In the end, hindi ko na nasabi sa kanya lahat. I almost broke down in front of him when I realized what I really wanted to do. And why I've been burnt out recently.
I really love music... and singing.
"Thanks," sambit ni Gray pagkatapos ng katahimikan. 'Yan din ang una niyang sinabi nang matapos ko ang kwento ko. He was silent the whole time.
He shouldn't be thanking me. May hindi pa siya nalalaman.
"Atleast hindi ko na kinekuwestyon sarili ko." He laughed after. Gusto kong tumingin sa kanya pero hindi ko magawa. I feel somewhat pathetic, and so guilty. "But thank you talaga, Celeste. It took guts, I think."
Gray is one of the sweetest people, and I vouch for that. Huling bagay na gusto ko ay ang maging mabait siya sa'kin after all of that, but no. Damn, he still has the nerve to compliment me.
"Hindi ka na naman magsasalita," asar niya sa'kin bago bumuntong hininga. "Tara na? Baka hinahanap ka na ni Jane."
Tumayo siya habang ako ay umiiwas pa rin ng tingin. But before I could stand up, umupo siya sa tabi ko. Napausog ako dahil doon, and that made me look at him.
"Gray-" he cuts me off when he leaned his head on my shoulder. Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba... or kabag? Charot!
"Wait lang," he whispered with another sigh.
Napakagat ako sa ibabang labi at yumuko para itago ang mukha ko. Moments from now, someone might see me, and all of this closure goes to waste. Tatakbuhan ko na naman siya kung sakali.
"I have to admit, namiss kita," bulong niya pa ulit. No, no, wait.
Halo-halo ang nararamdaman ko. Ang OA, pero alam ko namang kada galaw ko ay bantay sarado. Being in this industry generally doesn't make me a private citizen. There will be eyes everywhere.
At may mga mata akong iniiwasan.
Biglang tumunog ang phone ni Gray kaya napaayos siya ng upo. Kiana's name appeared on the screen kaya saka ko rin naalalang hindi ako nagpaalam sa kanila kanina. Sinagot ni Gray ang tawag at kahit hindi niya i-speaker mode ay rinig ko ang boses ni Kiana pati Issa.
"Ang ingay naman," asar ni Gray sa kausap. Mukhang mas lalong napikon ang kausap niya kaya sinigawan siya nito. He flinched, that's why I figured.
"Oo, kasama ko si Celeste... Pabalik na nga... Sira, mali ka ng intindi." Nakailang tawa pa si Gray bago niya naibaba ang tawag. Nag-aya na siyang umalis since the girls are looking for me and Jane is worried.
Sa'kin lang, wala raw silang pake kay Gray. 'Yon yung sabi nila sa kanya.
Pagbalik namin sa studio, agad na lumapit si Jane at kinurot ako sa tagiliran. And when I say it hurts, it really did! I widened my eyes at her bago ako lumayo sa kanya.
"Sa lahat ba naman ng hindi mo dadalhin, yung phone mo pa!" pangaral ni Jane. Siya na ang nagpaalam para saming dalawa at hinila ako paalis doon. I waved at everyone bago tumalikod sa kanila.
Gray didn't contact me after our 'talk.' 'Di naman sa nag-eexpect ako, wala naman nang kami. I guess, that's how he's going to cope.
"Celeste." Niyugyog ako ni Jane para gisingin kaya umayos naman ako ng upo. Nakatulog na pala ako sa kotse. "Nandito tayo sa bahay niyo."
She immediately woke me up with those words. Bahay namin? Anong sinasabi niya? Anong kailangan namin dito?
Agad akong tumingin sa labas ng bintana at na-kumpirma kong tama ang sinabi ni Jane. Parang aatakihin ako sa puso dahil sa biglang pagbilis ng tibok nito.

BINABASA MO ANG
Escaping Discorded Beats
RomanceFor Celestine, singing is her heart's desire ever since she was a kid. The sound of music is what she like to wake up to everyday, and sleep to every night. Until she had to leave it for her sister, whom she believes is more worth than her own first...