36: EFFORT

420 9 3
                                    

Isang buwan na ganun ang turing ni Kael kay Ali magmula nong nalaman niya ang totoo, hanggang ngayon ay nagtataka parin si Ali kung bakit nagbago bigla ito. Hinayaan niya nalang kesa naman magsusungit at cold ulit siya.

"Ali, hahatid na kita." Giit nito.
"Araw-araw na ata ha, wag mo naman ako sanayin baka mahulog ako lalo. Miss mo na naman ako." Asar ko sa kanya.
"Tsk, tara na nga." Ngisi nito at nauna na sa labas.

Nauna na ito sa sasakyan kaya sumunod na ako. Araw-araw niya akong hinahatid at minsan ay inuutusan niya ang kanyang private driver na sunduin ako sa hapon. Alam niya kasing malapit na ang finals namin kaya di niya ako masyadong pinapagawa sa mga bagay-bagay, pati pagluluto ay siya na ang gumagawa o di kaya minsan ay umoorder nalang ito sa labas. Maaga na rin siyang umuuwi, napansin ko ngang iniuuwi na niya ata mga paperworks niya para sa bahay nalang niya gawin, may office room/study room kasi sa bahay kaya madalas don ko siya nakikita.

"Btw, ako ang susundo sa'yo later. We'll go somewhere." Pagsira niya sa katahimikan kaya tumango nalang ako. Nagrereview kasi ako sa tabi niya.

Pagkarating namin sa school ay saktong namang nakasabay namin si Nathan. Agad naman siyang napansin ni Kael kaya bumaba muna ito.

"Hi Ali, let's go together." Aya nito at napatingin ako kay Kael na nasa tabi ko na.
"Hey, what's your name again?" Seryosong tanong ni Kael sabay akbay sa balikat ko.
"Hi, I'm Nathan and you are?" Pagpapakilala nito at ngumisi naman si Kael.
"Mikhael, her husband." Tugon nito kaya napalaki ang mga mata ni Nathan sa gulat.
"Really?! I'm so happy for you guys! Ba't hindi mo sinasabi Ali?" Masayang bati nito kaya napakunot ng noo si Kael.
"H-huh?" Takang tanong ni Kael.
"Love ano ka ba hahaha, may girlfriend na si Nathan. Napakapormal mo namang magpakilala." Asar ko sa kanya kaya napakamot ito sa ulo dahil sa hiya.
"Ah eh, sorry akala ko kasi.." bulol-bulol na paumahin ni Kael kay Nathan.
"It's fine bro. Ali it seems like you're husband is jealous on me hahaha." Natatawang asar ni Nathan kaya napatawa ako.
"Di yan, diba maangas ka love?" Asar na kampi ko kay Kael.
"Ofcourse and why would I? Asawa ko na nga siya." Pagmamalaki nito sabay hawak sa bewang ko.
"Clingy ng hubby mo Ali. Don't worry bro, di ko yan aagawin, enemy ko nga yan eh." Pagpapanatag ni Nathan kay Kael kaya ngumiti ito.
"Thanks! Btw, I need to go na, bye love." Paalam nito sabay halik sa pisngi ko.
"Btw nice to meet you bro! Mauna na'ko." Nakangiti nitong ani at umalis na.

Kaagad na rin kaming umakyay sa building ni Nathan at inaasar-asar pa niya ako.

"Astigin din pala asawa mo HAHAHA." natatawa nitong sabi kaya napapailing nalang ako.
"Mas babae pa yun kesa sakin kung alam mo lang." Resbak ko naman sa kanya.
"Sus, kaya pala puro busted mga nanliligaw sayo kasi married kana." Ani nito kaya binatukan ko siya ng pabiro.
"Loko! Tara na nga." Ani ko at iniwan na siya.

Gaya nga ng sinabi ni Kael, siya ang sumundo sa'kin. Nasa parking na siya naghihintay sakin kaya agad na'kong nagtungo ron.

"Early mo ata ah." Bungad ko sa kanya at napansin niya naman agad ako.
"Kahiya naman kung paghihintayin kita diba?" Biro nito kaya natawa nalang ako.
"Btw, saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Let's eat dinner together." Aya nito kaya tumango nalang ako pero deep inside grabe na yung kilig ko.
"Okay." Tanging sagot ko.

Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa isang mamahaling restaurant pero garden vibes ito. Napakaaliwalas at napakaganda rito lalo na ang mga ilaw na nakasabit sa bawat sulok ng restaurant.

HIDDEN IDENTITY || A MIKHAIAH INSPIRED STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon