko. Mukhang kumpleto naman kami pero bakit hindi pa nagsisimula?
"May hinihintay ba tayo?" taka kong tanong, napalingon naman saakin si Fg habang hawak ang kaniyang libro.
YOU ARE READING
The Rhythm of Trust
RandomCan Iyana Yvonne Avezar handle everything that happens to her, especially during times when she carries heavy burdens? Who can she trust when everyone seems to have secrets from her? Iyana Yvonne is a beautiful, intelligent, talented, and extraordin...